Fazed Arrow (The Athletes #2)...

By abeamus

1.4M 38.3K 21.2K

MONTEVINSKI SERIES #2 Uoiea Ishan Villaceran is one of the popular Archers. A hopeless daughter who always fe... More

Fazed Arrow
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Epilogue 1
Epilogue 2
Epilogue 3
Author's Note

Chapter 10

28.1K 1K 497
By abeamus

Chapter 10

Archery


I passed all of my subjects. Ngayon lang ako nakakuha ng matataas na grado na ako mismo ang naghirap. Madalas kasi ay exempted ako kaya hindi na ako nag-te-take ng exam. Kung ano ang score ng pinakamataas ay 'yon na rin ang akin.

"Galing!" puri sa akin ni Jaya habang naglalakad kami sa corridor papunta sa canteen. Magulo kami at paminsan-minsan ay nagtutulakan pa dahil sa sobrang tuwa.

"Grabe, highest ka sa Gen Chem!" tuwang tuwa na sabi rin Jaya na nasundan pa ng pagtulak sa balikat ko.

"Sabi namin sa'yo, e, matalino ka talaga."

I made a face at what Demi said. I would never believe in that claim! Hindi ako matalino. Palagi nga akong napapagalitan ni Daddy dahil mababa ang mga grades ko. Palagi rin pinapamukha sa akin ni Daddy na wala akong patutunguhan dahil ganito ako...

"Kailan mo naman sinabi, Demi? Na matalino siya? Wala kayang gano'n sa grupo natin!" si Jaya.

Natatawa na lang kami sa isa't isa.

"Sinabihan ko siya sa group chat noong grade nine, huwag ka nga!" sagot ni Demi sabay tulak sa akin pagliko namin pababa sana ng hagdan.

"Ay!" nang bumangga ako sa isang lalaki. Base sa amoy nito, kilalang kilala ko siya.

Hinila kaagad ako ni Jaya kaya tumama ako sa mga kaibigan ko. Vier's eyes drove into mine. Nagtagal iyon na para bang may gusto siyang sabihin pero mas pinili na lang na umiwas kasama ang mga kaibigan niya. Hindi siya nagsalita at naglakad na lang palayo sa amin.

"Ano ba 'yan, nakakasira ng araw!" pagpaparinig ng Anikka.

"Hay, pota! Manggagamit!" pahabol ni Jaya habang hinihila namin sila ni Demi pababa na ng hagdan.

Kung ano ano ang sinasabi nila habang naglalakad kami. I couldn't keep up with them since I was too carried away about our interaction after weeks of being strangers again. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko, pero isa ang klaro. Hindi na ako galit kumpara noon na halos kasuklaman ko siya.

Siguro totoo nga na oras lang ang kayang magpahilom sa mga tao.

Dahil sa banggaan na 'yon, natanto ko na may parte sa akin na hinahanap-hanap ulit ang presensya niya sa buhay ko. Of course I'd still miss him. Wala nang makulit na laging dumadalaw sa classroom namin. Wala na akong hinihintay tuwing hapon. Wala nang nanlilibre sa akin ng barbecue kahit hindi ko naman paborito 'yon...

We can be mad at our friends, but honestly, we could never easily erase them in our life even though they had inflicted pain on us. Because they shared a lot of memories with us...

Kaya ang hirap ma-attach sa isang tao. Mahirap makalimot.

Masaya si Mommy dahil mataas ang nakuha ko sa exam. Actually, sobrang proud niya nga at pi-nost niya pa sa facebook. Maraming ninang at ninong ko na doctor ang nakakita kaya nagbigay ng pera kay Mommy para sa akin. Ginamit ko 'yon sa labas namin nina Jaya.

"Bye!" sabay sabay nilang paalam habang nakabukas ang bintana ng kotse ni Jaya.

I waved back before getting myself inside the house. Katatapos naming nagsimba at kumain. We do this every Sunday whenever we're all free. Madalas kasi ay kasama namin ang family namin tuwing Sunday.

Hawak ang ilang paper bags, pumasok na ako sa bahay. I saw people gardening and cleaning the surroundings. Binati nila ako, kaya binati ko rin.

"My, nakauwi na ako!" bungad ko at binagsak ang sarili ko sa sofa. Ang mga paper bags ay nilagay ko sa lamesa. Ang sarap sa likod ng sofa. Ang lambot ang lamig sa loob ng bahay.

"May bisita ka, Ishan. Bakit hindi mo sinabi sa akin?!" Papalapit na ang boses ni Mommy, palagay ko ay galing siya sa kitchen.

"Pina-prank mo na naman ako, My! Kakatapos mo magsimba kasama ang nurses mo, 'di ba? Tapos magsisinungaling ka?"

Nakita ko na siya na suot ang damit niya nang lumabas kanina. My mom is really pretty even at her age. Sabi ko, maghanap na siya ng bago, pero ayaw niya. Hindi dahil mahal niya pa si Daddy, pero ayaw niya raw na mahati ang atensyon niya. Gusto niya ay sa akin lang. Busy na nga siya madalas, may kahati pa ako.

"Umayos ka nga, Ishan. Naririnig ka ng bisita mo."

Malakas akong tumawa. Trying hard na mapaniwala ako.

"Mommy, ano ba? Magtigil ka riyan, Juana..." biro ko sa kanya.

I was laughing hard, but it stopped momentarily when Xydon went out from the kitchen. Laglag ang panga ko habang pinapanood siyang naglalakad papunta sa tabi ni Mommy. He looks proud that he's here. Nakaporma pa!

"Bakit ka nandito?" Gulat pa rin ako. Hindi ko inasahan na dadalaw siya! O baka inutusan ng Mommy niya rito?

"Ishan," si Mommy, puno ng pagbabanta.

I sighed. "Bawal ba magtanong, My? Hindi ko naman kasi siya inaasahan dito..."

Tinignan ko ulit si Xydon. Nakapamulsa siya habang pinapanood ako. Nakangisi lang siya. Bakit ba 'to nandito??

"Umayos ka, ha? Pupunta na ako sa taas at may virtual meeting pa ako."

Hindi ko na napansin ang pag-alis ni Mommy dahil naglakad na rin palapit sa akin si Xydon. Nakatayo siya sa harap ko habang nakatingala naman ako. Kuryoso pa rin ako sa kanyang presensya.

"Seryoso, bakit ka nandito? Hindi ka naman nagsabi, a?"

He chuckled. "I'm sorry for not messaging you first. I remembered asking you if you could teach me how to play archery... and I assumed this is the best day for it?"

Bumuga ako ng hangin. Tumayo na ako at sinundan niya naman ako pataas, papunta sa aking kwarto. Maghahanda na ako. Wala rin naman akong iba pang gagawin. At para bayad na rin ako sa utang ko sa kan'ya.

"Are you serious? Papaturo ka talaga? Para saan naman?"

Football player siya, a?

Hindi siya nakasagot kaya hindi ko na kinulit pa. Pagpasok ko sa kwarto ko, napansin ko na naiwan siya sa labas ng pinto. I rolled my eyes jokingly. Akala mo naman...

"You can come inside. Malinis naman dito."

Pumasok na ako sa walk in closet ko. Habang naghahanap ng masusuot, natanto ko na siya ang unang lalaki na pinapasok ko sa kwarto. I've been friends with Vier for a long time, pero ni minsan hindi pa siya nakapasok sa bahay. Takot kay Mommy, e.

Nakabihis na ako paglabas ko. I'm wearing a ripped jeans and white shirt paired with sneakers. Ayaw ko sana ng puti dahil nakaputi siya, pero ayaw ko naman ng ibang kulay.

"Outdoor ba o indoor?" tanong ko habang kumukuha ng isa pang bow sa cabinet ko.

"Outdoor, pero hindi naman tayo matatamaan ng araw. Sa likod tayo ng bahay..."

Tumango ako at sunod na kumuha ng arrows. Nakaupo siya sa aking kama habang pinapanood ako. Nasa ibaba kasi ng tv ang mga gamit ko.

Pumayag ako dahil malaki rin naman ang tulong niya sa akin. Siguro kung hindi siya nagbigay ng notes sa Gen-Chem, baka hindi ako highest. At wala naman sigurong kahulugan ito. Kung sa kanya ay meron, bahala siya, basta sa akin ay wala.

Hindi na kami nakapagpaalam kay Mommy dahil ongoing na ang meeting niya. Kausap niya ang mga doctors sa Australia. May upcoming seminar yata siya roon, at baka manghingi na rin siya ng donations para sa magiging proyekto nila.

"You went to church?" tanong niya habang nagmamaneho papunta sa bahay nila.

Tumango ako habang kumakain ng candy na nakuha ko sa kanyang dashboard. May nakita akong sigarilyo roon at napansin niya ang pagkabigla ko. Hindi naman ako sobrang nabigla. Wala kasi sa postura niyang manigarilyo. Sabagay, hindi naman pwedeng ibase lang sa itsura.

"You smoke?" tanong ko.

He looked problematic when I looked at him. Akala mo naman natintahan na ang buong pagkatao niya.

"Yes," kabado niyang sagot. "Not all the time, but when I feel like smoking, I always finish one."

Ibinalik ko ang sigarilyo at tinantanan na ang dashboard niya. Umayos na lang ako ng upo habang binubuksan ang panibagong candy na nakalkal. Hindi ko alam kung bakit komportableng komportable ako...

"You don't like... a man that smokes?"

I shrugged. "Wala naman akong problema. Iwas lang ako sa mga taong naninigarilyo dahil na tri-trigger no'n ang hika ko."

"May hika ka?" Kunot na kumot ang kanyang noo. Parang naiinis siya.

Tumango ulit ako. "Hindi naman severe. Minsan lang din ako atakehin. As in madalang lang!"

Noong bata ako, malala dahil smoker si Daddy. Pero dahil matagal naman na siyang wala sa amin, nawala na rin ang hika ko. Matagal na rin simula noong huli akong inatake.

"I'm sorry. Hindi na kung gano'n ako maninigarilyo."

Natawa ako pero may kung ano sa aking tiyan.

"It's fine. Hindi naman tayo madalas magkita. 'Tsaka basta huwag ka lang manigarilyo sa paligid ko."

"I'll stop it now. Madalas na tayong magkikita kaya dapat lang na tigilan ko na," seryoso niyang sambit at hindi ako nilingon kahit nag-aabang ang mga mata ko.

My eyebrows were creased a bit with a ghost of a smile stretched on my lips. Madalas na raw kaming magkikita? Bakit naman? At talagang ititigil niya para lang sa akin? Dahil lang ayaw ko? Masyado naman yata 'yon?

Walang tao sa bahay nila kundi ang mga kasambahay lang. Aniya'y nasa labas daw ng bansa ang mga magulang nila para sa isang business convention. His sisters were out, too with their cousins. Kaya naman agad na kaming tumulak sa likod ng bahay nila. Buti na lang at hindi ko na kailangan pang bumati, dahil sa totoo lang, nahihiya pa rin ako sa kanila.

Maaliwalas sa kanilang likuran. It's really spacious. It's a place a person would rather want to visit if he or she feels tired of the world. The majority of the place were covered with bermuda grasses that made it even more relaxing. May malaking mga puno, at coconut trees sa ibang parte na makikita mo kahit malayo ka roon. There's also a mini man made fountain in the middle. Mas maliit kumpara sa nakalagay sa harap ng kanilang mansion. Masarap ang hangin dito. Pati hangin ay pang mayaman,

"Ang ganda ng bahay niyo. Ang ganda rito," I thought out loud. Nilagay ko ang arrows sa lamesa, sa ilalim ng malaking puno.

He just chuckled. Wala sigurong ma-isagot. Maingat niyang ibinaba ang bows sa lamesa, katabi ng mga arrows. Dalawa ang dinala ko kahit pwede namang isa lang dahil tuturuan ko lang naman siya.

Nagbilin siya sa mga kasambahay ng mga kailangan namin. Ilang minuto pa ay marami nang pagkain sa kabilang lamesa. May tubig na rin, juice at kung ano anong inumin para raw may pagpilian kami.

"Don't be afraid of the string, Xydon! It won't come back to hit you. It won't bounce, okay??" frustrated kong sabi sa kanya.

Simula kanina, sigaw ako nang sigaw dahil hindi siya nakikinig. Tawa lang naman siya nang tawa.

"I'm sorry. I'm just afraid it will carve my face..." at hinaplos pa ang kanyang malambot na mukha.

I groaned. "You're expected to have the string touching your face, alright? Ano ka ba? Hindi niya sisirain ang mukha mo! E 'di sana sirang sira na ang akin, 'di ba??"

Malakas siyang tumawa at ginulo ang kanyang buhok. "Alright, alright! Ang cute mong magalit..."

My glare for him has grown. Inis na nga ako, gagatungan niya pa nang gagatungan. Nag-iinit tuloy ang pisngi ko dahil sa inis. Hindi dahil sa sinabi niya!

Dahil sa maling ginagawa niya, pumwesto ako sa likuran niya at itinama. Naging kabado siya habang nakatitig sa akin. Hindi ko pinansin ang malalandng mga mata niya.

Nagpatuloy kami.

"Huwag mataas!"

"I want to aim the middle. Tama naman ang ginagawa ko."

"Hindi lahat ng sa tingin mo ay tama! Huwag masyadong mataas. Hindi naman—"

But then he still withdrew. Hindi nakinig sa akin. Hindi man lang niya natamaan ang board. Embarrassment was written all over his face while stealing glances at me. Nakapamewang ako habang mayabang na nakatitig sa kanya.

"Oh, what now? Ayaw mo kasing makinig. Sabi ko sa'yo, kapag sa gitna mo talaga itatapat, the arrow will travel high over the target!"

I heard his soft curse again. Napabuntong hininga ako at uminom ng tubig. Sinundan niya ako at uminom din siya. Malapit lang siya sa akin. Binalingan ko.

"People always aim high, that's why they can't really get what they are aiming for!" Umirap ako.

"Double meaning ba 'yan, Uoiea?"

Kumunot ang noo ko. Wala naman akong iba pang pinupunto, a?

"It's all about archery, Xydon. In archery, the more you aim accurately and high, the more you won't get your target. Ako ang nakakakita ng postura mo, kaya makinig ka sa akin. Dapat sa ibaba ng target mo itapat. Lalo na kapag malayo ka sa target mo!" I explained my lungs out.

He smirked and nodded. Pinasadahan ng mamula-mula niyang dila ang ibaba niyang labi. Napaiwas ako ng tingin at uminom ng panibagong baso ng tubig. What the?

"I'm sorry... I'll listen to you now. Masyado lang akong nadala..."

I rolled my eyes because of annoyance. "Masyado ka kasing pabibo? Ganoon ba?" I said in a bit harsh way. Nakaka frustrate kasi siyang turuan.

Napa-iling siya sa aking sinabi. He always looks amused. Palagi ring bumababa ang titig niya sa aking dimple. Ipinagwalang bahala ko na lamang.

"Three fingers, Xydon!" sabi ko habang pinapanood siya. Arms crossed, creased eyebrows.

"I'm using three, baby," makahulugang aniya kaya mas lalo akong nainis. Pero ang inis na iyon ay may kaakibat na kakaibang pakiramdam. And I hate it!

He called me baby, sinong hindi makakaramdam ng kakaiba, hindi ba? A handsome guy called you baby, syempre maapektuhan ka talaga.

"Anong three? Don't use your pinky!" I conditioned my mind to focus on teaching him.

"Oh," he said when he noticed it. "I'm sorry," halakhak niya nang matanto ang pinupuna ko kanina pa. Inalis niya ang pinky niya sa string.

Nagpatuloy kami, at mapapaos yata ako.

"Hoy, let it go now!" Pero hindi pa rin niya binitawan. "Let the string go off the fingers and it'll go!"

He released and thank goodness there's a progression! Tumama malayo sa gitna, pero ayos lang dahil baguhan siya.

Nilapitan niya ako sa upuan ko pagkatapos ng ilang shots niya. Nakangisi siya at ibinaba ang bow ko sa lamesa. Nakakrus ang aking mga kamay sa harap ng dibdib ko habang nakataas ang kilay. Mukha siyang tuwang aso habang nagpupunas ng pawis sa harap ko. Mabango pa rin siya kahit kitang kita ko ang maliit na butil ng pawis. Kahit sa dulo ng mga buhok niya ay mayroon, kaya parang spikes ang mga ito.

"I thought the more I aim, the more accurate it'll be, but that's not literally the case..." medyo hiya nitong sabi sa akin.

"Ayaw mo kasing makinig..." paulit-ulit kong sinasabi kanina pa. Ayaw niya naman kasi talagang makinig! He trusts himself too much!

Nanghila siya ng upuan at pwinesto iyon sa harap ko mismo. Mas lalo tuloy dumiin ang pagkakakunot ng noo ko. Pwede naman sa tabi ko, pero mas gusto niya sa aking harap.

"I'm sorry for tiring you. Pagod ka na ba? Gusto mo bang magpahinga muna sa loob? Let's watch a movie you like..." His voice was soothing. It was complementary to the atmosphere we have here.

Umiling ako dahil mas gusto ko rito. "Dito na lang. Mamaya na lang ulit. Magpahinga ka na lang din muna."

His eyes were smiling at me. Kumalma na ako habang kumakain kami. Kain ako nang kain, akala mo naman bahay ko 'to. Pero ayos lang dahil pinagod niya naman ako. I deserve these foods. Halos lahat paborito ko pa... At mayroon ding siomai na gawa niya raw bago siya umalis ng bahay nila para sunduin ako.

"Sa mga laro mo, napansin ko na hindi nagtatagal ang arrow sa hawak mo. Bakit?" tanong niya habang nakasandal sa kanyang upuan. Nakatitig na naman.

I sighed. "Kasi 'pag tumatagal sa hawak ko, nanginginig ang kamay ko. Sabi rin ng instructor ko noon, the more you hold the bow at full draw the more you will tire," paliwanag ko.

Tumango-tango siya, mangha sa sinasabi ko. It's actually a basic knowledge about archery. Pero sabagay, hindi naman siya nag undergo ng training kaya wala siyang alam sa larangan na ito.

"Sa bakasyon, pwede ba kitang turuan maglaro ng football?" bigla niyang tanong.

I chuckled, gumaan ang pakiramdam ko dahil sa nagbabadyang malakas na tawa.

"It's not my forte. At ayaw kong pinagpapawisan..."

"This is not my forte, too, pero sinusubukan ko. Explore, Uoiea... Ano? Kasama mo naman ako."

He threw his head back so I noticed the protrusion of his adams apple. Nag-iwas na naman ako ng tingin dahil ayaw ko ng nararamdaman ko.

"I hate extreme sweating Xydon..." mataman kong sabi habang natatawa. I can't imagine playing that! Para siguro akong tangang tumatakbo habang sinisipa ang bola papunta sa goal.

"Nandoon naman ako, pupunasan kita..."

I huffed. "Iyong totoo? Gusto mo lang yata akong landiin, e? Gusto mong tsumansing, ano? Sus!" I tilted my head while teasing him.

He rolled his eyes with a smile and I'd lie if I'd say it's not cute and it doesn't affect me at all.

"Gusto lang kitang kasama. I have work during summer, pero handa naman akong laanan ka ng oras. Ano? Hatid-sundo kita..." Pursigido siya.

A bark of laughter came from me. Nakangiti lang siya habang pinapanood ako. To be honest, hindi ko inakala na ganito talaga ang ugali niya. Noong hinahatid niya ako sa bahay, hindi naman siya ganito magsalita. Akala ko nga noon ay silent type siya, pero kapag makikilala mo pala, at mapapalapit ka ng husto sa kanya, malalaman mo ang tunay niyang personalidad. Hindi siya mahirap pakisamahan. Hindi rin siya killjoy kaya ayos lang sa akin na makasama siya.

"Your stance is really important, okay? Your hip, shoulder and string's alignment, all these things can change because of your stance. Kaya ayusin mo..." I said while watching him trying to shoot the perfect target again.

Nakikinig na siya sa akin, hindi kagaya kanina na puro instincts niya ang pinapagana. Kung hindi kasi siya makikinig, wala talaga kaming patutunguhan. Matigas din pala ang ulo nito, e. Kung ikuwento ni Mommy sa akin, parang perpekto na. Masunurin daw sa mga magulang at masipag. Kung ano ano pa...

Archery is really hard so it's fair that he couldn't really obey all of my instructions. Marami na akong naituro sa kanya. He's actually good for a beginner. Nasubukan niya naman na raw mag archery, pero hindi niya raw talaga forte kaya tumigil.

I'm thankful I went with him here. Kasi kung hindi, baka nabagot lang ako sa bahay. Dito ay nakarami ako ng tawa dahil sa maling mga ginagawa niya. Kahit frustrated na ako, sa huli ay natatawa na lang dahil sa katigasan ng ulo niya. It's fun. His presence is fun, too. Nakakatuwa siyang kasama. Being friends with him is really nice.

Napamura siya nang ma-hit ang bullseye. I was happy with him even though it's really not a big deal to me. Pero dahil nga baguhan siya rito, nakakatuwa pa rin.

Nanlaki ang mga mata ko nang yakapin niya ako. Kahit pawis na pawis siya, hindi ko magawang itulak siya palayo dahil ayaw ko namang sirain ang galak niya. Tumatawa na lang din ako kahit masyadong bigla sa pagkakayakap niya sa akin.

He stepped forward and smiled at me. He even pinched my cheeks and messed my hair. Sinamaan ko siya ng tingin dahil doon. Masyado yatang nadala... Pinagmasdan ko lang siya habang masaya sa harap ko.

Few more shots and I decided to go home.

"Mukhang hindi ka man lang proud that I hit the bullseye," aniya at pinag buksan na ako ng pinto ng kanyang sasakyan. Ihahatid niya na ako sa bahay. Ayaw niya nga akong pauwiin, gusto niya pa rito ako mag dinner pero ayaw ko.

Pumasok na siya sa sasakyan niya.

"When you do archery, it happened so frequently kaya hindi na big deal sa akin. Pero masaya naman ako. At least, worth it ang pagsigaw-sigaw ko, 'di ba?"

Tumango siya at pinaandar na ang sasakyan. Habang nagmamaneho siya ay nakikinig lang ako ng Korean songs. My phone was connected to his bluetooth. Hindi naman siya nagrereklamo. He's actually vibing with me. Nagtanong pa kung anong mga grupo ang kinahihiligan ko. Nang halos puro lalaki, nadismaya siya.

Tumikhim siya kaya tinapunan ko siya ng tingin. Inosente ang mga mata kong naghihintay. He was smiling and I feel like he's going to throw a silly joke or line.

"I hope our cupid is skilled in archery. So he will hit our hearts with a bullseye. I hope he'll do it right. Kasi ayaw ko na sa iba. At sana maging gano'n ka rin. And if that happens, I hope our arrows will remain in our hearts, deeply planted."

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
905K 30.9K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
28.1K 579 72
[Career Series #5]: Catria Lionne Montagne Mariano takes pride in being the daughter of a famous senator and the granddaughter of the richest man in...
238K 5.9K 38
Reign Clarisse Santiano always rushes things and acts on impulse. She's an idealistic Campus Journalist who doesn't want any serious attachment with...