Prios 2: Helderiet Woods

By LenaBuncaras

119K 9.3K 592

Hindi isang ordinaryong gubat lang ang Helderiet Woods na hindi naman tipikal na binibisita ng mga tao sa siy... More

Helderiet Woods
i. Cabin's New Guardian
ii. Sunset Dilemma
iii. The Last Helderiet
iv. Prelude of Subtle Declaration
v. Missing Fae
vi. Pure Heart
vii. Sleeping Beauty
ix. Death Threat
x. Operation: Waking Mr. Phillips
xi. The Awakening
xii. Caregiver
xiii. Blood Source
xiv. Breakfast Fillers
xv. Unofficial Couple
xvi. Master and Slave
xvii. New Threats
xviii. Agree to Disagree
xix. Half Bloods
xx. Colder than Cold
xxi. Suicide
xxii. Paragon
xxiii. Confusion
xxiv. Home Sweet Home
xxv. First's Son
xxvi. Dalca's Descent
xxvii. Curses
xxviii. Shifter's Side
xxix. Call Signs
xxx. Vanderberg's Revenge
xxxi. Vampire's Dilemma
xxxii. Promises
xxxiii. Dominant and Submissive
xxxiv. Firstborn
xxxv. Travel Time
xxxvi. Historical Commission
xxxvii. Before Dusk
xxxviii. Last Goodbye
xxxix. Numen
Next Part: First's Testament

viii. Treasure

2.7K 229 20
By LenaBuncaras

Kung ano man ang ginawa ko at nangyari matapos kong nakawan ng halik si Mr. Phillips, sobra talagang pinagsisihan ko 'yon.

Isang oras na akong ngumunguya ng yelo kasi feeling ko, sinunog ng itim na usok na 'yon ang loob ng bibig ko.

Buti sana kung yung feeling, para akong kumain lang ng sili, kaso hindi. Para akong binanlian ng kumukulong tubig sa buong bibig at ayaw mawala. Nababawasan lang ang sakit kapag nadadampian ng malamig.

Uminom na ako ng cold water sa ref ko sa taas, kaso hindi sapat. Kaya nga nilabas ko na yung ice cubes at buo kong pinasak sa bibig yung tatlong cube.

Sa sobrang init ng pakiramdam ng loob ng bibig ko, ni hindi man lang ako nangilo sa yelo.

May kaunti naman akong na-realize habang tinititigan ko si Mr. Phillips. Hindi pa rin siya kumikilos, pero nakakuha ako ng itim na usok sa kanya kanina.

Siguro, hindi effective yung unang kiss ko sa kanya kasi closed yung lips naming dalawa. Feeling ko, dapat ko sigurong higupin yung usok.

E kaso, hihigupin ko e halos sunugin na nga ng kaunting usok ang buong bibig ko? Baka kapag sinagad ko ang higop, bigla akong magliyab at mag-auto send ang kaluluwa ko sa impyerno.

Pero kasi, nakakita na ako ng way para mawala yung black smokes sa katawan niya. What to do, ser?

Alas-nuwebe pasado nang mawala ang hot feeling ng loob ng bibig ko. Pagtingin ko naman sa salamin, walang paso o pamumulang gawa ng sunog doon. Medyo naninigas dahil sa yelo, pero yung feeling ko, parang nasunog na balat? Wala. Walang nagbago sa bibig ko.

"Mr. Phillips, kakausapin ko talaga si Eul bukas. Ibabalita ko ang nalaman ko tungkol sa stolen kiss ko sa 'yo. Feeling ko talaga, alam ko na kung paano kita gagamutin." Nag-ayos ako ng pullover at pumunta sa pintuan. "Bababa ako. Kakausapin ko yung mga shifter sa labas. Kung si Johnny, kayang maging tao, baka sila rin, pwede."

Lumabas na ako at hinayaan ko nang bukas ang mga ilaw sa Cabin.

Kung may isang bagay akong napagtagni-tagni after ng mga nangyari these past few days, iyon yung conflict between sa family ni Mr. Phillips at sa mga shifter.

Naiintindihan ko kung ang reason kaya nilalabanan ni Mr. Phillips ang mga gaya ni Johnny ay kung may present na misinformation. Kung ikaw ba naman demonyohin ng pamilya mo, natural lang na maniniwala ka rin. Kasi hindi raw tagarito si Mr. Phillips e. Ibig sabihin, wala siyang alam sa nangyari kay Marius Helderiet.

Hindi na ako natatakot sa mga taong putik. Gaya lang noong nalaman kong bampira pala si Mr. Phillips, pero nag-sorry siya noong natakot niya ako.

Ewan ko ba? Feeling ko talaga, ako lang ang tumatakot sa sarili ko dahil sa kanila.

Pero masama pa rin ang loob ko kasi yung malaking ibon, sinugatan ako nang bongga noong nakaraan sa balikat. Di ako makaka-move on doon.

Paglabas ko, nagkalat na naman sila. Feeling ko nga, mas maaga pa sa 12 midnight ang labas nila sa Helderiet Woods. Pinatutulog lang ako nang maaga ni Mr. Phillips para di ko masaksihan ang paglabas nila.

Nagdala ako ng flashlight galing sa stockroom sa may kitchen area bago lumabas. Pero paglabas ko, medyo maliwanag naman kasi nakatapat sa amin ang buwan. Although, may ilang mga ulap na dumadaan sa langit, pero hindi naman makakapal para padilim ang buong paligid.

Ang dami talaga nilang naglalakad sa palibot ng Cabin. Kung hindi ko lang nalaman ang tungkol kay Johnny, baka kanina pa ako tumili sa takot. Pero habang pinanonood ko sila mula sa pintuan ng mansiyon, napansin kong para silang rumoronda. Hindi nila inaatake ang Cabin gaya ng sinabi ni Mr. Phillips. May pumasok noon sa third floor, doon sa blank room, pero tingin ko, ang pakay n'on ay si Marius Helderiet.

Bakit naman nila hahanapin si Marius kung alam nilang patay na yung bampirang 'yon?

Naglakad na ako papalapit sa isang rumurondang taong putik.

"Excuse me!" pagtawag ko habang sinisilip siya.

"Aaaarrrrk." Ang weird ng pag-angil niya, parang may halak. Ilang saglit pa, yumuko siya at dahan-dahang binalot ng balahibo mula sa likod palibot sa katawan hanggang maging malaking aso. Doon na siya umangil ulit pero pang-aso na.

"Whoooh. OMG. Ang laki talaga nila."

Kinalma ko ang sarili ko para hindi mag-panic. Yung tibok ng puso ko, tolerable pa naman. Mas kinabahan pa nga ako habang binibihisan si Mr. Phillips.

"Hindi ako mananakit," mahinahon kong sinabi sa kanya habang dahan-dahang lumalapit at inilalahad ang kamay. "Si Johnny, kilala n'yo? Tagaroon siya sa Onyx. Kilala niya ako. Kilala niya si Quirine Dalca." Dalawang beses kong tinapik ang dibdib ko. "Anak ako ni Quirine. Ako si Chancey."

Ang lalim ng paghinga ko habang lumalapit pa sa malaking itim na aso. Umaangil pa rin naman siya habang nakatitig sa akin.

"Yung isa sa inyo, nakita ko sa third floor kagabi. Hinahanap niya si Marius Helderiet."

Huminto ako sa harapan ng malaking aso at dahan-dahang inilapat ang palad ko sa ibabaw ng ulo niya, sa pagitan ng mga tainga.

"Wow, ang fluffy mo naman." Hinimas-himas ko pa ang balahibo niya.

Bakit ang lambot niya?! OMG, mas smooth pa yung balahibo niya sa buhok ko a! Grabe naman, sana lahat.

"Behave naman pala kayo, bakit kayo laging nag-aaway ni Mr. Phillips?" Napaupo na ang malaking itim na aso sa harapan ko at hinayaan akong himas-himasin ang balahibo niya. Nakiupo na lang din ako sa damuhan sa tabi niya habang nakatitig ako sa Cabin mula sa labas. Nag-indian seat pa ako roon habang pinag-iisipang mabuti ang mga gagawin ko bukas.

"Alam mo, yung boss ko, lagi kayong inaaway n'on. Kasi ang alam niya, bad kayo," kuwento ko sa malaking asong katabi ko. "Pero akala ko rin naman, bad siya kasi vampire siya. Tapos ang alam ko, bad kayo kasi monsters kayo. Pero mukhang akala lang pala natin na pare-pareho kayong bad."

Tinanaw ko ang ibang kasama nitong katabi kong aso. Ronda lang sila nang ronda sa palibot ng Cabin.

"Hindi ko kilala kung sino yung umakyat sa taas kagabi na naghahanap kay Marius Helderiet, pero may pinakita kasi siya sa 'kin na nangyari dati. Kilala mo ba siya? Alam mo ba kung paano ko siya makakausap? Hindi ko kasi talaga gets kung bakit niya hinahanap si Marius e patay naman na 'yon."

"Awoooo!"

"WHOAH! Sandaleee! Bakit umaalulong?!" Umatras agad ako palayo sa kanya kasi bigla siyang nag-ingay nang walang pasabi.

Nakarinig ako ng malakas na pagpagaspas sa kaliwang itaas ko at nanlaki ang mga mata ko nang may makitang malaking ibon na lumilipad papalapit sa amin.

"HOY! SANDALE, HINDI AKO KALABAN!"

Pagtayo ko, tatakbo na sana ako pero napaatras na lang ako nang biglang maglahad ng pakpak ang malaking ibon na halos takpan na ang buwan sa itaas. Pagtapak ng mga paa niya sa damuhan, bigla iyong naging paa ng tao at kasabay ng pag-akyat ng tingin ko mula sa paa niya paitaas ang pagbabago ng anyo niya bilang isang normal na lalaking . . . tao.

"What kind of freaking sorcery is this shit?" mura ko habang nakatingin sa mukha niyang parang fuck boy sa Uptown.

Simula nang malaman kong 127 years old na si Mr. Phillips, wala na akong tiwala sa mga edad ng mga nasa paligid ko. Mukha lang bente anyos itong lalaking nasa harapan ko, pero duda ako sa bente anyos na 'yon.

Nakasuot siya ng . . . hindi ko ma-explain. Parang kukurtinahin yung suot niya. Mukha siyang sumagasa ng brown curtain na nilagyan ng makapal na lubid para maging belt. Pero like ko yung pa-sleeveless. Kita kasi yung muscles niya. Mukha siyang seryoso sa buhay—mas seryoso pa kaysa noong una kong nakilala si Mr. Phillips.

"Buhay ka pa rin pala."

Ay, wow. Ang ganda ng pabati. So, ano ba? Walang good morning, good evening sa akin? Laging tatanungin ng buong Earth kung buhay pa pala ako? E kung sila kaya ang patayin ko everyday? Nakakaloka, ha.

"Kilala mo ba 'ko?" mataray ko pang tanong sa kanya habang hinahagod siya ng tingin. Cute sana siya kahit medyo kayumanggi ang kulay ng balat, pero mukha kasi talaga siyang fuck boy. At saka monster siya. Although, monster din naman si Mr. Phillips, pero hindi naman kasi nagiging ibon si Mr. Phillips.

O baka nagiging paniki pala siya? Itanong ko nga paggising niya para sure.

"Ikaw ang alaga ng bampira sa loob."

"Hoy, excuse me!' Nagkrus agad ako ng braso sabay taas ng kilay sa kanya. "Secretary niya ako. Alam mo ba yung secretary? Assistant. Kanang kamay. Ako ang gagawa ng trabaho niya kapag hindi siya puwede. Hindi. Ako. Alaga! Tse!"

"Ganoon din 'yon."

Aba! Wow, napakalakas naman ho! Ang kapal ng mukha niya in all fairness to him, ha? Dapat pala dinala ko yung pana at palaso ko.

"Alam mo, yung tabil ng dila, hindi ko nagugustuhan, ha?" naiinis kong reklamo sa kanya. "Nandito ako para magtanong tungkol kay Marius Helderiet at sa mama ko."

"Anong kinalaman mo kay Marius?" Nagkrus din siya ng braso at sinukat ako ng tingin.

Buti hindi siya kasingtaas ni Mr. Phillips. Mukhang magkasing-height lang kami. Hindi ako nahihirapang magmalaki.

"May isa kasi sa inyo na hinahanap siya sa taas kagabi," sabi ko habang tinuturo ang direksiyon ng blank room. "Ang tanong ko, bakit siya hinahanap kung matagal na siyang patay."

"Nasaan ang amo mo?"

"Wala ngang malay. Hostaged ng pamilya niyang bampira. At saka hindi naman 'yon ang sagot sa tanong ko. Bakit nagtanong ka lang din?"

"Tinatago ng mga bampirang 'yon ang mga kayamanan ng Ada. Babawiin lang namin ang kinuha nila."

Ada. Ito na naman sila sa Ada-Ada nila.

"Ito bang Ada na sinasabi ninyo, si Quirine Dalca ba 'to? Yung nakatira sa dulo ng lone town dati?"

"Naaamoy kong may dugo ka niya."

Ang sarap niyang kausap, in fairness. Yung sagot niya, milya ang layo sa tanong ko.

"May attitude ka, 'no?" pagtataray ko habang minamata rin siya. "Anak ako ni Quirine. Ang sabi ni Johnny, siya raw ang kumokontrol sa mga shifter dito sa Helderiet Woods."

"Siya lang at wala nang iba."

Tropa yata 'to nina Mrs. Serena. Nakakabanas kausapin.

"Anong kayamanan ba 'to? Baka maibigay ko," taas-kilay kong tanong sa kanya. "Ginto? Jewelry box? May pamana ba dapat si Mama sa 'kin na hindi ko alam?"

"May dugo ka ng isa sa mga salamangkero, hindi ba? Maliban sa amoy ng dugo ng Bantay, naaamoy ko rin sa iyo ang dugo ng salamangkerong iyon."

At sino na namang salamangkero ang sinasabi nito e kung hindi tao si Mama, malamang na tao si Papa. Kahit si Papa man lang ang maging tao sa kanilang dalawa.

"Anak ako ni Fabian Revamonte."

"Hindi ko kilala si Fabian Revamonte, ngunit may amoy ka ng isa sa mga salamangkero ng Ikawalong Anak."

Ilang label pa ba ang sasabihin nila para sa mga magulang ko, ha? Baka bukas, malaman-laman ko, anak pala ako ng mga alien.

Bigla niyang itinuro ang direksiyon ng third floor habang sinisimangutan ko siya.

"Doon sa itaas ng malaking bahay, sa likod ng harang, naroon ang kayamanang kailangan namin."

"Harang? Paanong harang?"

"Gumawa ng harang ang salamangkero upang hindi makapasok ang kahit sinong magtatangkang kunin ang kayamanan ng Ada."

"Uh? Huh? Saglit, ha." Huminga ako nang malalim at in-analyze ang sinasabi niya. "So, itong salamangkero ay ang papa ko, tama?"

"Sa tingin ko."

"Sa tingin mo? Okay, sabi mo e." Nagkibit-balikat na lang ako. "Then, itong harang, hindi makakapasok doon ang kahit na sino o ano."

"Ganoon nga."

"Kaya kinakalampag n'yo yung third floor every night. In case makuha niya 'yon, sinusubukan n'yo gabi-gabi."

"Kung maaari."

"Anong itsura n'ong kayamanan ng Ada?"

"Walang may alam ng wangis n'on."

OMG.

"So, naghahanap kayo ng hindi n'yo alam?! Oh my goodness gracious, ano 'yon?!" Napasapo agad ako sa noo dahil sa sinabi niya.

Nangangalampag sila every night para sa isang bagay na hindi pa nila nakikita? Mga wala ba silang utak?

"Sorry ha, pero paano n'yo malalaman na 'yon ang kayamanan kung never n'yo pang nakita 'yon ever!"

Nakaka-stress naman 'tong araw na 'to. Akala ko, tapos na ang stress ko sa pa-black smoke ni Mr. Phillips.

"Sinabi lang sa amin ng Ada na laman ng lugar na iyon ang kayamanang babawi ng lugar na ito mula sa mga bampira para ibalik sa amin."

"Pero walang laman yung kuwarto ko na kahit ano."

"Ngunit iyon ang salita ng Bantay. Laman ng likod ng harang ang magbabalik sa buong kakahuyang ito sa kamay ng Bantay ng Gubat. Nasa kayamanan ang marka ng salamangkerong gumawa ng harang para hindi iyon makuha ng mga bampira."

Akma na sana akong may sasabihin pero naningkit lang ang mga mata ko.

Marka? Walang ibang marka sa third floor e, maliban sa kamukha ng marka sa dibdib ko.

Itanong ko nga sa kanya kung yung kuwarto ko ang tinutukoy niya.

"Excuse me lang, ha. Kamukha ba nito yung markang sinasabi mo?" Saglit kong ibinaba ang neckline ng pullover ko para ipakita ang peklat kong gawa ni Papa. "Baka yung kuwarto ko ang sinasabi mong kayamanan."

Naniningkit ang mga mata niya nang lumapit sa akin. Titig na titig siya sa ibabaw ang dibdib ko habang pinapaling-paling ang ulo sa magkabilang gilid.

"Sino ang nagbigay sa iyo nitong marka?" tanong niya bago ako tingalain mula sa pagkakayuko niya.

"Sino pa, e di yung sinasabi mong salamangkero, duh?"

"Nakakapasok ka sa likod ng harang?"

"Yung sinasabi mong harang, ako lang saka yung boss kong bampira ang nakakapasok. Wala nang iba."

Tumayo na siya nang diretso at pinaningkitan ako ng mata. "Ikaw at ang bampirang iyon?"

"Ano na naman? Kung makapangmata ka, parang ang laki ng atraso ko sa 'yo a."

"Ibig sabihin, siya ang ginoong binigyan ng marka ng salamangkero para bantayan ang kayamanan ng Ada." Nagtaas siya ng kanang hintuturo at saka tumango-tango. "Napakagaling."

Naglakad siya paatras habang tumatango. Nalito tuloy ako.

"Hoy, saan ka pupunta? Tapos na ba tayong mag-usap? Tinatanong pa kita, di ba?"

"Panahon na para bawiin ang gubat mula sa pamilyang iyon!" sigaw niya at pagtalon niya, biglang naging ibon ang ulo niya saka binalot ang katawan niya ng balahibong itim. Pumaling siya pakaliwa at lumipad pa lalo nang mas mataas.

Wow naman. Minsan na nga lang makakausap ng shifter na nakakapagsalita ng gaya sa tao, ang gulo pa kausapin.

"Buti di ka gan'on, 'no?" sabi ko pa sa malaking asong hindi umalis sa tabi ko at nakaupo lang doon na para bang nagbabantay sa K9 mode niya.

Pero at least aware na ako na may pakay pala talaga sila sa kuwarto ko kaya kinakalampag yung black door.

May kayamanan daw roon si Mama.

Shocks, di kaya mayaman pala talaga ako pero di lang ako aware? OMG, baka puwede kong kalkalin yung kuwarto ko sa taas, baka puwede na kaming mangibang-bahay ni Mr. Phillips!

Ayoko nang palayasin dito sa Cabin nang paulit-ulit!

Continue Reading

You'll Also Like

38.6K 2.2K 35
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man.
6.5K 503 67
Suddenly, the heart wants trouble.
1.2M 22.8K 55
[COMPLETED - Taglish] Kim Everton, a girl who is on a mission to ruin her best friend's wedding. Join Kim on her journey on how she ruined her best f...
260K 6.6K 35
Zanelli Terrington has a few more months to live. Just like her past lives, nothing changes as she is still the 2nd princess of the Kingdom of Hawysi...