Shadows Of A Silverharth [COM...

By hiddenthirteen

1.6M 63.6K 8.4K

Her family was killed. The kings and queens were their murderers. Having the unique ability like no other, sh... More

HIDDENTHIRTEEN's NOTE
/1/ Martes' Rage
/2/ The Taste of Martes' Wrath
/3/ Weapon Summoner's Cry
/4/ Journey to Academy
/5/ Signus Academy
/6/ Versus Fire And Finnix
/7/ Signus Ring
/8/ Crystal
/9/ The Sleeping King
/10/ 5th Link: Singko
/11/ Meet The Bluebloods
/12/ Joining A Guild
/13/ Viper Guild
/14/ Impossible!
/15/ The Final Test
/16/ Ester's Signus
/17/ Land of Blossom
/18/ Ester's Signus: Uno
/19/ Ester's Signus: Dos & Tres
/20/ Quatro & Singko
/21/ Sais & Siete
/22/ Links United
/23/ The Great Pretender
/24/ His Warm Side
/25/ Lucas Eathren's Gaze
/26/ Truths and Denials
/27/ Lucas' Past
/28/ At Blueblood's HQ
/29/ Signus Improvision
/30/ Fighting Rizka
/31/ Jealous Men
/32/ Bad Night
/33/ Everyone Cares
/34/ Mr. Magnus' Side
/35/ Crazily Evil
/36/ Bluebloods In Danger
/37/ Saved
/38/ Ester's Action
/39/ Lucas' Angel
/40/ Mission Changed
/41/ Southwestern Academy
/42/ Unofficial Confession
/43/ Reen's Nightmare
/44/ The Past
/45/ Love Over Demon
/46/ The Future
/47/ Kidnapped
/48/ Ester Vs. Masked Mistress
/49/ RUN!
/50/ The Shadow's Identity
/51/ I Know
/52/ Love and Broken
/53/ Four Months Later
/54/ Warn Them
/55/ The Game
/56/ Monsters
/57/ Reveal
/58/ Killing Spree
Chapter 59: Papa
Chapter 60: The Summoner's Wrath
Chapter 61: Death and Tears
Chapter 62: Who's who?
Chapter 63: Truths and History
Chapter 64: Rathro Is Evil?
Chapter 65: Heaven in Evil's Hand
Chapter 66: Truths
Chapter 67: The Chase
Chapter 69: I Am Ester Silverharth
Chapter 68: Otso, Eighth Link
Chapter 71: The Coronation Day
Chapter 72: War in Archania Palace
Chapter 73: The End?
Chapter 74: Death of Life
Chapter 75: Life Versus Death
Chapter 76: The Legend
The Final Chapter
IMPORTANT ANNOUNCEMENT

Chapter 70: Battle Preparations

11.8K 440 96
By hiddenthirteen

Ester's POV

Magkakahiwalay na tumilapon si Finnix, Hydra at Heaven. Hindi pa nakakabangon ang tatlo ay narinig ko na naman ang malakas na bulyaw ni Oracle Minea. "Again!" Halos lumabas na ang mga ugat niya sa kaniyang leeg. "Wala na tayong oras! Dalawang araw na lang ang meron tayo. Kailangan n'yong mamaster ang technique na 'yan!" Tinuturuan niya kasi sina Finnix, Hydra and Heaven kung paano gawin ang Fusion Technique.

Pumwestong muli ang tatlo. Si Finnix ang nasa unahan samantalang nasa  likuran niya naman si Heaven na nasa bandang kanan at si Hydra naman sa bandang kaliwa. "Again!"

"Heaven at Hydra, alam n'yo na ang gagawin niyo," sumbat ni Oracle Minea na nagsimula nang mamaos. Sandali...bakit ko na tinatawag na Oracle is Minea, eh, hindi naman na siya isang Oracle, ah.

Hydra and Heaven summoned their spirit guardians. Isang puting raven ang kay Heaven  at isa namang double-headed snake ang kay Hydra.

"Transform your spirit guardians into the element that they belong, that would be their 'essence'." Heaven and Hydra concentrated to convert their guardians into an elemental energy. Pumasok muli sa katawan nilang dalawa ang kanilang guardian at kalauna'y may elementong kusang lumabas sa palad nilang nakaangat sa ere. Their guardians's essence. Naging ipu-ipo ang white raven ni Heaven na naglalaro sa kaniyang palad at naging mapusyaw na asul na bolang gawa sa tubig naman ang kay Hydra.

"Good! Ngayon, subukan n'yong ipasa muli kay Finnix ang essence ng spirit guardians ninyo," Minea instructed.

Nilapat ng dalawa ang palad nilang dinadaluyan ng kanilang signus. Kahit nasa malayo ako, nakikita ko ang esensya ng spirit guardians nina Heaven at Hydra na dumadaloy sa kanilang braso papunta sa likod ni Finnix. Tila puting mga sinulid ang pinapasa ni Heaven kay Finnix at asul naman kay Hydra.

Nagkaroon ng parang mga pulang hibla na korteng mukha ng dragon sa balat ng likod ni Finnix. Pinipigilan nitong pumasok sa katawan niya ang spirit guardian nina Hydra at Heaven.

"Finnix, do not try to block their spirit guardian," sigaw ni Minea dahilan upang mawala ang mga pulang linya na bumubuo sa imahe ng dragon sa likod niya.   "Good! Accept them. Accept their spirit guardian and make them flow in your body as if they are your own."

Gumagapang mula sa mga braso nina Heaven at Hydra ang puti at asul na mga sinulid papunta sa likod ni Finnix. Gumapang ito hanggang sa mga palad ni Finnix na magkaharap na nakaangat sa ere.

Streaks of white, blue and red lights started to form between his palms. From being streaks, they became three balls of light. "Ganyan nga Finnix! Ngayon, paghaluin mo ang tatlong elemento. Finnix, tandaan mo, sa'yo nakasalalay ang prosesong ito. Heaven at Hydra, bigyan n'yo si Finnix ng sapat na halaga ng inyong signus para mapaghalo niya ang mga ito."

Nagsimulang mamuo ang butil ng tubig sa noo ni Finnix.  Gumagalaw ang panga niya senyales na he is grinding his teeth inside his mouth to force himself to concentrate.

Nagsimulang maghalo ang tatlong kulay ng elemento. Paunti-unti itong nagiging kulay pilak, kulay abo na kumikinang. Akala ko ay tuluyan na nilang magagawa ang fusion technique pero kalaunan ay nagsimulang mangitim ang bola ng kumikinang na pilak. Oh shit, it's happening again.

BOOOOOOM!

Isang malaking pagsabog na naman ang dumagundong sa buong Southern Palace. Dito namin piniling magtraining dahil malayo ito sa Archania Palace at isa pa, madaling maayos ng mga earth elementals ang anumang masisira namin mula sa pag-eensayo.

Tumilapon muli sina Finnix, Heaven at Hydra. Akmang tatayo na sana ako nang may lumapat na kamay sa balikat ko, dahilan para ako'y bumalik sa pagkakaupo.

"Uncle."

"Continue what you're doing, Ester. Hayaan mo lang sila. Hayaan mo silang matuto mula sa pagkakamali," saad ni uncle Magnus sa malumanay ngunit malalim niyang boses, katulad na katulad ng kay Lucas.

"Mukhang napakalalim naman 'ata ng kahulugan no'n," puna ko.

Tumawa siyang may lungkot ang mga mata. "Anak ka nga ng mama mo. Tama ka. Hindi lang para sa kanila ang sinabi ko, para sa'kin din," sabi niya at umupo sa tabi ko. "Alam mo ba na kung buhay pa sana si Lucas at kasama siya sa tatlong 'yan, kulay gintong bola sana ang mabubuo nila? Gold, the color of the combined elements."

"Do you miss him?" diretso kong tanong kahit alam ko naman na ang sagot.

"Alam mo, napakaraming bagay na naging 'sana' na lang. Sana tinuring ko siya nang maayos. Sana hindi ko siya pinalaki sa gano'ng paraan. I should have been a good father to him."

"So you do miss him." Kahit na hindi niya sinagot ang tanong ko, alam ko ang nararamdaman niya.

"Sino ba namang ama ang hindi mami-miss ang anak?" His gestures tell me how much he does miss Lucas. He is smiling yet I can see that he is yearning so much for him. Lalo pa nang ginamit ko ang signus ni Sais at nang maramdaman ko ang labis na pangungulila niya na halos dumurog sa puso ko.

"Huwag kang mag-alala, Uncle, bibigyan ko ng hustisya ang pagkamatay ni Lucas. Tatapusin ko ang labang ito," I promised without looking at him. Nasa kanila  Heaven, Hydra at Finnix ang paningin ko dahil may isa pang dinidikta ang puso ko. 'To protect them.' Ito rin kasi ang binilin sa'kin ni Lucas bago siy tuluyang mamaalam.

"Sasamahan kita, Ester. Sasama akong bigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Lucas at ng pamilya mo," sabi niya. Nakita namin pareho si queen Hera na kumakaway mula sa malayo. "Sige na, Ester. Kailangan pa naming umalis para maghanap ng kakampi," pagpapaalam ni uncle. Tumayo na siya at pinagpag ang kaniyang suot na pantalon.

"Sandali, uncle. 'Di ba't sasama sa inyo si Ten, Crystal at Winwin? Pwede pasabi sa kanila na mag-iingat sila."

Tumango siya at muling ngumiti. "They'll hear your words. Huwag kang mag-alala. Poprotektahan ko rin sila bilang mga kaibigan ng anak ko. Bye," sabi niya bago tuluyang umalis.

Ngayon ay kailangan ko nang ipagpatuloy ang pagtraining ko. Umupo ako sa malambot na damo at pinag-ekis ang aking mga paa sa harap ko. I stretched my back at huminga ng malalim. Pinatong ko sa gilid ng aking tuhod ang likod ng aking mga palad bago pumikit.

Isang pagsabog na naman ang narinig ko na siyang nagpamulat muli sa'kin. Kita ng mga mata ko sina Finnix na bumabangon na naman mula sa pagkakasalampa sa lupa.

"AGAIN!" muli ring sigaw ni Minea.

Paano na ako makakapag-focus nito?

Hindi ako makapagfocus sa sarili kong training dahil sa lakas ng boses ni Minea. Halatang nawawalan na siya ng pasensya.  Kanina pa sila nagsimulang magtraining pero hanggang ngayon ay hindi magawa nina Finnix ang fusion technique. Parang bombang sumasabog ang mga signus nila kapag naghahalo. Gutay-gutay na ang damit nina Heaven at Hydra samantalang wala ng pang-itaas na damit si Finnix dahil siya ang tumatanggap ng mas malakas na pwersa ng pagsabog. Marumi na ang hubad niyang katawan. Mabuti na lang at hindi pa rin nawawala ang perpektong wangis ng mukha niya. Dumagdag lang tuloy sa kakisigan niya ang dumi sa kaniyang katawan imbes na magmukha siyang dugyot.

Madami ng pasa ang natamo ng tatlo dahil sa bawat pagsabog ng kanilang pinaghalong signus ay siya namang pagtalsik nila.

Ayaw akong payagan ni Minea na gamutin sila kaya wala pa rin akong magawa upang tulungan sila. Ang magagawa ko lang ay ang hasain ang sarili kong signus. Kanina ko pa sinusubukang makipag-isa sa lima kong links. I can use four of my links at a time but now, I am practicing to use five. Makailang ulit na akong sumubok pero hindi ko pa rin magawa. Kailangan ko lang siguro ng mas matinding dedikasyon at inspirasyon para magawa ito.

Iisipin kong para ito may Finnix at sa mga kaibigan ko. Hindi ako titigil para kanila! Muli kong pinikit ang aking mata.

"Uno, Dos, Tres, Quatro, Singco. Masked-up." Dama ko ang paglabas ng limang uri ng lubid mula sa puso ko.

Pumulupot ang mga ito sa aking mga ugat. Tila may sariling buhay na gumagapang ang mga lubid hanggang sa pinakamaliliit na bahagi ng aking ugat. Sobrang higpit ng pagkapit na halos pigain ang mga ugat ko. Mahigpit kong kinuyom ang aking mga kamay  upang indahin ang sakit na dulot nito.

Hindi ko alam kung ilang minuto na ang lumipas pero hindi pa rin tapos na balutan ng lubid ang lahat ng parte ng ugat sa katawan ko. Sobrang sakit na ng pagpulupot ng mga ito pero kailangan kong tiisin. I have to endure it for the sake of my friends.

'Malapit na, Ester. Kaunting tiis na lang,' sabi ko sa sarili dahil nararamdaman kong malapit nang matapos ang proseso. Patuloy na gumagapang ang mga lubid hanggang sa maramdaman kong tumigil ito. 'Finally!'  napasigaw ako sa isip ko. Pinakiramdaman ko ang sarili ko para makasiguro. I can feel five strings tied on my veins. My five links and I have become one!'I did it! Nagawa ko!'  My lips curved out of satisfaction.

Ramdam kong may tumulo na kung ano mula sa ilong ko. Pinahiran ko ito nang hindi namamalayan. Nang buksan ko ang aking ang mga mata, una kong napansin ang pulang tinta sa gitna ng aking hinlalaki at hintuturo. Katulad nga ng inaasahan ko. My body still can't stand them.

Kaya ko ng gamitin ang lima kong links ng magkakasabay, kailangan ko lang sanayin ang katawan kong gamitin sila sa matagal na oras at alamin ang limitasyon ko. Dahil sa oras na lumagpas ako sa limitasyon ko, maaaring ikamatay ko ito. Maaaring bumigay ang katawan ko.

Pinantukod ko ang aking kanang kamay at marahang tumayo. Muntik pa ako matumba dahil sa biglang pag-ikot ng paligid sa paningin ko. Napasapo ako sa aking noo. Hinintay ko munang humupa ang aking pagkahilo bago tumayo.

"Finally, nagawa n'yo rin!" napalingon ako sa dako kung saan ito nagmula. It was from Minea who's now smiling while looking at Finnix's hands.

Nasa pagitan ng mga kamay ni Finnix ang bola ng nagliliwanag na pilak. Mabilis na umiikot dito ang tatlong imahe ng kanilang spirit guardians na nag-iiwan ng pula, asul at puting hibla ng liwanag. Umiikot sila sa bola ng pilak. Nagmistulang planeta ang bola ng pilak na may tatlong singsing.

"Subukan natin ang lakas ng n'yan. Ibato mo sa akin ang bolang 'yan," panghahamon ni Minea. Nag-alangan naman si Finnix na gawin ang inutos niya. "Huwag kang mag-alala. Di' ako masasaktan n'yan. Titingnan ko lang kung sasapat na ba 'yan para mapatumba si Rathro. GO!"

"Tri-element Ball!" sigaw ni Finnix. Binato niya kay Minea ang bola ng pinaghalong elemento. Tumama ito sa katawan ni Minea dahilan para siya ay tumilapon ng mahigit sampung metro. Bumagsak siya sa lupa nang nakatayo ngunit umaatras pa rin siya dahil sa lakas ng impact na dala ng tri-element ball.

I sprinted to her back upang pigilan ang pag-atras niya. Nagkagutay-gutay ang suot niyang itim na leather jacket pati na ang itim niyang pantalon. Nahulog din ang suot niyang maskara. "Minea, ayos ka lang?"

"That attack would only tickle Rathro," 'yan ang sinagot niya. Mabilis na pinulot niya ang kaniyang maskara at tinago ang mukha  niyang katulad ng kay mama. "That's all for today. Bukas ay susubukan nating palakasin ang ilalabas niyong tri-element ball. Pwede na kayong magpahinga," saad niya at naglakad palayo

Kaagad kong pinuntahan ang tatlo. "May masakit ba sa inyo?"

"Tinatanong pa ba 'yan? Tingnan mo, oh, an'dami ng pasa sa porselana kong balat. Kasi naman itong boyfriend mo, napakasimpleng bagay na paghaluin ang spirit guardians namin, hindi magawa, tsk," pagrereklamo ni Heaven.

"Eh, ikaw na lang kaya ang sa unahan. Buti ka nga may damit pa," pagtatanggol ni Finnix.

Dumukot ako ng t-shirt sa magic pouch ko, isang plain white t'shirt, at binigay sa kaniya. "Ito, suotin mo."

"I-suot mo sa'kin, please," sabi ni Finnix nang naka-puppy eyes. Tumingin ako kay Heaven at Hydra na nakitaan ko ng pagka-cringe lalo na si Heaven. Binigyan ko ng mahinang suntok si Finnix sa kaniyang kanang balikat. "Ah!" pagdaing niya.

"Sorry! Ikaw naman kasi, eh. Sandali, gamutin ko na muna kayo. Tres, mask-up." Nang maging isa kami ni Tres ay kaagad kong ginamot si Finnix. Sunod naman si Heaven at Hydra. Nang makita kong wala ng pasa sa hubad na katawan ni Finnix ay binato ko sa kaniya ang damit. "Hindi ka bata para bihisan ko."

"Am I not your baby?"

"Bahala ka diyan!"

"Okay, maghuhubad na lang ako hanggang sa labas ng training grounds. Tiyak madaming maglalaway na babae sa akin 'pag nakita akong nakahubad. Tara na!" sabi niya nang may nakakalokong ngiti. He really knows me.

Kinuha ko muli ang damit sa kaniya at sinuot ito sa kaniya. Tumingkayad din ako upang ayusin ang bahagyang nagulo niyang buhok. "I love you, Ester," he said out of the blue. Nilapit pa niya ang mukha niya sa'kin na siyang kinapula ko.

Bumaling ako kay Hydra "Ah-eh-uhm, Hydra ba't ang tahimik mo yata?" sambit ng 'di nag-iisip kong bibig.

"Inaasahan mo bang tumili ako sa kilig habang naglalandian kayo sa harap namin?" sagot niya sa walang buhay na tono.

"Sus, inggit ka lang kasi wala si Win, eh. Huwag kang mag-alala couz, mamayang gabi sila babalik. Magagawa mo rin ang ginawa nina Finnix at Ester," Heaven chuckled.

"... have a death wish?" nagpalabas ng tubig si Hydra sa kaniyang mga palad. Napa-peace sign na lang si Heaven at ngumiti kay Hydra. "Wala akong sinabi. 'Di ba, Ester, wala kang narinig, 'di ba?"

Biglang nahagip ng paningin ko ang nasa hindi kalayuang si Minea. I thought she left. "Minea! Sandali!" paghabol ko sa kaniya. May isang bagay kasi akong gustong itanong sa kaniya. "Are you sure this is going to work?" 

"What do you mean?"

"Ang plano natin, sa tingin mo ba gagana ito?" paninigurado ko.

"Atleast it would," simple niyang sagot at muling tumalikod.

"'Would'? So hindi ka sigurado?" tanong ni Hydra.

Humarap siyang muli sa amin at pinag-cross ang kaniyang mga kamay sa kaniyang dibdib. "Look, hindi basta-basta si Rathro. He is diefied. He is far more stronger than any of us. Kaya niya tayong patumbahin sa iisang atake  lang."

"So you want us to exhaust him?" tanong ni Finnix.

"Exactly!" simpleng sagot ni Minea. Sinundan ito ng katahimikan, tanda na naghihintay kami sa eksplanasyon niya. "Haaaays! Kailangan ko ba talagang sabihin sa inyo nang detalyado? I thought you would figure it out. Ganito kasi 'yon. Rathro is proud. He is overconfident. My guts tell me that he would not fight us himself immediately dahil iisipin niya na hindi tayo karapat-dapat na kalabanin siya. Hahayaan niya tayong kalabanin ang mga summons niya sa una. Kaya kailangan nating gamitin kaagad ang oportunidad na ito. Kill his summons. Siguro iisipin niyo na walang katapusan ang pagbuhay niya sa mga patay pero hindi. The more he summons dead people and creature, the more energy it would cost him. We just need to exhaust him and release the final attack."

May punto nga siya. Sa ganitong paraan ay may tiyansa kami. "Pero paano kung hindi niya gawin ang inaasahan natin? Pa'no kung kinalaban niya tayo sa una pa lang?"

"Kapag 'yan ang mangyari, alam na ni Ester ang gagawin niya. Kapag 'yon nga ang mangyari, nasa kamay mo na, Ester, nakasalalay ang lahat," sagot niya. Alam ko kung ano ang tinutukoy niya. I have to use what she gave me. "You have to make a sacrifice. That would be our resort," dagdag pa niya.

"Sandali...sacrifice? Wala naman sa pinag-usapan natin 'yan, ah," naguguluhan kong tanong. Noong binigay niya sa akin ang vial ay wala siyang binanggit na kailangan kong magsakripisyo.

"Hala, 'di ko ba nasabi sa'yo?" tanong niya pabalik.

"Anong ibig n'yong sabihin? Sacrifice? Last resort? May alam ba kayong hindi namin alam? Baka gusto niyo namang i-share sa amin 'yan," Finnix said in a sarcastic way. "Ester, would you?"

"I-it's nothing. Just my responsibility as a summoner. I have to be the one to defeat Rathro," palihis kong sagot.

"Lies. Tell us the truth, Ester," I was taken aback sa sinabing ito ni Hydra. "Ikaw Minea, ano ang alam mo?"

"Wala naman. Binigyan ko lang siya ng isang vial. Vial na makakapagbigay sa kaniya ng lakas katulad ni Rathro. It could force her to breakthrough to become diefied," Minea said.

"Force the breakthrough process?" bungad ni Heaven. "Hindi ba't 'yan ang ginawa ni Rathro para maging diefied. He forced to breakthrough that's why he...he..." tila nanginig ang mga labi ni Heaven dahil hindi niya masambit ang karugtong nito.

"...he fell in a deep slumber," dugtong ni Hydra. "He might have died but luckily he woke up."

"Yes," pagsang-ayon ni Minea.

"And just like him, if I drink this vial, my body might or may not handle its side effects," bulong ko sa aking sarili. Kaya maaaring ikamatay ko ang pag-inom nito.

"Hindi ako papayag! Hindi ako papayag sa binabalak ninyo!" Hinawakan ni Finnix ang kamay ko dinala palayo sa kanila. Nagpatangay lang ako sa kaniya. I used Sais signus and I could feel his anger, and he's worried.

"Finnix!" mahinang pagtawag ko ngunit tinangay niya lang ako hanggang sa labas makalayo kami sa field at makapasok kami sa Southern Palace. "Finnix, huminahon ka please!" sabi ko sa kaniya.

Humarap siya sa akin, "Paano ako hihinahon, Ester? Paano ako hihinahon matapos kong marinig 'yon, ha?" Tumingin ako sa mga mata niya at doon ko nakita ang labis na pag-aalala. Maya-maya ay tumulo ang luha niya at bigla na lang akong niyakap. "Please, Ester, huwag mong gagawin ang binabalak mo, pakiusap. Hindi ko kakayanin kung..."

"Ssssshhhh!" pagputol ko sa sasabihin niya at hinagod ang likod niya. "Huwag kang mag-alala Finnix, wala akong balak na gamitin 'yon. I will train hard para matalo si Rathro nang hindi ginagamit 'yon."

Kumalas siya sa pagkakayakap at hinawakan ako sa magkabilang balikat. "Tingnan mo ako sa mga mata ko, Ester. Look at my eyes and promise me."

Tumingala ako't tiningnan siya sa mata. "Promise," Kinuha ko mula sa magic pouch ang vial at binigay ito sa kaniya upang mabigyan ng kasiguraduhan ang aking pangako. Pagka-abot niya nito ay kaagad niya akong hinalikan sa noo at niyakap muli ng mahigpit.

"Pangako kong po-protektahan kita sa abot ng makakaya ko, Ester. Kahit pa kapalit nito ang buhay ko," bulong niya sa akin. I can feel the sincerity from his words, iba sa huling salitang binitwan ko.

Dahil ibang vial ang binigay ko sa kaniya. It was not the one that Minea had given me.

'Patawad, Finnix pero handa rin akong isakripisyo ang buhay ko para sa inyo, para sa'yo, Finnix, dahil mahal na mahal kita,' as I said those words in my mind ay hinigpitan ko pa ang pagyakap sa kaniya.

Wala na akong pakialam kahit maraming dumadaan sa paligid. Baka ito na ang huling yakap na matatanggap ko mula sa kaniya. Ginamit ko ang opportunidad na ito upang tandaan ang bawat detalye at deskripsiyon ni Finnix. Minemorya ko ang amoy niya, ang hubog ng katawan niya, ang init ng yakap niya, kahit ang tempo ng paghinga niya.

Sumagi sa isip ko ang sinabi ni Ms. Gould, "This is a warning. I am not sure but beware! For one of you may die in the future. And if what I saw in the future would happen, maaaring hindi lang isa ang mamamatay kundi dalawa"

Lucas died at the end. Siya ang tinutukoy niyang mamamatay sa amin. Kaya kinakabahan ako. Kinakabahan ako dahil  nagkatotoo ang una niyang sinabi, kaya hindi malabong mangyari ang sunod nito.

"...And if what I saw in the future would  happen, maaaring hindi lang isa ang mamamatay kundi dalawa."

Ayokong isa pa sa inyo ang mawala. Kung may mamatay man sa ating magkakaibigan, sisiguraduhin kong ako 'yon.





***

Hi! This is hiddenthirteen, your lulubog-lilitaw author hshshs!

I just want to tell you na babaguhin ko na ang title ng book na ito sa next update.

From Signus Academy: Nobody's Ability, magiging Shadows of Ester Silverharth na po siya.

This is just to inform you para hindi kayo ma-confuse or magulat.

Also, you may follow my account if you want to hear or read some good news 😁.

Continue Reading

You'll Also Like

6.4K 559 87
[ COMPLETED ] Tulog, kain, anime, at school--- iyan ang buhay ng eighteen-year-old high school student na si Roma hanggang sa magdesisyon ang parents...
10.3M 476K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #03 ◢ Alpha Omega - refers to the twelve demigods destined for the upcoming rebellion. The world has changed. Time has stopped an...
1.8M 180K 204
Online Game# 2: MILAN X DION
48.6K 1.4K 35
Book 1 Mirror, mirror on the wall...who's the strongest of them all?