Chasing the Void (Magnates Se...

By ahiddenhaven

1.6M 67.1K 37.4K

(Magnates Series #3) Azriella Dominique Laurel lost her family to a tragic explosion in a cruise ship. It tur... More

Chasing the Void
Panimula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Wakas
His POV
Author's Note

Kabanata 34

36K 1.2K 277
By ahiddenhaven

Kabanata 34

Mabilis na lumipas ang ilang araw at mas lalo lang kaming napalapit sa isa't isa. I thought it would be awkward after what happened, but hell, I was wrong. Intimacy in our relationship has progressed so much that it could even exceed a scale if there's a measurement for it. 

Katulad ng nangyari ngayon. 

I was frowning terribly as we eat our usual lunch. Tapos ko na linisin ang buong opisina niya at nang magbreak time ay kumain kami ng sabay. I didn't try to hide my glare at him.

"Maybe if you try lessening your moans, she wouldn't have suspected it." he didn't even glance at me but he knew why I was sending daggers through my gaze.

"Maybe if you didn't try to do something other than making out, then she wouldn't have known!"

"She didn't know," he reasoned out.

"Yeah right," I sarcastically said. "Like the tone of her voice never looks suspecting." 

Pulang pula ang mukha ko at hindi ko alam kung paano haharapin 'yong secretary niya sa labas. Paano ba naman kasi, noong nagbreaktime bigla niya akong hinila para halikan. He pinned me on the table that I accidentally pressed a button on the intercom while we were making out.

Hindi ko na alam kung hanggang saan ang napakinggan ng secretary pero nagulat na lang ako nang may biglang magsalita mula sa intercom na para bang nahihiya siya sa mga narinig niya. 

I sighed exaggeratedly, covering my face with my hands. 

"There's nothing wrong with that," depensa niya pa. "She knew we're in a relationship."

"Pero hindi ibig sabihin no'n ay magiging lantaran tayo sa mga gano'ng bagay! Ano na lang ang iisipin nila? Na sa tuwing nasa opisina mo ako, gumagawa tayo ng kababalaghan?"

"But we always were,"

"Draisen!" pagpipigil ko sa sasabihin niya at mas lalo lamang pumula ang mukha ko. 

Nasapo ko ang noo ko dahil sa kahihiyan. Hindi ko alam kung paano 'to maayos lalo na't bato pa naman 'tong isang 'to. Hindi ko alam kung nakakaramdam ba 'to ng kahihiyan.

"Should we call her to clarify what happened?" he offered as a solution.

"At anong sasabihin mo, aber?"

"That I was just treating your wound that's why you were moaning and you sounded in pain." 

Mas lalo lamang akong napahilot sa sentido ko sa irarason niya. Hindi ko alam kung matutuwa ako na talagang ang creative ng naisip niyang rason o mapapangiwi ako dahil masyadong hindi kapani-paniwala 'yon.

Nagulat kami nang may marinig mula sa intercom. Para akong tanga na kinabahan. Tumayo si Draisen at sinagot iyon.

"U-Uhm...M-Mr. Velarde, p'wede raw po ba kayong makausap?" awkward na sabi ng serkretarya na nauutal pa. Pakiramdam ko may malisya 'yong pagkakatanong niya. 

"Who is it?" Draisen asked. 

"Captain Burgos," 

Hindi ko inasahan na pupunta si Captain Burgos. He sometimes visits Navis especially to attend important events or celebrations. He is one of the important persons who led Navis to greater heights, together with Mr. Damarcus Velarde.

Kung bibisita man siya ay palagi niya akong kinakamusta kapag nakikita o nakakasalubong niya ako. Maybe because he saw me at my worst phase back then that he was still worried. And he was one of the reasons why I tried building myself again.

Natigil ako sa pag-iisip nang makitang nakatingin sa akin si Draisen. He eyed at me, pointing his fingers on me. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. He tried pointing at his neck while still staring at me. 

"Hickeys," he clarified making my eyes widen. I glared at him and frowned.

"I'll be in your room," I mouthed, he just nodded.

Tumungo nga ako sa loob ng kwarto niya at doon nagtago. Hindi ako p'wedeng tumambay doon habang kinakausap niya si Captain Burgos. Ayoko ring lumabas dahil nando'n 'yong sekretarya at baka kung ano isipin lalo na't may marka ako sa leeg ko.

"Draisen, damn you!" I muttered under my breath while looking at the hickeys he left all over my neck. 

Nasa banyo na ako at kitang kita rito ang mga marka. I don't have any idea how to get rid of it. I tried washing it but of course nothing happened. I got some ice from his fridge and covered it with a towel. I pressed the cold compress on my neck.

"Pasaway ka talagang bato ka."

I frowned more, but smiled afterwards. Humiga pa ako sa may couch at sumipa sipa. Tumikhim ako at niyakap na lang 'yong unan.

"Baliw na nga talaga ako." I mumbled.

Minutes passed and I heard the door open. Pumasok sa loob si Draisen at agad na napatingin sa'kin. He still looked blank as always, but there's this glow in his void-like eyes as he stared at me. 

Mukhang tapos na siya makipag-usap kay Captain Burgos. He probably felt bored alone outside. Nakatitig lang siya sa akin kaya kumunot ang noo ko sa kung anong gusto niyang mangyari. 

I opened my arms, offering an embrace. He quickly went towards me for a hug. Napangiti ako kasi para akong may inaalagaang aso. He's really comfortable hugging me that I felt relaxed as well. Nakaupo lang kami sa may sofa at nakayakap sa isa't isa.

"May problema?" I softly asked, caressing his hair. 

He tightened his hug and sighed quietly.

"Just...tired." 

"Do you want to sleep?" 

He nuzzled on me, resting his head on my neck. Napangiti ako kasi hindi siya nahihiyang magpakababy sa akin. And I find it really heartwarming seeing him find comfort in me. 

"What kind of sleep are we talking about?" he whispered. 

Natawa ako. "May iba pa bang ibig sabihin ng pagtulog sa'yo?"

"Whenever you say we should sleep, it would end up you suddenly kissing me and will start taking my clothes off. Then it would lead to—"

"Alam mo minsan kailangan talaga natin ng kapayapaan at katahimikan." I immediately cut him off before I could die of embarrassment. "Mahirap na baka makadagdag pa tayo ng polusyon sa Pilipinas."

He buried his face on my neck, chuckling a little. Napasimangot ako kasi alam kong sinasadya niya dahil alam niyang ganito ang ire-react ko. He's being vocal so that I'd feel flustered.

Dahil nainis ako ay hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kanya. I leaned forward and bit his neck hard. I heard him groaned a little. 

"Huwag mo nga akong asarin." I frowned, annoyed.

"My lab rat's a biter." he acted hurt touching the spot that I've bitten, but there was a small grin on his face. "So feisty," 

"Namumuro ka na sa'kin, Draisen Jonvick! I deserve to be treated like a girlfriend, not some kind of lab rat you'd try your experiments on."

Mas lalo akong sumimangot nang marinig ko ang mahinang pagtawa niya. He held my hand and kissed it softly. He stared at me intently that I flinched.

"Then how should I treat my girlfriend, hmm?"

He pronounced each words suggestively that I had a hard time keeping my frown. Napapangisi na rin tuloy ako kasi naman kakaiba manglandi ang isang 'to! 

"Tell me..." he sounded sensual, his gaze was still on me. 

Napalunok ako ng laway habang nakikipagtitigan sa kanya. His expression was always serious but I know that kind of look. I can't help but to anticipate.

"Ewan ko sa'yo," tumayo ako at hinila na rin siya. "Matulog na nga tayo."

Hindi naman siya nagreklamo at mukhang hinihintay niya rin naman na ako ang unang magsabi. Hinayaan niya lang akong hilahin siya.

Alam naman naming pareho na hindi pa talaga kami matutulog. 

Hindi ko na lang talaga alam minsan.

"Alam mo may hindi ka talaga sa'kin sinasabi, e." 

Halos mabilaukan ako habang kumakain. Nakita kong mas lalong naningkit ang mga mata ni Chelsea dahil sa naging reaksyon ko. Agad na inabot ko ang baso para makainom.

"Ano naman 'yon?" patay malisyang tanong ko nang mahimasmasan.

Her eyes were scanning me, trying to analyze my expression. Bahagyang nanlamig ang kamay ko dahil alam ko na kaagad kung saan patungo 'tong usapan na 'to.

"Hindi ka na nagkukwento tungkol kay bato!" 

I knew it. 

"Ano namang ikukwento ko?" tumawa pa ako. "Gano'n pa rin naman. Wala namang nagbago."

"Lolo mo nagbago." pamimilosopo niya. "Umamin ka nga, may gusto ka na sa kanya, 'no?"

Hindi lang gusto. Mahal ko na.

"Crush ko nga," sabat ko kaagad. Bago pa niya ako intrigahin ay pinutol ko na kaagad ang usapan. "Alam mo, mas mabuti pang magmall tayo ngayon para sulit 'tong holiday. Hindi ba showing na 'yong pelikula na inaabangan mo? Panoorin natin, libre ko."

Nakita ko ang paglapad ng ngiti niya dahil sa alok ko at agad pa siyang napatayo.

"Talaga?!" masiglang tanong niya. "Sige sige, saglit. Maliligo lang ako." 

Nagmadali na siyang umakyat para mag-ayos. Doon lang ako nakahinga ng maluwag. Mukhang nakalimutan na niya usisain ako dahil sa pag-aaya ko.

At iyon nga ang ginawa namin. Siya ang nagmaneho patungo sa mall na pupuntahan namin. She was so excited that she's telling me some random facts or teaser about the movie we're planning to watch. Nakisakay na lang ako para makalimutan na niya talagang pag-usapang ang tungkol sa amin ni bato.

Pagkarating namin ay agad na bumili na kami ng ticket. Mabuti na lang at hindi matao ang mall na napili namin kaya hindi kami nahirapan maghanap ng mauupuan dahil may natira pang bakante. Bumili kami ng popcorn at nanood na ng movie.

"Namiss ko 'to," ngumiti siya habang kumakain kami ng lunch.

"Alam ko namang miss mo na akong makasama, 'wag ka na mahiya," panunuya ko. "Ako lang naman kasi 'to, Chel. Si Riyel lang naman ako."

"Tanga, iyong libre mo ang namiss ko, hindi ikaw."

"Aww...shy naman ang Chel ko." mapang-asar na kinurot ko pa ang magkabilang pisngi niya kaya hinampas niya ako. "Ayos lang naman kahit itago mo. Ramdam ko namang mahal mo ako."

"Mas mamahalin kita kapag naulit 'to."

"Hayok ka talaga sa mga libre e mas madami ka ngang pera."

"Hoy wala kaya!"

"Ginastos mo kasi tingin ka ng tingin sa lazada!" 

"Eto naman, bigla biglang umaatake! Kalmahan lang naman natin." humawak pa siya sa dibdib niya na kunwari ay nasaktan siya. 

Nag-asaran pa kaming dalawa habang naglilibot sa buong mall. I actually miss bonding with her. We're both busy with our works and we haven't went out for a long time. 

Hindi ko naman mapagkakaila na malaking tulong si Chelsea para manumbalik ako sa pagiging ganito. I was wrecked and emotionless back then that I don't even talk much. Pero hindi niya ako sinukuan at masaya ako na nakahanap ako ng kaibigan.

"May titignan muna ako, samahan mo na ako." pag-aaya niya.

"Ano na naman 'yan?"

"Sa fashion boutique lang ng katrabaho ko. Nandito lang iyon, e." luminga linga siya sa paligid. Naglalakad na kami sa may field malapit sa mall kung saan maraming matataas na gusali dahil malapit sa kalsada. "Ayon!"

Tinuro niya 'yong nasa kabilang building, sa mismong malaking hotel. May hile-hilerang bigating fashion boutiques sa baba, iyong mga kilala at mamahaling mga brands pa. Hinila na niya kaagad ako bago ako makapagsalita. Mukhang gagastos na naman ang babaeng 'to.

"Dito lang ako," sabi ko at minata kaagad 'yong bench para maupuan. 

"Hindi ka titingin sa loob?"

"Sakit sa mata ng presyo." ngumiwi agad ako. "Bibili na lang ako ng ice cream para sa'tin."

Tinuro ko 'yong malapit na gelato store. Tumango lang siya at pumasok na sa loob. Pinuntahan ko na 'yong nakita kong ice cream parlor para makabili. 

"Grabe, na-pressure ako. Hindi ko natanggihan." ngumiwi ako habang nakaupo sa bench. Hawak ko ngayon ang ice cream na nabili ko at ngayon pa lang ako nagsisi.

Hindi ko na kasi matanggihan lalo na't kung anu-ano na 'yong sinabi ng cashier na mga flavors. Mukhang balak pa i-kwento kung saan at kung paano nagawa ang ice cream nila. Medyo nahiya naman ako na hindi na bumili dahil ang dami na niyang nasabi.

"Siguraduhin mong masarap ka at magtatagal ka sa sikmura ko, ha!" parang tanga na tinuro ko pa 'yong cup ng ice cream na hawak ko. Sumubo ako habang hinihintay si Chelsea. "Shit, masarap nga. Paikiramdam ko hindi deserve ng dila ko."

I was enjoying the gelato when my gaze immediately went to someone familiar. Muntikan ko na malunok ang kutsara dahil sa pagkabigla.

Just a few meters away from me was a figure I've known so much. Nakasuot siya ng simpleng itim na polo shirt at maong pants. He was being eyed by some people passing by. Paano ba naman kasi kahit anong gawin niya ay kapansin-pansin talaga siya.

Why is Draisen even here?

Malapit siya sa may hotel area katabi ng mall. Medyo malayo siya mula sa pwesto ko pero automatic na lumilinaw ang mata ko kapag sa kanya.

I was just staring at him, that I got startled when he suddenly looked at my direction. Agad na tumalikod ako at pinilit na hindi magpahalata. Ilang segundo bago ako napatingin ulit doon. Hindi na siya nakatingin sa gawi ko at naglakad na kasama ang isang lalaki. It was Captain Burgos and they went inside the building.

Nagtagal ang tingin ko roon, sinusundan sila. I was thinking that it was something related to business that's why they met up. Alam ko namang hindi maglalaan si Draisen sa kahit na anong bagay kung walang kinalaman sa trabaho.

"Tapos na ako!" napatigil ako sa pag-iisip nang makita si Chelsea bitbit ang mga paper bags niya. "Huwag kang mag-alala, nakamura ako!"

I narrowed my eyes at her.

"Totoo nga!" depensa niya, nilabas pa ang resibo. "At makukuha ko na rin naman ang sahod ko kaya ayos lang gumastos."

"Lagot ka na naman kay Tito," suway ko.

"Hindi mo naman ako isusumbong, malakas ako sa'yo, e." pabirong siniko niya pa ako. "Uy ice cream!"

Napagdesisyunan na naming umuwi dahil malapit na rin namang maggabi. I glanced at the building again where I last saw Draisen. Hindi ko alam kung bakit napanatag ako. I was expecting something worse like he's meeting up with some woman and is cheating on me.

But seeing what happened a while ago, I confirmed that it wasn't the case. Para akong tanga na nakahinga ng maluwag dahil sa kaba ko kanina. 

I know he's not the type to cheat, but I won't be prejudiced. Sa aming dalawa ay parang ako pa nga 'yong may posibilidad na gano'n. But of course, that won't happen. Mahal ko 'yong batong 'yon at seryoso ako. 

It was fine at first but I noticed that Captain Burgos frequently visits him in his office. Hindi ko alam kung ano ba 'yong importanteng pinag-uusapan nila na halos ilang ulit silang dapat magkita. 

"Kailangan ako do'n kasi nangungulang na sila ng tauhan sa maintenance." pagkukwento ko kay Draisen habang kumakain kami ng lunch.

"There were newly hired employees in maintenance." 

Sumimangot ako. "Gusto kong tumulong. Palagi na lang ako nandito sa office mo, hindi ko nga alam kung matatawag ko 'tong trabaho."

"You're doing your job." 

Mas lalo ko siyang pinaningkitan ng mata. "Masyado kang bias, ha. Dahil ba girlfriend mo ako kaya dapat may special treatment?"

"I'm not giving you any special treatment though." depensa niya. "Intimacy is out of this, we're a couple and that's understandable. That isn't special treatment."

"Gusto kong mahirapan!" bago pa siya makapagsabi ng kung anong kalokohan ay inunahan ko na siya. "Ibang hirap ang tinutukoy ko! Tumigil ka sa pinag-iisip mo!"

He protruded his lips, amused that I was able to stop him before he spout nonsense again.

"Alright," he finally agreed. 

Napangiti ako. "Dito pa rin naman ako palaging malalagi. Gusto ko lang talaga tumulong do'n."

"I'm not stopping you," sabi niya. "Do what you want."

"Hindi ka galit?"

"Why would I?"

"Hindi mo ako masyadong makikita." pagdadrama ko at nilagay pa ang dalawang kamay ko sa pisngi. "Mamimiss mo ang kagandahan kong ito." 

It was supposed to be my usual jokes just to make fun of him. Nakita kong nanatili ang titig niya sa akin na mukhang may malalim na iniisip.

"I'll visit you there," 

"H-Huh?"

"I'll come there once in a while."

At mukhang tinotoo niya nga ang sinabi niya at hiyang hiya na tuloy ako. I was cleaning the ship like I usually do but I can't work properly especially now that Draisen is here and he's actually helping us clean!

Kitang kita ko ang kumpulan ng mga kasamahan ko na mukhang hindi rin makakilos ng maayos lalo na't hindi nila alam ang gagawin. The CEO of the company was actually doing maintenance work that they were all in awe.

Mukhang sanay naman 'tong batong 'to sa paglilinis kaya parang hindi siya nahihirapan. And I was frowning because all eyes were on him, especially now that he was sweating and his shirt was becoming see through, revealing his toned body a bit.

They were all gawking at him, looking at him thirstily like they were watching a show. 

"Ito 'yong sinasabi mong pagbisita?" inis na bulong ko. Sinadya kong magmop malapit sa pwesto niya. 

"I've got nothing to do in the office." 

Hindi ako naniniwala sa rason niya. Sobrang naalibadbaran ako lalo na't rinig ko ang pagkukwentuhan ng mga kasamahan ko tungkol kay Draisen. Hindi ko tinago ang pagsulyap ko sa kanila para malaman nilang nangbabakod ako rito.

Hello? Nandito 'yong jowa, konting respeto naman sa'kin.

"Bakit ang nipis ng shirt mo," I was never conservative but for some reason I just want to wrap him up in a blanket. "Nabasa na, kitang kita na 'yang katawan mo."

Sumakit ang ulo ko sa presensya niya idagdag pa na halos mabingi ako sa pagtili ni Donna nang magbreak kami pansamantala. And Draisen being Draisen, he kept on working.

"Punasan mo dapat ang pawis." kinikilig na suhestiyon ni Donna. "Nandito siya para talagang makasama ka. Mukhang gusto tapusin ang paglilinis para hindi ka na mahirapan pa!"

Napangiwi ako sa mga pinagsasabi ni Donna. Minsan talaga hindi ko na alam ang pinagbabasa ng isang 'to. I know Draisen went here because he was curious how the work is done here. And he's not stopping because he's annoyed if he sees something uncleaned.

Nagpatuloy iyon sa mga sumunod na araw na sobrang naiinis na ako. I already told him not to do it but since he just explained that he was up for the experience, he insisted to help in cleaning. 

"Himala, hindi siya pumunta ngayon." sambit ko sa ikatlong araw. I was glancing at the surrounding, looking for him. 

"Riyel," napatigil ako sa paglilinis nang may tumawag sa akin. Mga kasamahan ko iyon sa maintenance.

"Bakit?"

"Hindi ba pupunta si Sir Draisen ngayon?" at ginawa na nga po nila akong taga-update.

"Hindi ko rin sigurado." 

"Sayang, hindi natin makikita ngayon." bulung-bulungan pa nila.

"Kaya nga, e. Nagpaganda pa naman ako ngayong araw."

"Ang gwapo ni Sir, ginaganahan ako sa paglilinis."

Nakasimangot ako habang patuloy sa pagma-mop. Hindi ko alam kung bakit naiinis ako. Hindi naman siguro masamang magselos kaya aaminin ko na lang.

He did not come that day so I got to clean properly. Masaya na rin ako dahil wala na 'yong mga malalagkit na tingin nilang halos hubaran na si Draisen. Napanatag ako na hindi siya pumunta ngayon.

Nang matapos maglinis at malapit na magdilim ay napagpasiyahan kong bumalik sa building. It was weird that I wanted to see him because I haven't seen him all day. It's like a part of my routine. I felt my phone vibrated and when I looked at it, I smiled automatically.

Draisen:

I'll drive you home. Wait for me in the maintenance office.

Parang magic na nawala 'yong inis at pagod ko. I was smiling widely when I read it. Natawa ako ng bahagya dahil papunta na ako sa mismong office niya. Sana hindi kami magkasalisihan.

Nakita kong natutulog 'yong secretary kaya hindi na napansin ang presensya ko. Kilala niya naman ako at hindi na niya ako pinipigilan pumasok sa opisina ni Draisen. I was about to open the door when I heard voices inside.

"Why would you hide it?" I heard a man's voice. And by the sound of it, it seems familiar. 

"We shouldn't be talking about this, Cap." Draisen said.

Mukhang si Captain Burgos ang kinakausap ni Draisen sa loob. And his voice sounded cold. Ngayon ko lang ulit narinig ang malamig at seryoso niyang boses.

"You asked for more evidence, I gave you enough!" si Captain Burgos. "I know that incident happened years ago, but that doesn't mean we would just let it go!" 

Hindi ko alam kung bakit naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Napalunok ako ng laway at napakapit ng mahigpit sa door knob habang pinapakinggan ang pinag-uusapan nila.

"Captain Laurel...he was a friend, no, a family to me." puno ng pagsusumamo ang boses niya. "They all died...and only his daughter was alive. That kid, I've seen her miserable as if she lost her life as well."

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at pakiramdam ko ang hirap huminga.

The tragedy felt like it's coming all over again. Something I've wanted to remain hidden but something I don't want to forget. My heart is aching yet I stayed, wanting to hear what's next.

"You know that explosion wasn't an accident! You should do something about—"

"Captain Burgos," rinig ko ang malamig na tinig ni Draisen. "I'll be the one deciding about this matter."

"Draisen—"

"Mr. Velarde," he clarified. "And what's my position?"

Ilang segundo bago muli siyang nagsalita.

"Chief Executive Officer of Navis." rinig kong sabi ni Captain Burgos. 

"Know your place." I almost flinched with how ruthless yet powerful his statement is. "You may leave,"

Mabilis akong naglakad palabas bago ako maabutan. Imbes na sa elevator ay sa may hagdanan ako dumaan. I can still feel my heart beating rapidly. Although it was just a short coversation, I was sure it was somehow about me. 

It's definitely about what happened that night.

Huminga ako ng malalim, pilit pinapakalma ang sarili ko. Natigil lang ako nang maramdaman ko ulit ang pagvibrate ng cellphone ko kaya agad na tinignan ko iyon.

Draisen:

I'm almost done. I'll go now.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko habang nakatitig sa message niya. Napaupo ako sa gilid, sa may tabi lang ng building. Pakiramdam ko nanghihina ako ngayon. 

I stayed there for a minute that I saw Draisen coming out of the building. Nakatago ako kaya alam kong hindi niya ako makikita. Mukhang balak na niyang dumiretso sa may maintenance para puntahan ako.

I grabbed my phone to typed in my reply.

Me:

Sorry, ngayon ko lang nakita ang text mo. Nakauwi na ako.

Continue Reading

You'll Also Like

322K 17.4K 30
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
3.2K 201 20
Merian had been in a three years relationship with her highschool sweetheart. Sa tingin niya wala naman siyang pagkukulang kaya hindi niya maintindih...
22.8K 2.8K 67
Season Two. In the vast canvas of love's kaleidoscope, fresh characters step into the spotlight, bringing with them a palette of new emotions. Each...