Aly's POV
Three weeks na yung nakalipas since Mosh's prank. And every training, I made sure that I'll be watching them to show my support. Good thing the coaching staff allowed me. Lagi din akong nagdadala ng food for them. Kaya daw ganadong ganado maglaro yung tatlo sa ALE, sila Ella, Marge and Mae. Even Missy, napansin daw ng staff na maganda yung mga digs and receptions niya. Nagstart na din yung second sem kaya lagi na rin akong nasa school.
Actually, I have two reasons why I'm watching them. One is to support them ofcourse, the second one is because I already have a plan for my proposal. Every after training, pinauuna nilang magshower si Missy, since mabagal siyang kumilos. Di naman siya nagtataka kasi kasabay niya lagi sila Bea. Lagi naman naiiwan yung fab5 at yung mga alagad ko para magusap about my proposal. Plano ko sanang magpropose after ng match nila with La Salle. And that would be two weeks from now, I'm planning to meet the Dudes later to talk this over. Sakto naman na natapos sila Den maligo when we finished our discussion.
"Hi baby, sorry kung natagalan ako." she said sabay kiss sa cheeks ko
"It's okay Missy. Sanay na po ako. Joke hehe" pinitik ko naman siya sa noo
"Che! Soooooo?"
"Hmm?" tanong ko sa kanya. Anong sooo?
"Anong pinagusapan niyo? Akala mo di ko napapansin na lagi kayong nagmi-meeting after training?" BOOM! Patay na!
"Ah--ano po, ka--kasi" she cut me off
"Why are you stuttering? May nililihim ba kayo sakin?" ugh! Paano na to?!
"W--wala ah" medyo pinagpapawisan na ko dito, for sure pag nagtanong pa to, masasabi ko na yung about sa proposal.
"Den! Wag mo na nga kulitin yang si Aly. Look oh, she's sweating too much. Haha" sigaw sa kanya.ni Bea "Naguusap lang yan about sa Christmas getaway natin after ng game sa La Salle" good save!
"Ye--yeah! That's it, di pa kasi kami sure sa lugar kaya di pa namin nasasabi sayo and the rest of the team." parang naguluhan naman si Missy
"E bakit alam ni Bea? Kasabay ko siya lagi magshower ah? Ang duga naman e!"
"Yun ba? Narinig ko kasi sa usapan nila Gretta kanina nung palabas ng shower room. Excited ka kasi masyadong makita si bebe Aly! Haha" sagot ni Bea sa kanya
"Ewan ko sayo, and will you please stop calling her that way?" inis na sabi ni Missy sa kanya
"Ayoko nga! Di pa naman kayo ah? Akin ka nalang bebe Ly, di ako possessive katulad ni Den! Hahaha" naku! Ayaw pa tumigil nito, baka mapikon si Missy
"Ugh! Beatriz!" tumayo pa talaga siya when she shouted the latter's name so I held her hand to stop her, napatingin naman siya sakin and I smiled at her kaya umupo na siya ulit.
"Don't worry Missy, sayong-sayo lang ako" bulong ko sa kanya, nakita ko naman siya nagblush and held my hand tighter
"Yiee! Kilig si Lazaro! Pero pikon ka pa din. Hahaha" asar sa kanya ni Bea
"Umalis ka na nga dito." iritadong sigaw sa kanya nitong katabi ko
"Okay! Okay! Dun muna ko kila Amy, sungit mo. Hahaha! Bye bebe Aly! Bye pikoooon!!!" sigaw sa kanya ni Bea habang tumatakbo palayo samin. Etong katabi ko naman, namumula na sa galit. Hay! Niyakap ko nalang siya and I think it worked, medyo nagloosen up na kasi siya.
"Uhm, Missy"
"Hmm?" she said as she leaned closer to me
"I'll be meeting the dudes later to talk about our vacation, okay lang ba? Your teammates were planning to go there sana with them eh" actually wala naman talagang planong ganun, di ko lang alam kung saan hinugot ni Bea yung reason niya kanina. Diba nga, about sa proposal ko lang yung pinaguusapan namin? Tss. Dagdag isipin lang yun e.
"Okay lang. Just make sure na walang alcohol na kasama, okay?" tumango naman ako
We stayed there for a couple of minutes bago dumating yung teammates niya. Ganun lang kami, nakasandal siya sakin habang nakayakap ako sa kanya. We talked about random things, like kamusta yung classes niya? Her trainings, though lagi naman akong nanunuod and such. This sem kasi, wala kaming same class. Di kasi kami sabay na nakapag-enroll kaya ganun.
Her teammates decided na sa labas na magdinner since lahat sila pagod. Nagvolunteer naman ako na ilibre sila but they refused to. Ngayon lang to ah?
"Wag na! Lagi ka nalang gumagastos! Kami naman this time" sabi ni ate Gretch, so sila na ni ate A yung umorder.
After our dinner with Coach Cha, nagpaalam na kami nila ate Gretch na aalis na. Missy insisted na wag na silang ihatid since may van naman kaya nauna na kami. Along our way sa Taft, nasabi ko na kila ate yung nangyari kanina between Bea and Missy. They told me na magandang gawin yun, celebration na rin daw since 100% sure naman sila na sasagutin ako ni Missy.
7pm na rin kami dumating sa meeting place namin nila Vic, kasama din nila si Mika. Medyo malayo kasi to sa dorm nila at muntik pa silang di payagan ni ate Aby kung di lang dahil kay Yeye.
"Okay, what's this meeting about?" parang nagmamadaling tanong ni Vic
Gretch: Nagmamadali ka ba?
Kim: Si ate Aby kasi.
A: What about her?
Mika: She told us to be home by 8pm, perks of having curfew hours.
"Okay, I'll go straight to the point na. I have a favor sana" tumingin naman silang lahat sakin
Vic: Shoot!
"Uhm, I'm planning to ask Missy sana after your match. And this is my plan. Blah, blah, blah. I really need your help guys. So, can I count on you?" parang napaisip naman silang tatlo
Mika: You know we can't do that.
Kim: Tama si Yeye, I know she would definitely be happy pag nanalo sila.
Vic: But we can't let our own University down just like that. Di namin pwedeng ilaglag yung laro namin.
I asked them sana na to let Ateneo win sa match nila. We all know naman that ADMU can match up with their school but given na, na sobrang magaling sila.
"I understand. May the best team win nalang siguro. Then win or lose, tuloy ang plano. How about that?"
A: That's the spirit, dude!
Gretch: Let's have a clean fight and win Den's heart!
"Thank you guys! Goodluck ah?"
Pinagusapan na din namin yung sa bakasyon, since Christmas break na din after ng match nila. Sa rest house nalang daw nila ate A sa La Union kami pupunta. Natuwa naman kaming lahat kasi makakapag-surf na ulit kami.
After our 'meeting', hinatid na namin sila sa dorm nila, just in time before mag8. Tapos umuwi na din kami nila ate.
Den's POV
Lately, napapansin kong nagiging busy na si Aly. After kasi nung inasar ako ni Bea, minsan nalang siya manuod ng training and unlike before na almost every hour she'll check upon me. Di niya na nga ako sinusundo minsan sa classes ko kasi may gagawin pa daw siya. Di ko naman alam kung ano. Eish! Katulad ngayon! Its Saturday pero di niya man lang ako niyaya na magdate. I know naman that we'll have our Sundate tomorrow but di niya man lang ba ako namiss? Ako kasi miss na miss na siya!
"Besh! Ano ba yang mukha mo?! Para kang natatae na ewan!" sigaw sakin ni Ella
"Paano kasi yang Boss mo! Wala man lang paramdam!"
"Naku! Clingy mo ah? Baka maumay si Aly niyan! Maghanap ng iba?" singit naman ni Aeriel
"Tigilan niyo nga si Denden. Magprepare na kayo, sa labas na tayo maglunch. My treat!" sabi ni Coach Cha, alam na din niya yung about samin ni Ly except sa 'arranged marriage thingy'.
"Yey! Tara na girls. Let's wear something bigger para di bumakat yung tummy natin after lunch. Haha!" sigaw ni Besh
So ayun, nandito kami ngayon sa mall. Nagaya na din kasi silang gumala since tapos na yung training namin and besides, super bored na kami. Medyo okay na ko, di ko na gaanong naiisip si Ly though miss ko na talaga siya. I was actually enjoying it, not until I saw her, with the same girl, Cienne Cruz! Ano bang meron sa singkit na yun bakit selos na selos ako sa kanya?! Bwisit! I trust Aly pero pagdating sa babaeng yun, naiinis talaga ako. So I texted her
"I trust you baby. I know ako lang, I love you! :*"
Tapos umalis na ko. I saw her sa isang coffe shop talking with Cienne. Nagtatawanan pa sila, di ko alam pero masakit talaga seeing her happy with someone else. Ganito rin siguro yung naramdaman niya when she saw LA and I before. Sigh!
Still, no reply from her. The last message I got from her was this morning. When she greeted and told me that she'll be busy for the rest of the day and she might not be able to visit me. She just told me that she'll make it up to me tomorrow, on our Sundate. I just didn't expect that Cienne was the reason behind her busy day.
Well I guess I just have to let this day pass. I made a promise to trust her. And I do, I know and I can feel that I'm the only one. Maybe? I hope so.