When The Stars Align

Par AtashiaBliss

2.4K 315 41

Lahat ng tao ay nagnanais na makapiling ang taong kanilang pinakamamahal. Mayroong mga sinuwerte na mahalin... Plus

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Epilogue

Chapter 26

50 9 0
Par AtashiaBliss

Stellar Calaia Anne's

Dahan-dahang iminulat ko ang mga mata ko sa pag-asang makikita ko muli ang sarili sa bahay na nakikipagsigawan kay Paul Aries ngunit gaya kahapon ay puting kisame parin ang bumungad sakin.

"Baby, are you okay?" Napatingin ako kay Mommy nung naramdaman kong may pumisil ng kamay ko. Nag-aalalang tumayo sya para haplusin ang pisngi ko.

"M-mom, a-anong nangyari?" Halos pabulong na sabi ko. Pakiramdam ko'y nanghihina pa rin ako at walang kalakas lakas.

"Gusto mo ba ng water?" Malambing na tanong nya kaya tumango ako. Inalalayan nya ako para makaupo sa bed at saka pinainom ng tubig. Nasa isang private room na kami ngayon.

Bumukas ang pinto at pumasok ang doktor at isang nurse. Chineck lang nila ako at may mga itinanong lang sila bago tuluyang umalis.

Napadako ang tingin ko sa malaking umbok sa tiyan ko. Takot na takot akong hawakan yun. Nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman kong may gumalaw sa loob. Napatingin ako kay mommy at ngumiti sya. Hinaplos haplos nya ang tiyan ko at kinintalan ng halik doon. Naguguluhan parin ako sa mga nangyayari pero isa lang ang sigurado, nagbunga ang kapusukan namin ni Nico noon. Wala namang iba, siya lang.

"Mom, please tell me what happened. Gulong-gulo na ako" naiiyak na sabi ko. Hinawakan nya ng kamay ko at hinalikan iyon bago nagsalita.

"Isang gabi, may tumawag samin at sinabi na na-aksidente ka daw. Ayon sa mga saksi, nasa isang tulay ka habang umiiyak kaya hindi mo namalayan ang papalapit na sasakyan"

"Pero wala akong matandaan. Mom, ang alam ko lang nasa bahay ako. Kasama ko si Paul Aries!"

"Paul Aries?" Kunot na kunot ang noong tanong ni Mommy.

"Opo. Yung kinuha nyong landscape artist para sa garden natin" bumukas ang pinto at pumasok si Daddy. Nagtataka sya sa kung ano ang nangyayari samin ni Mommy.

"Dad, may kilala ba kayong Paul Aries?" Tanong ko sa kanya. Huminga sya ng malalim at umupo sa edge ng bed sa may paahan ko.

"Yes" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya.

"Nasaan sya?"

"He passed away yesterday. Pagmulat ng mata mo, syang pagbitaw nya" parang nablanko ang utak ko sa mga sinabi ni Daddy. Paano nangyari yun?

"Siya yung nakasagasa sayo, Stellar. Ayon sa mga pulis, nawalan ng brake ang minamaneho nyang kotse kaya pinilit nyang ibangga iyon sa barricade ng isang tulay. Yun nga lang, nahagip ka kaya nadamay ka" paliwanag nya. Nag-uumpisa na namang sumakit ang ulo ko dahil wala akong maalala.

"Bakit hindi ko matandaan? 8 months? Samantalang kasama ko si Paul Aries sa bahay. Inaayos namin yung garden, Dad!" Sigaw ko kay Daddy habang umiiyak dahil sobrang frustrating ng mga nalalaman ko. Lumapit sakin si mommy at hinaplos haplos ang likod ko.

"Imposible yung sinasabi mo, Stellar. Hindi kana nakauwi ng bahay nung gabing yun. Katulad mo ay na-coma rin yung lalaking yun dito rin sa ospital na ito. Napuruhan sya dahil nahulog ng tuluyan ang kotse nya sa tulay. Parang gumuho ang mundo namin ng mommy mo nung sinabi nila saming nasa state of coma ka, tapos nalaman pa naming buntis ka pa kaya hindi namin alam kung ano ang gagawin" iyak lang ako nang iyak habang yakap ni Mommy.

Gulong-gulo ang isip ko hanggang sa nakatulugan ko nalang muli ang pag-iyak.


Flashback

Isang linggo na atang malamig ang pakikitungo sakin ni Nico. Isang beses lang syang tumawag sa isang araw at kung magtext ay pilit pa. Pero syempre dahil mahal ko, iintindihin ko pa rin.

Naisipan kong surpresahin sya isang hapon. Nasa dalawang linggo na ata kaming hindi nagkikita at nagkakausap. Miss na miss ko na sya.

Pagdating ko sa burger house nila ay nagulat ako nung maabutan ko doon si Danna. Bakit sya narito?

Napakunot ang noo ko nung lumapit kay Danna si Nico at nginitian ang babae. Medyo kubli ang pwesto ko kaya hindi nila ako kita. Nakamasid lang ako sa kanila habang nagtatawanan sila..

Umalis ako sa lugar nung biglang tumulo ang luha ko. Nasasaktan ako dahil nauulit na naman yung nangyari noon. Bakit ba ang tanga tanga ko? Bakit ang rupok ko pagdating sa lalaking yun?! Hindi na ako nadala.

Lakad ako nang lakad na parang walang direksyon. Ayaw ko pang umuwi. Pakiramdam ko ay sasabog na ang puso ko. Ayoko na. Sawang-sawa na akong masaktan.

Tumingin ako sa kalangitan at nakita ang magagandang bituin.

"Hangga't may bituin sa langit, mamahalin kita!" Parang sirang plakang paulit-ulit kong naririnig ang boses ni Nico. Ang sinungaling nya!

Napadaan ako sa isang tulay. Lumapit ako doon at pinagmasdan ang tubig sa ilalim. Doon ako umiyak nang umiyak. Wala akong pakialam sa paligid. Wala nang mga taong naglalakad pero marami paring mga sasakyan ang dumadaan. Isinampa ko ang isang paa ko sa barikada. Ito nalang ang paraan para matakasan ko ang lahat ng sakit na ito.

Napapikit ako nung biglang may ilaw na tumama sa mukha ko. Nakakasilaw iyon. Ihinarang ko ang braso sa mukha at bumaba pansamantala sa pagkaka-akyat sa barikada.

Napapikit ako nang mariin nung naramdaman kong may tumama sa katawan ko dahilan para tumalsik ako kung saan. Tumama ang ulo ko sa gutter ng kalsada. Malakas ang impact kaya parang namanhid ang buong katawan ko at namingi ang tenga ko.

Pagmulat ko ay maraming tao ang nagkakagulo sa paligid. Anong nangyari? Parang himala na nawala ang sakit ng katawan ko. Agad akong tumayo at pinagpag ang damit ko. Natauhan ako at mabilis na umalis sa lugar dahil naalala kong kailangan ko nang umuwi. Baka hinahanap na ako nina Daddy. Nakarating ako sa bahay at dumeretso sa kwarto. Tahimik ang paligid at patay ang mga ilaw. Parang walang tao sa bahay. Mabuti na rin yun dahil ayokong makita nina Daddy ang pugtong mata ko.

Pagdating sa kwarto ay muli akong ginupo ng lungkot. Hinalungkat ko ang kahon sa ilalim ng kama kung saan naroon lahat ng mga bigay ni Nico. Gusto ko itong itapon, gusto kong silaban pero hindi ko kaya.

-End of flashback

Sa muling pagmulat ko ng mga mata ko ay si Nanay Tina ang nabungaran ko. Nag-aalalang nakangiti sya sakin at inalalayan akong umupo. Mahirap dahil ang laki na ng tiyan ko. Parang any minute ay puputok na yun. 

"Nasaan po sina Mommy, Nay?" Tanong ko sa kanya nung abutan nya ako ng tubig. Agad ko namang kinuha yun dahil parang nanunuyo ang lalamunan ko.

"Umuwi muna. Pinagpahinga ko muna sila dahil dito na kami nagkampo simula nung naospital ka" tumango tango ako. Baka kaya sinasabi ni Paul Aries na nasa bakasyon sina Daddy. Nababaliw na ata ako. Hindi ko alam kung ano yun. Panaginip ba, o imagination lang. Pero according kay Daddy, totoong tao si Paul Aries. Nakagat ko ang ibabang labi ko nung may naalala.

"Nay, may kilala po ba kayong Paul Aries?"

"Yung nakasagasa sayo?" Yun ba yung kasalanan nyang hindi nya masabi sakin?

"Alam nyo po ba kung nasaan sya?" Takang-takang ang mukha ni Nanay Tina pero ginagawa pa rin nya ang lahat para sagutin ang mga tanong ko.

"Wala na siya dito. Kinuha na ng pamilya nya ang katawan nya. Hindi ko alam kung saan sya nakaburol" binalot ng kalungkutan ang puso ko. Bakit ganito? Nakahanap nga ako ng bagong kakampi, sa panaginip naman. Sobrang laki ng naitulong ni Paul Aries sa healing ko. Ang dami nyang ipinabaong pangaral na natatandaan ko pa rin hanggang ngayon. Bakit kailangang bawiin agad sya? Bakit hindi kami nagkaroon ng pagkakataong magkita sa reyalidad?

Iyak ako nang iyak hanggang sa naramdaman kong gumalaw ang nasa loob ng tiyan ko. Sa unang pagkakataon ay hinaplos haplos ko iyon. Nakaramdam ako ng kakaibang saya nung muli syang sumipa. Kahit lumuluha ay nagawa kong ngumiti. Siguro, ito nalang ang gagawin kong inspirasyon para magpatuloy.

Bumukas ang pinto at pumasok ang doktor. Nakangiting lumapit sya sakin at hinaplos haplos din ang tiyan ko.

"Kamusta, Miss Mendoza?" nakangiting tanong nya. Ngumiti nalang din ako sa kanya bago sumagot.

"I'm okay. I think I already found my rainbow" naalala ko pa yung sinabi ni Paul Aries habang sumasayaw kami sa ilalim ng ulan;

'Just enjoy dancing in the rain, Stellar. After this, you'll see the beautiful rainbow that will take all your pain away'

"Gusto mo bang marinig ang heartbeat ni baby?" Nakangiting tanong nya kaya tumango ako.

Dinala nya ako sa isang room para sumailalim sa ultrasound. Tulo lang nang tulo ang luha ko nung pinapakita nya sakin ang baby ko at lalo lang akong napahagulhol nung narinig ko ang pintig ng puso nya. Ang tanga-tanga ko. Muntik ko na syang maipahamak. Kung itinuloy ko ang plano kong tumalon sa tulay noon, baka pareho kaming nawala sa mundong ito. Muntik ko nang pagdamutan ng magandang buhay ang inosenteng bata sa sinapupunan ko.

Panginoon, maraming maraming salamat dahil hindi nyo po sya pinabayaan nung mga panahong hindi ko kayang lumaban.

Kung may magandang naidulot ang katangahan ko kay Nico, siguro itong batang ito na yun. Sa kanya ko nalang ibubuhos ang lahat dahil siya ang nagbigay ng pag-asa sakin. Sa kanya ko nalang ibubuhos ang lahat ng pagmamahal ko.

Wala akong galit kay Nico dahil sabi nga ni Paul Aries, paano mo magagawang magalit sa isang taong minsan din namang nagpasaya sayo. Hindi ako galit sa kanya pero sa pagkakataong ito, tama na. Suko na ako. Matagal akong naghintay, siguro naman sapat na yun dahil ginawa ko na yung part ko.

Hindi nagtatanong sina Mommy tungkol sa kung sino ang ama ng ipinagbubuntis ko. Siguro ay iniiwasan na din muna nilang ma-stress ako. Pero ang maganda lang dun ay mukhang mahal na mahal nila ang anak ko. Pakiramdam ko nga ay magiging spoiled ang baby ko dahil nasa tiyan palang sya ay kung ano-ano na ang regalo sa kanya ng mga Lolo at Lola nya.

"Bessy!" Tili ni Eunice pagpasok ng kwarto ko. Kasunod nya ang iba pa naming kaibigan. Mukhang happy ang life ng bessy ko dahil nananaba sya.

"Kamusta kana?" Isa-isang lumapit sila at humalik sa pisngi ko. Buntis din sina Michelle at Ericka.

"Jusko, Girl! Masyado mo kaming pinag-alala" mangiyak ngiyak na sabi ni Claire kaya tinawanan ko lang sya.

"Okay na ako, girls. Don't worry"

"Hay naku! Hinihintay ka na ng inaanak mo! Hindi ka tuloy naka-abay sa kasal ko" nakangusong sabi ni Glecy kaya napailing nalang ako.

"Okay lang yun. Nga pala, Ninang kayo nitong baby ko ha" nakangiting sabi ko habang hinahaplos haplos ang tiyan ko. Tulad nina Mommy ay hindi na rin sila nagtanong. Basta masaya daw sila dahil okay na ako.

Hindi ko man lang nakita si Nico sa pamamalagi ko sa ospital. Hindi sa hinihintay ko sya, pero ayoko rin namang ipagdamot sa kanya ang bata. Karapatan pa rin syang kilalanin nito. Baka nga wala na rin talaga syang pakialam sakin.

Dumating ang araw ng panganganak ko. Takot na takot ako dahil ayokong mapahamak ang baby ko. Nangako naman ang mga doktor na gagawin nila ang lahat para maging safe kaming mag-ina.

Habang nasa loob ako ng delivery room ay walang tigil ang pagrorosaryo ko sa isip. Mahigpit kong hawak ang rosary na bigay sakin ni Mommy. Sinusunod ko lang ang mga sinasabi samin ng doktor hanggang sa nakarinig ako ng iyak ng isang sanggol.

Naramdaman kong ihiniga sya sa dibdib ko. Kahit nanlalabo ang paningin ay pinilit ko pa rin syang aninagin.

Ang gwapo gwapo ng anak ko. Ang liit nya at ang medyo mapula pula.

"Welcome to the world, Polaris Nicholai" nakangiting bulong ko bago mawalan ng malay.

Polaris, dahil naging malaking instrumento si Paul Aries para makabangon muli ako at dahil din sa kanya, mas natutunan kong mahalin yung sarili ko.

Nicholai, para kahit sa pangalan man lang, makasama nya yung ama nya. Kahit papaano, thankful pa rin naman ako sa kanya dahil binigyan nya ako ng panibagong dahilan para lumaban.

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

415K 11.6K 26
Guwapo, matipuno, galing sa alta-sosyal na pamilya, iyan si LANCE MONTECALVO. Mga katangiang hinahangad ng bawat kabaro ni Eba. Ngunit bakit tila wal...
6.7M 66.7K 76
In Tagalog po ito: A girl in college was forced to sign a contract (contract wife) with the rich hotel heir because of financial problem..the guy wa...
27.6M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
396K 2.9K 15
PROLOGUE "Sex? Seriously mister?" nanlalaking matang tanong ko sakanya. Aba! tatlong araw palang kaming magkakilala Sex agad gusto niya? nyemas to! N...