Fazed Arrow (The Athletes #2)...

By abeamus

1.4M 38.2K 21.2K

MONTEVINSKI SERIES #2 Uoiea Ishan Villaceran is one of the popular Archers. A hopeless daughter who always fe... More

Fazed Arrow
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Epilogue 1
Epilogue 2
Epilogue 3
Author's Note

Chapter 9

25.7K 932 417
By abeamus

Chapter 9

Effort


Ang hirap kapag hindi ka matalino. Kahit gustong gusto mong pumasa, kung ayaw ng utak mo, wala ka talagang magagawa. Matalino naman ang Mommy ko, doctor pa nga... Si Daddy rin ay matalino at kilala pa rito sa eskwelahan ko hanggang ngayon dahil sa mga parangal na natamo niya. At heto ako, pahinga-hinga lang.

"Pass muna ako. Mahirap coverage ng exam ngayon. Kailangan kong magseryoso," sabi ko sa aming group video chat.

Nasa iPad holder ang gadget ko. Nasa kitchen counter ako habang may kinukuha sa cabinet sa itaas. Nang makuha ang noodles, umupo na ako sa stool, sa harap ng iPad.

"Dito ka na mag-review! Tutulungan ka namin..." si Anikka.

"Anong review? Tuwing magkakasama tayo, wala tayong natatapos!"

Nagsimula na akong ilagay ang mga seasoning. Bumukas ang pinto at nakita ko si Manang Sel.

"May ulam doon, 'Nak... Bakit kailangan mo pang mag-noodles?" aniya habang may hinahanap sa ref.

"Ito ang gusto kong kainin, Mimi... Kumain na po kayo?" balik kong tanong.

Mimi ang tawag ko sa kanya. Siya ang pinakauna naming kasambahay at may katandaan na. May anak siya na mas matanda sa akin ng ilang taon. May sarili na silang bahay rito sa compound namin, bigay ni Mommy sa kanila dahil sa pag-aalaga sa akin tuwing pumupunta si Mommy sa ibang bansa para sa mga seminar o operation.

"Oo, Weya, oo! May kausap pa kami!" rinig kong sigaw ni Jaya mula sa call.

"Saglit lang! Parang tanga 'to..." balik ko.

"Kumain na kami, 'Nak. Magluluto na ako ng tanghalian..."

Tumango ako at kinuha na ang kumukulong tubig sa electric kettle.

"Sige po..." sagot ko bago siya tuluyang umalis. Bumaling ako sa mga kaibigan ko. "Hindi talaga ako pwede ngayon. Bukas na lang! Gusto ko talagang may pumasok sa isip ko..."

"Sige sige. Kung may hindi ka maintindihan, tawag ka lang sa amin."

Tumango ako kay Demi bago naputol ang tawag. Magkakasama na sila ngayon, susunduin sana nila ako pero tinawagan ko na para hindi na sila pumunta pa. Dahil sa oras na sunduin nila ako, wala na akong magagawa kundi ang sumama. Mayroon kasi sana kaming group study, kaso alam kong scam 'yon. Wala kaming natatapos tuwing magkakasama.

Hindi ako masipag mag-aral, ngayon ko lang naisipan na maglaan ng oras sa pag-aaral. I'm not really the studious type of a student. I just enjoy school, but not studying. Hindi rin naman strikto si Mommy sa grades kaya hindi kailanman ako nakaramdam ng pressure.

I tried to focus studying different subjects. I'm happy that something is staying in my mind. Nakatutok lang ako sa aking study table, seryoso sa pag-aaral. Marami na akong natapos at satisfied naman ako. Hinatid na nga lang Mimi ang pagkain ko rito sa kwarto dahil hindi ko na naharap na bumaba pa. Hindi ko pa naubos dahil masyado akong nawili sa pag-aaral.

Bumukas ang pinto ng aking kwarto habang nagliligpit ako ng gamit ko. Plano ko kasing mag siesta muna...

Nagulat ako nang makita ko si Mommy sa bukana ng pinto ko. She's still wearing her lab coat. Kadarating yata...

"Ang aga mo naman, My?" pagtataka ko.

Hindi siya pumasok sa kwarto ko. Nakapinta sa kanyang mukha ang pagkabigla nang makita ang mga libro at notes kong makalat sa aking lamesa. Sa huli ay ngumiti siya.

"Uh, are you free?"

Umiling ako. "Matutulog na muna ako—"

"Samahan mo ako sa mga Montevinski, kina Cha..."

I groaned. "Ano pa'ng use ng pagtatanong mo, Mommy, kung free ba ako? Gusto kong matulog. Napagod ako sa pag-aaral..."

Baka sakaling hayaan niya ako sa gusto ko dahil ngayon lang ako ganito. Pero hindi siya natinag sa gusto niyang mangyari.

"Sige na... Wala akong kasama, Anak."

Kahit matigas ang ulo ko, hindi ko pa rin matiis ang Mommy ko lalo na kapag ganito na siya. Mukhang nagmamakaawa sa akin, pero sa totoo ay scripted ito. Tumango na lang ako at pinakinggan ang mga bilin niya. Mag-ayos na raw ako ng sarili at aalis na kami pagkatapos ng ilang minuto.

I'm not nervous at all since I know Xydon wouldn't be there. Sabado ngayon at nasa kumpanya niya sila panigurado, tumutulong sa kanyang Daddy. Iyon kasi ang sinabi niya sa akin noon.

"Ano na naman ba ang gagawin mo roon, My? Chika na naman?" I locked my seatbelt and fixed my hair. Binaba ko ang salamin sa harap ko para tingnan kung maayos ba ang aking mukha. Maayos naman.

"Anong chika? May project kaming binabalak sa probinsya, Ishan. Magtatayo kami ng clinic..."

Tumango-tango ako, interisado. Mahilig si Mommy sa mga ganitong proyekto. Kaya rin hindi ako masyadong maluho dahil mas gusto ko na sa mga ganitong bagay nilalaan ni Mommy ang mga perang kinikita niya.

"Talaga? Buti naman, My!"

Ito ang pinakagusto ko kay Mommy, may puso siya sa mga taong nangangailangan ng tulong. Isang bagay na gusto kong makuha sa kanya. I can't say I'm kind as her, but I'm trying to be like her, not to gain compliments but to help people who are in need.

Pagpasok namin sa kanilang bahay, tama nga ako dahil wala si Xydon. Ate Rhione greeted me before she went out to meet her friends. I was told that Cheonsa was out as well to meet her cousins. Wala tuloy akong kausap dahil si Mommy ay hinila na ni Tita sa garden. Hanggang ngayon, nagtataka pa rin ako sa sinabi ng Mommy nila.

"Don't worry, Ishan... Someone might rush here to accompany you. Huwag kang mabagot, Anak..."

Hindi ko gusto ang tumatakbo sa isip ko. Hindi naman siguro iyon pupunta rito, at isa pa, hindi niya alam na nandito ako...

Hindi tayo sigurado. Baka nakarating sa kanya lalo na't malakas mang-asar si Ate Rhione kanina sa akin. Panay pa ang pagtipa sa kanyang cellphone.

I heard a capture from a phone camera. Pagbaling ko mula sa puting coach, nakita ko si Tiago. Bigla akong nahiya dahil masyado akong komportable sa upuan habang kumakain ng ice cream.

"Nandito ka..." puna niya. "Wala rito si Zeus. Nandoon sa kumpanya nila, nakikipag landian sa mga babaeng sekretarya."

I don't know why he had to say that. The phone was still focused on me, pero palagay ko naman ay hindi siya kumukuha ng video.

"Sinama lang ako ni Mommy..." bunsangot kong sabi at binalik na ang mga mata sa telebisyon.

Naglakad siya sa harap ko. Napansin ko ang cellphone niya sa ganoon pa rin na ayos. Doon na ako nagtaka.

"Are you filming me?" inis kong paratang. Binaba niya kaagad. "Delete mo 'yan, Tiago..."

Humalakhak siya. "Wow, walang Kuya? Si Zeus ba, Kuya ang tawag mo roon?" pang-aasar niya pa rin sa akin.

Hindi ako umimik kaya humagalpak siya ulit ng tawa. He looks more bad boy than Mooze, but talk more playful. Malaki ang katawan, parang kay Xydon. Mas matangkad lang si Xydon sa kanya ng kaonti. Maputi rin siya at may pagka-chinito. Hindi ko tipo.

"Una na nga ako. Baka masapak ako ng stalker mo..." anito at nag martsa na paalis habang sumisipol.

Ano kaya ang sadya no'n dito? Sabagay, siya nga itong kamag-anak tapos ako pa itong kukwestunin ang presensya niya rito.

Pakiramdam ko nagsasayang ako ng oras habang nanonood kaya binuksan ko na lang ang mga pdf na maari kong pag-review-han. May isang oras na rin yata akong nakababad sa telebisyon. Si Mommy kasi, hindi na lang ako hinayaang matulog sa bahay. Maaari naman akong matulog dito, pero nakakahiya!

May narinig akong tumikhim. When I looked up from reading on my phone, I saw Xydon with his black long sleeve rolled until his elbows. His three buttons were open. Ibinaba niya ang coat niya sa armrest ng sofa. He looks like a businessman with his composure and attire. Tipid akong ngumiti habang confident siyang nakatingin sa akin.

"You have work, 'di ba?" I asked while he's walking towards me. Nakapamulsa siya.

"Yeah... Tinapos ko na kaya umuwi na ako." Kunot ang kanyang noo nang inayos ang kanyang buhok. "Hindi totoo 'yong sinabi ni Tiago... I don't flirt with my father's secretaries."

Tumango ako at pinatay na ang cellphone ko. Hindi ko binigyan ng pansin ang huli niyang sinabi. Tumayo ako sa harap niya. Ang bango bango niya, parang ginigiba nito ang pananaw ko na pangit umibig sa mas matanda.

"Tara sa kitchen niyo. Kanina pa ako nauuhaw..."

May mga napadaan kanina na mga kasambahay pero nahihiya naman akong mag-utos.

Kumunot ang noo niya. "Why didn't you ask the maids? Or you can just go there by yourself. Feel like home, Uoiea..."

Hinila ko ang manggas sa kanyang siko hanggang sa makalapit na kami sa kitchen. Hindi natanggal ang ngisi niya kahit nakarating na kami sa loob ng counter. Parang gusto niya pang magpahila, a?

"And weird mo..." puna ko sa ngisi niya. Inubos ko ang tubig ng binigay niya sa akin. "Bakit ka ba ngiti nang ngiti?"

Lumayo ako sa kanya dahil masyado siyang malapit. Kulang na lang kulungin niya ako sa mga braso niya. Just like what happened on the mall when he opened the topic about the kiss happened between me and Vier.

Lumabas ako at naupo sa gitnang high stool. He remained inside, his palms are pressed on the countertop while slightly bowing in front of me. Pansin ko na medyo pahirapan huminga ngayon...

"What are you reading?" tanong niya nang magpatuloy ulit ako sa pagbabasa. I wasn't even attentive to what I am reading.

"Nag-re-review ako para sa exam namin. Marami akong hindi napasukan dahil sa mga scheduled trainings kaya napag-iwanan na ako..."

"What are you reviewing?" tanong niya ulit, hindi inaalis ang titig sa akin.

"Statistics and probability ang binabasa ko ngayon." Bumuntong hininga ako. "Pwede ba? Tumingin ka naman sa iba... Nakakailang ka na ha."

A short chuckle escaped from him. Mabilis niyang kinagat ang labi at pinakawalan din. I looked away because of my imaginations.

"Bakit ka naiilang? Are you falling for me now? Are you breaking your notion for me? Baka hindi talaga totoo na ayaw mo sa matanda?" He even titled his head to add portion on his audaciousness.

I huffed and he laughed.

"Sino'ng hindi maiilang, Xydon, ha? You stare at me like I'm the only thing you could see! Hindi ko pa alam kung anong umiikot diyan sa utak mo..." medyo inis kong paliwanag sa kanya.

"Mata ko 'to, kaya titignan ko kung sino ang gusto ko... gusto kong tingnan," dagdag niya sa kanyang pambibitin.

Akala mo naman hindi ko nakukuha ang paraan niya sa panghaharot sa akin. He's obviously trying to get me with his bold lines and cocky assumptions. Akala mo talaga...

"Ewan ko sa'yo. Gan'yan talaga siguro kapag matanda na."

Dahil sa inis ko, ginamit ko na naman ang pagiging matanda niya sa akin ng ilang taon.

"Hindi bagay ang edad ko sa'yo para sa'yo, pero malay mo ako talaga ang bagay sa'yo..." ngisi ngising aniya.

"Xydon!" bulyaw ko habang nararamdaman ang init sa aking pisngi. "Ewan ko sa'yo! Sa susunod hindi na ako sasama rito..."

His eyebrows shot up at what I just said. He crossed his arms like he didn't like what I just addressed. Nakakainis kasi! Hindi ko alam kung bakit ayaw ko na binabanatan niya ako ng mga matatamis na salita. I just don't like it. Kasi...

Ewan!

"What do you like to do, then? Hindi na kung gano'n ako mang-aasar..."

Tinignan ko siya. He looked serious now, malayo sa ekspresyon niya kanina. I regretted a bit because I know I changed his mood. Pero paano naman kasi ako? I was the one suffering with his playful statements!

"Gusto kong kumain..." sagot ko sa kanyang tanong. "Kumain ako ng cake kanina, kaso kaonti lang dahil ayaw ko 'yong flavor."

Bumuntong hininga siya at ngumiti sa akin. Ngumuso ako at nag-iwas ng tingin. He looks so tamed and I'm not used to it. Oo at maamo rin ang mukha ni Vier, pero kakaiba ang kay Xydon. Para bang handa siyang gawin lahat ng gusto ko.

"What's your favorite flavor? I'd tell them so they'd know what to stock. Para sa susunod na dalaw mo rito—"

"Anong dalaw? Pinilit lang ako ni Mommy, ano! 'Tsaka hindi naman kami madalas pumunta rito. Nakakahiya rin..."

He sighed with a smile again. Parang pinapaalam niya na mahaba ang pasensya niya.

"Just tell me what your favorite flavor is..."

I rolled my eyes. "Oo na! Mocha ang gusto ko. Pero hindi naman kami madalas dito kaya huwag mo nang ihabilin. Nakakahiya..."

"Mocha, then..."

Hindi talaga ako sanay na gusto niya ako. Halatang halata kasi sa paraan ng pakikiusap niya, at pagtingin niya sa akin. Alam ko naman na walang mali sa ginagawa niya... I don't find it uncomfortable, too, but I don't like how my system reacts to everything he does. It's alarming.

I'm busy with my phone while he's busy doing something in the sink. Nilipat niya ang ginagawa niya sa countertop kaya magkaharap na naman kaming dalawa.

"Ano'ng ginagawa mo?" interesado kong tanong at binulsa na ang cellphone ko.

"You guess." Nakaukit sa kanyang mukha ang paghahamon.

"Hindi mo na lang sabihin."

Napa-iling siya. "You're grumpy today. Actually, most of the time."

Hindi ko pinsan ang sinabi niya nang matanto ang ginagawa niya. Excitement is now etched on my face. Tuwang tuwa ako sa nakikita ko. He was smiling while watching me amused.

"Siomai? Marunong ka?!" Tuwang tuwa ako, parang bata.

"Ngayon, tuwang tuwa..." ngisi niya.

"Marunong ka talaga?" Parang nawala ang kaba sa aking dibdib kanina pa. Tumango naman siya habang nagpapatuloy.

"I attempted so many times before I learned how to do it. Ang mga unang gawa ko ay hindi masarap," tawa niya, nahihiya. Ginulo niya pa ang kanyang buhok at bumuga ng hangin.

"Ako nga hanggang ngayon hindi masarap ang gawa ko kaya sumuko na lang. May pambili rin naman ako..."

Habang nakikipag-usap sa kanya, sa likod ng aking isipan ay umaandar na naman ang pagiging assumera ko. Suspetsa ko na naman ay inaral niya para sa akin. He knows I like the food, and of course if I like someone so bad, I'd work hard to learn how to cook it too. Dagdag points kumbaga.

"Don't worry, I'd be your supplier for now. I'll cook everyday and send it to your school..." Mataman niya akong tinignan. "Kung gusto mo lang."

Tumaas lang ang dalawang kilay ko, hindi ako sumagot. I'm thinking about the eyes of the people. Alam kong kahit humupa na ang issues ko noon, mayroon at mayroon pa rin silang masasabi kung araw-araw na pupunta si Xydon para lang bigyan ako ng pagkain. I don't really like being the talk of the town.

Medyo matagal bago siya nakapaghain sa akin ng siomai. He's still on his attire, hindi man lang nagpalit ng pambahay. Inabutan niya ako ng tinidor.

"It's still hot, be careful..."

Tumango ako habang hinihipan ang tinidor kong may siomai. It smells so good, the reason why I'm so eager to taste it instantly. Bigla rin akong nakaramdam ng mabigat na gutom.

Sa malaking bukana ng aking bibig, pinasok ko ang siomai. One chew and my eyes widened. I looked at Xydon who never tore his eyes off me. Inabutan niya ako ng tubig pagkatapos.

"Ang sarap! Hindi ako makapaniwala na gawa mo talaga 'to!" tawa ko sa kanyang harap. "Hindi talaga ako maniniwala, kung hindi mo lang ginawa sa harap ko..."

His eyes were over the moon. He looked satisfied with my reaction. Panay ang kain ko habang nanonood siya. I had the urge to offer since he hadn't eaten any.

"Gusto mo?" tanong ko habang may hawak na tinidor.

Tumango siya habang nakatayo kaming pareho. Tumusok ako ng isa. Plano ko sanang iabot iyon sa kanya, kaso, nasa harap pa lang ng mukha ko ang siomai ay umabante na siya para kuhanin iyon gamit ang mga labi niya.

Hindi nanlaki ang mga mata. Our eyes locked while he's trying to fully get the food out of the fork. Kino-kontrol ko ang paghinga ko dahil ayaw kong maging agresibo ang pagbaba taas ng aking mga balikat. I don't want him to think I'm that much of affected by what he's doing.

Kung gaano katagal ang pagkuha niya, ganoon din katagal ang pagkalunod ko sa kanyang mga mata. I realized his eyes are the most attractive pair I had ever seen. They can be dark sometimes, but mostly they're repressed.

While he's chewing, inabala ko ang sarili sa pagkain ulit. Hindi pa rin ako nakakabawi sa panghihina na naramdaman. I know he's watching me and I couldn't help but feel conscious especially on my way of chewing my food.

Itinaas ko ang dalawang kilay ko habang nakatingin sa kanya. I am asking why he's staring. Umiling siya habang may multo ng ngiti sa labi. Kahit ang pagnguya ay bagay sa kanya.

Ano ba 'tong iniisip ko?! Don't tell me, Weya, you're falling for this guy? E, ayaw mo nga sa matanda, at ayaw mong palaging napag-uusapan dahil siguradong makakarating na naman iyon sa daddy mo na puro kamalian lang ang nakikita sa'yo.

Nagtagal kami sa bahay nina Xydon. I reviewed and he helped me understand some of the things I couldn't. Nang mapagod na ako kaninang mag-aral, niyaya ko siyang maglaro ng mobile legends. Iyon lang ang ginawa namin habang hinihintay na matapos mag-usap ang mga magulang namin.

Madaling araw na at katatapos ko lang mag-aral. Nakatitig ako sa ceiling na para bang alam nito ang mga tumatakbo sa isip ko. I glared at it since my thoughts are exclusive.

Damn, nababaliw na ba ako?

I turned my body to my right and hugged my huge pillow. Nakalapat ang pisngi ko sa unan. My lampshade was turned on and it's giving off dramatic visual. Bumuntong hininga ako at pinilit na matulog kaso may pumipigil sa akin. Laging pumapasok sa isip ko si Xydon.

His effort earlier touched my heart that it's melting until now. His eyes are telling me he really likes me, not similar to Vier's when he's with me. I can't help the comparison...

Thinking he's willing to send me siomai everyday makes me feel so special. His university is a bit far from my school so it's another big effort from him if I ever agreed to it. Hindi pa nga siya nanliligaw pero ganito na. Paano pa kaya kung...

Ano ba, Weya! Matulog ka na nga! Naiinis na ako sa'yo...

Hindi ako nakatulog kaya binuksan ko muna ang ilang social media accounts ko. Demi is still online, siguradong nakikipag late-night-talk. She messaged me to sleep already and I replied mamaya kaonti.

My heart boomed when I saw a message from Xydon from my Messenger.

Xydon Zeus Montevinski:

Can't sleep?

Grabe, iyon lang pero bakit parang ang lakas ng dating? I sighed and typed a reply.

Uoiea Ishan Villaceran:

Yes.

Binalak ko pang dagdagan pero huwag na. His question is answerable by yes or no only. Huwag nang madaldal, Weya!

Xydon Zeus Montevinski:

Why?

Uoiea Ishan Villaceran:

Secrettttt

I bit my lip. Inaantok na ako kaagad.

Xydon Zeus Montevinski:

Alright.

Xydon Zeus Montevinski:

After your exam, can you teach me how to play archery?

Nanlaki ang mga mata ko pero hindi napawi ang antok na nangingibabaw. If I'll say yes, then we'd be closer... A thing that's really risky for my part, and very beneficial for his part.

Uoiea Ishan Villaceran:

Alright. But make sure it's private. Matutulog na ako. Goodnight!

Kahit gustong gusto ko nang magpadala sa matinding antok, hinintay ko pa rin ang reply niya.

Xydon Zeus Montevinski:

Alright. Goodnight. Sleep well, Uoiea. ❤️

Continue Reading

You'll Also Like

882K 30.4K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
58.4K 2.7K 45
Date Started: May 05, 2021. Date Ended: June 24, 2021. - Nailah Saige Romero, a 1st year college student taking Culinary arts on University of Cebu...
308K 5.1K 23
Dice and Madisson
28.1K 579 72
[Career Series #5]: Catria Lionne Montagne Mariano takes pride in being the daughter of a famous senator and the granddaughter of the richest man in...