Fazed Arrow (The Athletes #2)...

By abeamus

1.4M 38.3K 21.2K

MONTEVINSKI SERIES #2 Uoiea Ishan Villaceran is one of the popular Archers. A hopeless daughter who always fe... More

Fazed Arrow
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Epilogue 1
Epilogue 2
Epilogue 3
Author's Note

Chapter 8

25.7K 823 435
By abeamus

Chapter 8

Matanda


Nasa hilera kami ng benches sa open study area habang nagkukwentuhan. Maraming puno sa paligid kaya hindi kami nasisinagan ng araw. Kung oo man, mga nakakalusot lang sa ibabaw ng malulusog na dahon. Hindi mainit ang temperatura ngayon dahil alas nuebe pa lang naman. Walang klase dahil malapit na ang foundation day.

"O, bakit hindi siomai ang kinakain mo ngayon?" tanong ni Anikka habang kumakain ako ng fishball. "Siomai favorite mo, a?"

"Sawa ka na?" Nagtataka rin si Jaya.

"Hindi. Dinosaur," bagot kong sagot dahil may naalala nang binalak kong bumili ng siomai sa labas kanina.

Malakas silang tumawa sa sinabi ko. Maraming nag-aaral sa paligid kaya nakatamo kami ng samu't saring negatibong reaksyon.

"Kapangit mo talagang kausap!" anas ni Jaya.

Sa totoo lang ay wala ako sa sarili simula noong nalasing ako. Lalo na ngayon at nakita ko siya kanina! Bibili sana ako ng siomai kaso malapit siya si Xydon sa tindahan kaya hindi ako natuloy. Tinanong ko ang sarili ko kung ano naman sana ang gagawin niya rito, kaso natanto ko na rito nag-aaral si Cheonsa.

After that night, when I kissed him, hindi ko na siya kinausap. Kahit madalas siyang nasa paligid ko... Mas pinipili ko siyang iwasan.

Dahil naalala ang ginawa ko noong gabing 'yon, sinubsob ko ang mukha ko sa sementadong lamesa. I could hear Jared singing with his friends just near us. Nililigawan niya na yata si Jaya.

Para akong naiiyak dahil sa kahihiyan. I know it's been a while, but what I did was really shameful! Kahit pa sabihin na kontrolado ako ng alcohol noong mga panahon na 'yon, hindi ko pa rin mapigilang mapahiya sa aking sarili.

He's messaging me on my social media accounts, pero ni isa roon ay hindi ko pinatulan. Hiyang hiya talaga ako sa ginawa ko. Hindi ko na maalala kung ano pa ang mga nasabi o nagawa ko, pero 'yon ang sobrang tumatak sa aking isipan. I don't know if it's a good thing, that I remember the kiss or not at all.

Magulo ang buhok ko nang umahon ako sa pagkakayuko. Kumalabog kaagad ang puso ko nang mahagip ng mga mata ko si Xydon na nakatingin sa gawi ko. I even blinked frequently to confirm he really is who's I'm looking at!

Parang tanga kong kinuha ang libro at kunwaring nagbasa. My friends look at me curiously.

"Naalimpungatan ka ba?" tawa ni Anikka. "Ginagawa mo, girl?"

Tumatawa rin si Demi. "Nagulat pa ako. Anong meron?"

Jaya didn't say anything. Napansin niya, pero masyado yata siyang seryoso ngayong araw. Siguro dahil nandito sina Jared.

I tried to look at Xydon's way to really assure it was him, pero sana hindi ko na lang ginawa. Nahuli niya ako na sumisilip! Umurong ako palapit kay Demi para matakpan ako ni Anikka. Ilang segundo pa lang, nakita ko na ang katawan niya! Lumipat din siya para masulyapan ako! Binalik ko ang pagkatabon ng libro sa aking mukha. Pinagpapawisan na ako!

"Huy, okay ka lang?" Binangga ng balikat ni Demi ang akin. "Pawis na pawis ka yata?"

Tumango ako. Grabe ang bilis ng tibok ng puso ko. Para akong nangabayo!

Ano ba ang ginagawa niya rito? Wala ba siyang klase? Hindi ba busy palagi ang mga college students? Bakit nandito siya kasama ang mga kaibigan niya? Siguro may binisita silang girlfriend ng kaklase? Aba malay ko!

Hindi ko na kaya ang paninitig niya! Tumayo ako at hindi na nagpaalam. Naglakad-takbo ako palayo roon. Tinignan ko ang lugar na pinanggalingan ko, nakita ko na tumayo rin siya at sumunod sa akin.

"Ano ba'ng gusto nitong lalaki na 'to?"

Tumakbo na ako paliko. Kabadong kabado ako habang naghahanap ng mapagtataguan. Naisip ko na anim ang library namin kaya mahihirapan siyang hanapin ako. Sa pinaka malayo ako pumunta.

Walang gaanong tao sa library na pinasukan ko. Tumaas ako sa second floor, doon ay wala talagang katao-tao. Sumiksik ako sa bookshelves sa, pinakadulo at umupo sa sahig. Sumandal ako at kinalma ang sarili ko.

Para akong miserable dahil sa ginagawa ko. Kaya hindi ko pinangarap na maging sobrang ganda, e...

Bumuntong hininga ako. I was about to read a book when I thought of him.

Xydon Zeus Montevinski is one of the heirs of Montevinski clan. I can say he's really a head turner. Gwapo siya, sa katunayan nga ay sobrang gwapo. Hindi ko makuha kung bakit nasungkit siya ng karisma ko. Sa daming isdang gustong magpabingwit sa kanya, bakit ako pa, hindi ba? To think that's I'm just an immature grade eleven blows my mind even more.

"Hindi ako sasabay. May hinahanap ako."

Mabilis pa sa kidlat ang pagbaling ko sa gilid kung saan nakita ko ang nakatayong si Xydon, pabaling baling. Kahit wala nang tsansa na makatakas, tinabunan ko pa rin ang mukha ko ng libro.

"Shut up, Tiago. I gotta go now, nahanap ko na..."

I groaned when I felt him nearing me. Palakas nang palakas ang tunog ng kanyang mga hakbang. Naramdaman ko siyang umupo sa aking harapan. His manly scent banged my mind.

"Nandito ka lang pala..." sa maloko nitong boses. "Why are you ignoring me? Hmm?" Nagtataka siya.

Hindi ako umimik. Hindi niya naman nakita ang mukha ko kanina. I'll just pretend he's mistaken.

"And now you don't want to talk to me? Bakit kaya?" Tuwang tuwa siya.

I sighed. Buo ang desisyon ko, hindi ko siya bibigyan ng atensyon.

"Hey..." Nagpipigil siya ng tawa. "Ikaw lang ang pinunta ko rito. Why not talk to me?"

Halos mapa-tili ako nang may humila sa aking braso. Nag-slide ako palapit sa harap niya. With my widened eyes, I stared back at him. He looked so playful and happy at the same time. Malambot ang pagkakakulong niya sa aking braso.

"A-ano ba..."

"A-ano ba..." pang-gagaya niya sa sinabi ko.

Masama ko siyang tinignan. Hindi man lang ako makagalaw dahil sa panghihina.

"Bakit iniiwasan mo ako?" tanong niya.

Nakasandal siya sa isang bookshelf. His one knee was bent, and his other leg was rested on the floor. Nasa gitna ako ng dalawang hita niya. We're too close, at lagot ako kapag nahuli kami!

"Hindi kita iniiwasan. Ano ba? Bitaw na..."

Umiling siya. "Baka tumakas..."

Mas lalong sumama ang tingin ko sa kanya. Hindi man lang natinag ang nang-aasar niyang titig sa akin.

"I should be the one hiding from you, dahil ako ang hinalikan mo..."

"Xydon!" Hindi ko na napigilan ang aking sarili. My cheeks were burning so much I could feel it.

"What?"

"E 'di iwasan mo ako! Basta huwag mo nang babanggitin 'yon! Pwede ba? Lasing ako no'n!" Inis na inis ako. Parang umuusok ang ilong ko dahil sa pagkairita.

"Bakit kita iiwasan ngayong pakiramdam ko nananalo na ako..."

Nananalo? Hinaklit ko ang braso ko sa kanya. He looked stunned because of what I did. Tatayo na sana ako para makaalis pero hinila niya ulit ako pababa. Napahawak ako sa kanyang dibdib dahil sa pagkabigla. He's serious now while trying to hold me softly.

"What's wrong?"

Umirap ako. "What do you mean by nananalo? Pinaglalaruan mo rin ba ako?" malamig kong sabi sa kanya.

We're exchanging stares.

"What? No! Hindi ako gago gaya ng kaibigan mo, Uoiea..." Parang nabigla pa siya sa paratang ko.

Hindi ako umimik. Umalis ako sa ibabaw niya at umupo na lang sa kanyang tabi. I sighed and leaned my back to the shelf. Nakakatakot nang mapaglaruan ulit...

Naging kalmado kami habang magkatabi. Ramdam ko ang atensyon niya sa akin pero hindi ko na pinuna. Ayos na na ganito, kaysa naman nahihiya ako sa kanya. Mas okay na seryoso kami...

Binalingan ko siya. Naka complete uniform siya samantalang naka PE uniform naman ako.

"Wala ba kayong klase?"

Tss. Naisip ko na naman si Vier dahil sa nasabi niya. Simula noon, hindi na kami nag usap. Ni hindi man lang siya nag sorry. Wala akong narinig galing sa kanya, kahit anong paliwanag ay wala! Siya na rin ang pumutol sa aming koneksyon. Mas mabigat sa loob dahil pinatunayan niya lang na ginamit niya lang talaga ako. Matapos makuha ang pakay, wala na akong saysay! Tinuring niya kaya akong tunay na kaibigan?

"Meron... Naglaro lang kami ng football kanina. Katatapos ng midterm kaya libre kami ngayon..."

Tumango ako at kunwaring nagbasa na lang. Wala naman sa binabasa ko ang isip ko. Sino namang hindi maco-conscious sa presensya ng katabi ko? Dumikit pa sa akin.

"Sabi ko sa'yo, ayaw ko sa matanda, hindi ba?" bulalas ko nang hindi siya nililingon.

"Kumusta ka na? Pinag-uusapan ka pa rin ba?" biglang tanong niya. "Ang kaibigan mo? Nagkausap na kayo?" pagbabago niya sa usapan.

Umirap ako at hinarap siya. "Hindi ko na 'yon kaibigan. Huwag na lang nating pag-usapan!"

Gusto kong banggitin na wala nang mga estudyanteng pinag-uusapan ako, pero hindi naman na mahalaga iyon. Ayaw ko na rin pag-usapan pa si Vier. Pakiramdam ko naman ay hindi ko na siya gusto. Sobra akong na turn off! Alam kong may good side siya, pero masyado niyang nilubos ang pagiging masama.

"Mabuti nga."

Kumunot ang noo ko. "Kahit wala na kaming ugnayan, ayaw ko pa rin sa matanda!" diin ko.

He scoffed like I was saying nonsense. "That's just a scam..."

I made a face and he chuckled.

"Anong scam? Simula noon, ayaw ko sa mas matanda sa akin. Kaya huwag na ako ang gustuhin mo."

He shook his head. "I'll obey everything you'd say, but never that. Anong mali na gustuhin ka?" mataman niyang sabi.

I was taken aback at that. Sobrang kapal ng mukha niya para sabihin 'yon. No, sobrang tapang niya para sabihin 'yon ng diretso sa akin. Sa mukha ko mismo. Ngayon lang may gumawa sa akin nito. Hindi ako sanay kaya siguro grabe ang kabog ng puso ko.

Days passed and our foundation ended well. Dumalaw pa rin si Xydon at nanggulo sa akin. Pero kahit madalas niya akong pine-perwisyo, wala akong naririnig na opinyon sa iba.

"Kunwari pa ayaw-ayaw ka pa, magpapaligaw ka rin pala kay Jared!" malakas na sabi ni Anikka pagpasok ni Jaya sa classroom.

Hindi muna iyon pinansin ni Jaya.

"Hoy, bakit niyo ba pinapalit ang upuan? Araw-araw na lang na ganito. Baka gusto niyong ihagis ko 'to sa inyo!" sigaw niya sa mga cleaners.

"Tama na 'yan, Jaya! Umagang umaga... Pag-usapan na lang natin ang IG story ni Jared. Nagkita pala kayo kagabi..." usisa ni Demi.

Umupo na si Jaya sa tabi ko. Anikka and Demi were also in our table, nakikipagtsikahan.

"O, ano ngayon?"

"Wala lang. Dati ayaw mo si Jared, a?" tawa ni Demi.

"Na-realize niya siguro na love is blind talaga..." pabirong singit ni Anikka.

"Totoo!" tawa ko. "Kunwari pang ayaw sa ka-batch, a!"

She micmicked what I said. And daya, 'yong akin lang! Ako lang ang pinatulan niya!

"Makakabawi rin ako sa'yo, Weya! Sasabihin ko na kunwari ka pa na ayaw mo sa matanda, e, bibigay ka rin naman pala!"

Sabay-sabay silang nagpakawala ng malalakas na halakhak. Pinagtulungan na naman ako. Hindi na lang ako umimik. Basta kapag tatlo na sila, wala na talaga akong panama.

Anong bibigay? Hindi ako bibigay. My preference will remain at it is. Ayaw ko sa matanda, period. Kahit pa gwapo at mayaman ang ihain sa akin, iilingan ko pa rin. Kahit Montevinski pa!

Minsan ay nakakasalubong namin ang grupo nina Vier, pero walang umiimik. Kahit kailan ay hindi ko siya binalingan. Hindi dahil takot ako na baka bumalik ang nararamdaman ko, ayaw ko lang sa kanya bilang tao. Bigla na lang na kinasusuklaman ko siya.

My mind was elsewhere while gen math subject is going on. Kababasa ko lang ng mensahe ni Tasha sa akin. She wants to talk to me privately. Hindi ko alam kung tatanggapin ko ba, o hindi na. Na-trauma na yata ako sa 'talk privately'.

"Ano? Sama ka na sa amin! Wala ka namang training. Kakain tayo. Ano? Libre ko! Kahit ilang siomai. Kahit pagalitan pa ako ni Tita..." pagpupumilit sa akin ni Jaya nang uwian na.

"May pupuntahan nga ako. Inutusan ako ni Mommy..." dahilan ko.

"Sus! Ayaw mo lang kaming kasama. Ikaw ha, fake friend!" biro ni Anikka.

"Fake friend ka pala, e!" sabay pa ni Demi.

"Hatid ka na namin. Saan ba 'yan? Mamaya may kikitain ka lang na lalaki, ha? Share mo naman!" sabay akbay sa akin ni Jaya.

Napakamot ako sa ulo ko. Paano ko ba sila matatakasan?

"Anong lalaki, Jaya?" Biglang sumulpot si Jared.

Dahil doon ay pinayagan na nila akong umalis. Nagtaxi na lang ako papunta sa isang cafeteria. May kalayuan 'yon. Nakakainis, ha! Ako na ang kakausapin, ako pa ang mag-a-adjust. Punyeta.

Pagpasok ko sa two storey na cafeteria, hinanap ko kaagad siya. Wala siya sa first floor kaya tumaas ako. Sa pinaka sulok ko siya nahanap. She looked really pretty even with her uniform. Malinis tingnan at mukhang mamahalin lahat ng nakasuot sa kanya.

Tumayo siya nang nasa harap niya na ako. Umupo ako at ngumiti. Hindi ko kayang magalit. Kay Vier, galit ako, pero sa kanya, hindi ko pa matimbang.

"I'm sorry for you have to travel to here. Gusto ko sanang sa malapit lang, kaso baka pag-usapan na naman ng iba..."

Tumango ako. Umupo na rin siya.

"Ayos lang. Mas mabuti rin siguro na rito tayo..." Tipid ulit akong ngumiti. "Ano pala ang pag-uusapan?"

Akala mo naman hindi ko pa talaga alam. Hindi ba obvious na si Vier?

"It's about Vier..."

Just like what I expected! Sino pa ba sana?

"Pero bago ang lahat, ano'ng gusto mong kainin?"

Umiling kaagad ako. Ayaw ko nang magtagal pa. Pagabi na rin, at wala akong sasakyan!

"Sabihin mo na ang gusto mong sabihin... Susubukan kong sumagot kung may mga katanungan ka."

Pakiramdam ko masyado akong malamig sa kanya. Tama lang naman siguro. Hindi naman ako santa.

"Unang una sa lahat, gusto kong humingi ng paumanhin dahil nadamay ka sa kung anong mayroon sa amin. Sa ginawa ni Vier, pasensya na. I don't know much about what he did, but I still have to apologize since it happened because of me. For everything, I'm sorry..."

Aaminin ko na hindi ko inasahan na ganito ang magiging approach niya sa akin. Some of her friends were one of the people that criticized me. I didn't expect her to take this in a very mature manner. Kahit pa isang taon lang ang agwat niya sa akin, nakakabigla pa rin.

"I can't tell it's fine since it's not really alright. Masama ang loob ko, pero tapos na... Hindi ko alam kung bakit ikaw ang humihingi ng tawad."

Bumuntong hininga siya. "I'm sorry... To be honest, pinagbabawalan ko na siyang kausapin ka pa. I'm jealous of you..."

Hindi ko alam kung paano tatanggapin ang narinig ko galing sa kanya. Kanina lang ay pinuri ko siya... Tapos ganito...

"Kaya ako na lang ang humingi ng paumanhin. We really had a big fight because of you, and I don't want another one. Kung mag-uusap pa kayo, magagalit na naman ako sa kanya. I just couldn't control my temper," she said straight to my face.

Wala akong masabi. Sa ganitong sitwasyon, mas gusto ko na lang tumahimik kaysa pahabain pa ang usapan. Dahil kung papatol pa ako, baka mas lalo lang humaba.

"I really like your friend, Weya, na kahit nagkalabuan kami, tatanggapin ko pa rin siya. I know it's foolish to act that way, pero hindi ko kontrolado ang puso ko. I'm really sorry you have to suffer with our misunderstanding."

I remained serious. Marami akong gustong sabihin pero huwag na lang. Wala na rin namang saysay pa.

"I know it's hard to forget, but I wish you'll learn to do it. Kalimutan mo na lang ang nangyari, at mag move on na."

Hindi ko nagustuhan ang dating no'n sa akin. Tumaas ang kilay ko at pansin ko ang pagkabahala niya.

"It's not much big of deal, Tasha. I'm not affected anymore if you still think I am. Kung moving on ang pag-uusapan, beterano na ako. Bago mo sabihin na kalimutan ko na lang, nakalimutan ko na," lakas loob kong sabi.

Hindi siya umimik. Tumango lang siya. Tinignan ko naman ang orasan sa aking cellphone. Alas siete na ng gabi.

"Iyon lang ba?" tanong ko, parang naging tunog bastos pa dahil sa lamig.

"Yes..." aniya at tumango. "I'm really sorry, and thank you for spending time for me."

Pinanood ko ang likod niya palayo sa akin. Anong spending time for you. Baka wasting time for you... Nakakabwisit lang kasi iyong sinabi niya na kalimutan ko na lang. Akala mo gano'n lang kadali. Akala mo hindi ako nasaktan.

It's easy to say but hard to do. Palibhasa hindi nila naranasan...

Nakaka-imbyerna pa dahil wala akong sasakyan! Padabog akong lumabas ng cafeteria. Handa na akong maglakad nang maaninag ang pamilyar na tao.

Sa tabi ng usual na mga kotse ay ang sports car ni Xydon. Nakasandal siya roon at nakapamulsa. He's with his complete uniform attire. Maayos ang buhok at seryosong nakatingin sa akin.

Ayaw kong mag-assume na ako ang hinihintay, pero nang lumapit siya sa akin, natanto ko na ako nga talaga...

"Anong ginagawa mo rito?" Kuryoso ako.

His tongue traveled on his lower lip. Kahit madilim dito sa labas, agaw pansin pa rin ang itsura niya.

"Next time you'd go somewhere far, can you tell me? Ihahatid kita at hihintayin..."

He's now towering over me. Ang lalim ng paghinga ko dahil sa pagkabigla.

"Paano mo nalaman na nandito ako?" I asked.

Hindi kami gumagalaw sa aming pwesto. May iba pa ngang tumitingin sa gawi namin. Mga estudyante ng ibang lungsod.

"I was waiting for you outside. Halika na, baka hinahanap ka na ni Tita..."

Umirap ako at sumunod na sa kanya habang hawak ang sling ng backpack ko. He's waiting for me outside? Baka iyon ang madalas niyang gawain, tapos ayaw pang umamin na stalker ko. In denial.

"Feel na feel ang pagtawag sa Mommy ko ng Tita, ha?" bulalas ko at pinagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan niya.

"Bakit, ano ba dapat? Mommy rin?" asar niya bago pumasok sa sasakyan. Napairap na lang ako.

I feel like something is embracing my heart. Sa mga ginagawa niya, sa pag-aalaga niya sa akin, pakiramdam ko palagi ay para akong prinsesa. Hindi ako ganito itrato ni Daddy, kaya nakakapanibago. Vier never treated me this way. Ganito si Mommy sa akin, pero kakaiba pa rin kapag si Vier ang gumagawa.

For once, I felt so special. Na sa kanya ko lang naramdaman.

Ang drama mo naman, Weya! Ayaw mo sa matanda, hindi ba? Pero hindi porque natutuwa ako, gusto ko na siya. I'm just happy I have a friend like him. Unexpected friendship.

Huminto na ang sasakyan sa harap ng gate namin. Pag-alis ko ng seatbelt ko, nabuksan na kaagad ang pinto. Nagpakawala ako ng malalim na hininga bago lumabas.

"Thank you..."

Tumango siya. "You're always welcome," pabulong niyang sagot.

I raised my eyebrows and nodded. "Uwi ka na..."

Tumango siya at ngumiti. Sa laki niyang tao, hindi ka makakapaniwala na dahil sa isang ngiti, magmumukha siyang anghel.

"Next time, just message me, alright?"

Tumango ako habang naglalakad paatras. I don't mean it. Ayaw kong maging pabigat. College na siya at paniguradong busy siya palagi.

"Bye na..." mabagal kong sabi at binuksan na ang gate.

"Pakamusta na lang kay Tita..."

Napairap na lang ako at pumasok na sa gate na may ngiti sa mga labi.

Continue Reading

You'll Also Like

933K 17K 44
Audrey Claurette Del Vierre, someone who wanted freedom went to a place she's unfamiliar to, just so she could explore things. There she met the self...
77.3K 2.1K 49
Panacea Series #1 Elvira Itzel is willing to lose her worth just for the man that she loves. She's willing to give everything for him; her body, her...
2.6M 163K 55
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
910K 31K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.