Chasing the Void (Magnates Se...

By ahiddenhaven

1.6M 67.3K 37.4K

(Magnates Series #3) Azriella Dominique Laurel lost her family to a tragic explosion in a cruise ship. It tur... More

Chasing the Void
Panimula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Wakas
His POV
Author's Note

Kabanata 13

28.7K 1.2K 504
By ahiddenhaven

Kabanata 13

It was difficult to see those girls being flatly rejected. Some probably have different motives but others have genuine feelings towards him. But none of them got successful.

Habang patagal ng patagal ay hindi ko na rin nakakayanan ang presensya niya. I don't like how insensitive he is, though he's being honest, he's gone overboard with his sharp and cruel words. And that emotionless and unfazed expression of him makes it even worse.

"Riyel!" nakasalubong ko si Donna pagkapunta ko sa may locker namin para kuhanin ang gamit.

I smiled. "Donna,"

"Kamusta? Ang tagal na nating hindi nagkikita simula nang lumipat ka na do'n."

I smiled bitterly.

"Kaya nga, e. Doon kasi ako madalas kailangan para linisin 'yong opisina ng CEO."

Bago ko pa madagdagan ay hinila na niya ako sa may medyo hindi matao na lugar. Kita ko ang paglaki ng ngisi niya kaya alam ko na kung saan pupunta ang usapan na ito.

"Kamusta? Nakita ko kayong sabay na pabalik sa may building." pag-uusisa niya.

"Nagjogging,"

She squealed. "Hala! May pag-jogging na! Kayo ba?"

"Grabe naman," natawa ako. "Nagjogging lang, kami na?"

"Pero alam naman nating ilap sa tao si poging CEO at mukhang ikaw lang ang nakikita kong ayos lang sa kanya kahit malapit." pag-iintriga niya pa. "Ang akala ko nga may namamagitan na sa inyo, e. O kaya naman may gusto siya sa'yo."

I laughed ironically in a humurous way.

I can't even imagine that rock being interested im anyone aside from filtering everyone he wants gone. Kung magkaka-interes man siya, iyon ay ang alamin ang lahat lahat tungkol sa'yo at kapag mag ginawa kang labag sa kanya o sa kompanya, dispatsa ka kaagad.

"Ito 'yong mga palagi kong nababasa sa nobela, e." dagdag niya. "Isang boss at isang empleyado, nagka-inlove-an. Tapos sa opisina palagi kayong nagkikitang dalawa. Lalapitan ka niya at dadaragin sa may pader. Tapos biglang—ay iba na pala 'yon hehehe. Medyo bastos na pala."

"Ano ba 'yan, Donna." 

Natawa na lang ako at napailing sa mga imahinasyon niya.

Noong sumapit ang lunch ay nakasanayan ko na rin ang pagdadala sa opisina niya. At pati 'yong mga babae niya ay hindi pa rin tumitigil.

Gumising ako ng maaga para puntahan 'yong binili niyang lote. Doon naman siya palagi tuwing magja-jogging. Nakasara pa kasi 'yong opisina niya kaya naman dito muna ako dumayo.

"Good morning," pagbati ko sa kanya na mukhang nagsimula na magstretching.

He just glanced at me for a brief second before he continued what he's doing. 

"Prepared ako," sabi ko sabay iminuwestra sa kanya ang suot ko. Naka-shirt lang ako pero ngayon ay nakasuot na ako ng jogging pants. Ang hirap kasi sumabay nang nakamaong.

Nakagawian ko na rin na ganito at hindi ko maitatanggi na gusto ko mag-exercise. Medyo naging busy na kasi ako sa trabaho kaya wala ng oras, pero ngayon, nagkakaroon ako ng oras tutal iyon din naman ang ginagawa ng boss ko.

Nagsimula na rin ako magstretching. Alam kong tapos na siya kaya naman nagpatay malisya ako sa susunod niyang gagawin. He slowed down his stretchings, probably to pace with me. I smirked inwardly.

"Tara jogging?" nakangiting aya ko dahil mukhang hinihintay lang naman niya ako matapos.

So we started to jog. 

Minsan sinasadya kong bagalan para malaman kung ano ang gagawin niya. Akala ko, babagalan niya rin para sabayan ako, pero talaga namang wala siyang pakialam. Siguro kung bigla akong humandusay rito ay baka nagtuloy pa rin siya.

I chased after him. I tried matching his pace, but the rock suddenly jogged faster. Pero hindi nagtagal iyon dahil nakahabol naman ako agad. Sa tuwing binabagalan niya ay binabagalan ko rin kapag naman hahataw siya o parang mag-i-sprint ay bumibilis din ako.

I can feel myself getting tired but sweating feels good. Napatingin ako sa kanya kung pinagpapawisan siya. Minsan kasi talaga robot ang tingin ko sa kanya at iniisip ko kung may nilalabas ba siyang pawis para malaman ko kung tao ba talaga siya o hindi.

I noticed that he always glanced at my direction. Tapos doon niya tatantiyahin kung bibilisan o babagalan.

I frowned upon realizing what he's doing. I just felt like a lab rat being experimented on. Mukhang sa akin niya binabase kung kaya ko pa o hindi.

Dahil sa inis ay talagang binagalan ko na. He glanced again so I immediately hide my frown. Mabilis lang pero nagpatuloy pa rin siya na parang wala siyang kasama. 

Akala ko iiwan na niya talaga ako kaso nagulat ako nang magjogging siya pabalik sa'kin nang huminto ako.

"Bakit?" nagtatakang tanong ko. He jogged in place, analyzing me weirdly. Nang matanto ko kung bakit ay hindi ko na naitago ang pagsimangot ko. "Oo na, magku-cool down na."

I walked as a cool down. He seemed bothered if I abruptly stop just because I'm exhausted. He nodded and continued jogging. Nakabusangot akong naglakad, kinakalma ang paghinga ko.

I stopped and did some breathing exercise. Nakapikit ako habang pinapakiramdaman ang hangin. Nagliliwanag na ang paligid kaya mas natanaw ko na ang buong lugar. 

"Tapos ka na?" I asked because he's back. His lips is parted a little to breathe. But even his breathing sounds so silent. 

Siguro magugunaw ang mundo kapag narinig ko man 'tong sumigaw. 

He held his hydro flask and drank from it. Nakaramdam naman ako ng uhaw dahil hindi pala ako nakapagdala ng tubig ko. He licked his lower lip and covered the lid. 

"Seryoso?" tanong ko nang bigla niyang inabot sa akin ang hydro flask niya. 

He remained expressionless. "If you don't want then—"

Bago pa niya bawiin ay kinuha ko na mula sa kanya. I pursed my lips trying to suppress a smile. Mabait siya at hindi naman maarte. 

"Asa'n na 'yong pinaglalaban mong hygiene?"

He shrugged. "You look like you'll passed out due to dehydration."

"P'wede mo naman akong utusan bumalik sa building para kumuha sa may dispenser."

Hindi siya sumagot. Pasimple akong napangisi. Binuksan ko na ang lid para inuman.

Hindi ko alam kung bakit hindi ko naman binibigyang malisya 'tong mga ganitong bagay pagdating sa kanya. Parang wala lang. I closed the lid and gave him back his hydro flask.

Nagulat ako nang bigla niyang buksan ang hydro flask niya at walang pasabing uminom ulit do'n. Nang matapos siya ay ngumisi ako.

"Uy, indirect kiss." walanghiyang komento ko.

"You believe that?" 

"Hmm, why wouldn't I?" I replied. "Kissing is like sharing saliva. It's not that different." 

Nakita ko ang bahagyang pagngiwi ng mukha niya dahil sa komento ko. I can't help but chuckle. 

"Bakit? Hindi mo pa nasusubukan?" hindi ulit siya sumagot sa tanong ko kaya mas lalo akong napangisi. "How about those girls who goes to your office? Why don't you try it with them?"

"Why would I?"

"Wala lang," I shrugged. "For experience?"

Bahagyang sumimangot siya sa sinabi ko. Nagpatay malisya ako at muling humalakhak. Base sa reaskyon niya ay mukhang wala siyang balak gawin iyon sa buong buhay niya.

"Bakit? Ayaw mo?" tanong ko.

"Hygiene," 

I chuckled. "Figures."

We did cool down exercise. Doon na ako nagpalit ng damit para hindi na ako bumalik pa sa maintenance.  Akala ko mauuna na siya kaso nagulat ako nang makasalubong ko siya pagkalabas ko.

"Wow, ganito na level ng friendship natin?" pang-aasar ko.

And as usual, no response from him. Only a little narrowing of his eyes, or a small frown on his face made me satisfied. 

We head back to the building. Medyo sinadya kong hindi sumabay sa kanya lalo na't may mga iilang empleyado na at halos nakatingin sa gawi namin dahil medyo natagalan kami sa jogging. Pero nagulat ako nang napatigil din siya sa paglalakad at bumaling sa'kin.

"Mauna ka na," sabi ko bago luminga-linga sa paligid. Mukhang napansin niya at nahimigan kung bakit dumidistansya ako.

"We're heading towards the same direction," 

"Babalik muna ako sa may maintenance office." pagrarason ko.

"You're bothered being seen with me?"

He stated it more like a statement than a question. Napabuntong-hininga ako dahil mukhang iyon nga ang inisip niya kung bakit bigla akong naging ilap.

Kumunot ang noo ko. "Akala ko ayaw mo ng atensyon?"

"What's wrong with me being seen with an employee?"

"Baka magka-issue."

"So?"

"Para sa'yo walang epekto, pero para sa'kin malaki." I smiled politely. "Isipin mo rin kung anong iisipin ng iba."

"Why would you care for other people's baseless speculations?"

"Kasi hindi mo kontrolado ang takbo ng utak nila." I gazed at him seriously. "As for someone with a high position, a boss to be exact, it wouldn't be a much of a blow to yours. You could simply get away with it."

Hindi siya nagsalita pero nanatili lamang ang tingin niya sa akin.

Gano'n naman talaga, e. Mata ang unang pinapagana ng tao. Normal lang ang panghuhusga kahit walang batayan.

At sa sitwasyon namin ngayon, alam kong posibleng husgahan nila ako kapag nakita nila kami. Dahil babae ako. Dahil empleyado niya ako. Dahil hindi ako pantay sa estado niya.

Natauhan ako nang matantong medyo madrama na 'yong sinabi ko. Mas lalo ko lang pinatagal 'yong atensyon ng mga tao dahil sa mga pinagsasabi ko.

"Sus, sabihin mo lang na gusto mo 'kong kasabay. Hindi naman ako magrereklamo." pagbibiro ko. 

Napangisi ako nang tinalikuran na niya ako at dumiretso na sa paglalakad. Hindi nagtagal ay pumasok na rin ako sa loob ng building. I knocked first before I entered his office. But looks like he's still inside his room because there was no one around. 

Pinasok ko na 'yong mga kagamitan ko at nagsimula na sa palagi kong ginagawa. Minutes later, the door opened. Nakasuot na siya ng mas pormal na damit. I can smell his shower gel from here. And that clean and subtle scent of him.

"Papasok na ako para linisin 'yong kwarto mo," pagpapaalam ko. 

He just nodded as he continue gazing at the pile of papers. Pagkapasok ko ay inasahan ko nang wala talaga akong malilinis dito dahil napakalinis talaga ng loob. I just sweep a little and fixed some things. Siguro wala pang kalahating oras ay tapos na ako.

Nang sumapit ang tanghali ay kinuha ko na ang pagkain niya. I tried choosing more Filipino dishes since I think that was his preference now although he's not saying anything. Nilapag ko kaagad iyon sa glass table sa gilid katulad ng palagi kong ginagawa.

Nilabas ko na rin ang baon kong pagkain at nilapag sa may table. I cooked maja blanca since I think it's his favorite now. Minsan nagshe-share kami ng ulam at halos sabay na kami kumain na parang wala lang.

Sa kalagitnaan ng pagkain ay biglang bumukas ang pintuan. Nagulat ako nang biglang may pumasok na babae. Hindi ko naman inasahan dahil biglaan iyong pagpasok niya.

"Draisen!" base sa pananalita ng babae ay mukhang galit ito.

Agad na napatayo ako para bigyan sila ng espasyo lalo na't nang dire-diretsong maglakad ang babae patungo sa kanya.

"I'm eating," walang pakialam na sabi ni Draisen.

"I don't care! We have to talk!" 

Kinabahan naman ako at aakmang lalabas na dahil mukhang pribado ang pag-uusapan nila kaso naramdaman kong may humawak sa palapulsuhan ko kaya napatigil ako.

I was about to say something when he pulled me back to my seat. Kinabahan naman ako dahil baka kung anong isipin ng babae dahil sa ginawa niya.

"What the hell?!" rinig kong sabi ng babae. She glances at me with a disgusted expression on her face. "With an employee, seriously?!"

Nanuyo ang lalamunan ko. Gusto ko sanang magpaliwanag pero base sa reaskyon niya ay mukhang nabigyan na niya ng malisya ang nasaksihan. 

She scoffed. "And all I thought you have fucking high standards that's why you never interacted with any woman. But this? Seriously? You want some cheap whore? Masyado ka bang bored kaya sa empleyado ka naghanap ng pampalipas oras?"

I clenched my fist into a ball. I was mad, alright. But I still have to consider to not cross that line. Because that's how reality will always be, that fucking social hierarchy between status and power.

Funny how a person can judge quickly even without credibility. Na sa kung anong unang makita ng mata ay iyon agad ang paniniwalaan. Ni hindi man lang kailangan ng kahit anong eksplenasyon dahil sa sarili nila, iyon na agad ang nangyari.

"Leave," 

Umawang ang labi ko nang marinig ang malamig at malalim na boses ni Draisen. I mean, his voice always sounded cold, but this time, it felt terrifying. His expression was firm but for some reason, I saw anger in those dark eyes.

"What?" tanong ng babae. Mukhang nawala na 'yong galit at napalitan bigla ng pagkatakot.

"You heard me," 

"Seriously, Draisen." pinilit niyang sarkastikong matawa kaso kita ang kaba sa mukha niya. "What are y—"

"I have a fucking high standard, you're right." tumayo si Draisen pero nanatiling malamig. He looked dangerous with how he's acting right now. "I don't want to settle for someone who's been leeching for connections just because Velarde gave you a project once. Showing off how you were able to make my family entrusted you with something huge, even though partnership has not been formed."

Nakita ko ang pag-awang ng labi ng babae dahil sa sinabi niya. He remained unfazed yet his dark jet black eyes showed no mercy.

"I'm cutting my ties with your company." he brutally said.

"Y-You can't decide that—"

"Then see it for yourself,"

"H-Hindi mo magagawa 'yan! Malaki ang magiging kawalan niyo kapag ginawa mo 'yan! Your parents would never allow that since we've been working together for years!"

"Working under us," he clarified. "And we decide if this still continues or not."

Nakita ko ang pagkamutla ng babae na mukhang tinakasan na ng dugo. She looks as if she made a huge mistake and is now holding on the remnants of her pride just to save her face.

"You're deciding that just because of that whore?!" tinuro niya pa ako at kita ko kung paano namula ang mukha niya sa galit at pagkapahiya.

"I was eating and you disrespected me," sabi ni Draisen. "She's out of this."

Hindi ko alam kung nirason niya iyon o totoo 'yon. Upon looking with what happened, I seriously felt like he protected me. Like he was mad because I was verbally attacked. 

Pero imposible.

He's not that kind of person. He wouldn't do anything unless it's in his favor. And defending someone is surely part of that. 

Hindi nagtagal ay napahiyang umalis ang babae. I don't know what will happen but the tension left inside the office felt heavy. Tumuloy lang si Draisen sa pagkain na parang wala lang nangyari. I was still not over and I can't even continue eating.

"Eat," he casually ordered me.

"Busog na ako."

He didn't ask more. Mabilis kong niligpit ang pagkain at nang matapos siya ay niligpit ko na rin ang kanya. I was still lost in thoughts after what happened. 

Even if it was indirectly he still did it.

He still defended me.

Which I didn't expect since he's never that kind of person to begin with. 

Napatingin ako sa may palapulsuhan ko at dama ko pa rin 'yong init mula do'n. I cursed myself mentally. I didn't mind it and hurriedly went back to work.

Kinabukasan ay sinadya kong pumasok ng hindi masyadong maaga. I've kept my distance. Matapos ng nangyari kahapon ay hindi ko maiwasan mag-isip na parang may utang na loob ako sa kanya. And my guilt was consuming me on how I planned to ruin Navis.

This part had me thinking on why they were hiding the truth about what happened that night. The night where many people died including their employees. Although they held proper burial for the deaths, I still hated the fact that they hid it to the public.

They paid those people, obviously. Nakakagalit isipin na naidadaan lang lahat sa pera na parang wala lang 'yong nangyari. Nababayaran lang lahat para makaalis sa putik. 

I swept furiously with my thoughts. Hindi ako sumama sa jogging dahil alam kong hindi naman ako obligadong gawin 'yon. And now I'm in his office and he's inside his room, probably bathing. 

Matapos ko magwalis ay inayos ko na rin ang mga kagamitan na naroon. I organized the papers on the expensive looking table. Pinunasan ko na rin ito katulad ng madalas kong ginagawa.

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nasagi ko 'yong ibabang parang cabinet kaya bumukas ito at may nahulog na mga envelope at folder. The envelop opened a little, and some pictures and papers were scattered a bit.

Yumuko ako para sana pulitin at ibalik kaso kumalabog ang puso ko nang makita ang isang pamilyar na litrato ng yate.

And the picture looks old like it was taken years ago kaya medyo nagkulay brown na at may konting dumi pa. I was about to grab it but the door suddenly opened making me stand up.

"Ah, sorry. Nalaglag ko." ngumiti ako at pinilit kong maging natural kahit na ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko. "Aayusin ko lang."

Bago pa ako makayuko ulit ay lumapit na siya at siya na mismo ang pumulot ng mga papel doon. I gulped when I saw him held the envelope and put it back inside the cabinet. Nanatili akong kalmado na parang walang nangyari.

"Sige, lilinisin ko na ang kwarto mo."

Days passed and I can't stop thinking about that envelope and the content of it. Malakas ang kutob ko na tungkol iyon sa nangyaring pagsabog ilang taon na ang nakakaraan. I just have to confirm it.

Kaya halos madaling araw nang pumasok ako sa building. It was just 3 am and I was hoping he's not awake at this hour. Binuksan ko lang ng kaonti ang pinto para sumilip at nakita kong madilim at mukhang walang tao. 

Mabilis lang akong nakapasok sa opisina gamit ang spare key na madali ko lang nakuha. I made sure I didn't make any noise when I entered inside. Agad na dumiretso ako para gawin ang pakay ko. Bawat hakbang ko ay sumusulyap ako sa pintuan ng kwarto niya.

Nang makapunta ako sa may table ay agad na lumuhod ako sa may tapat ng cabinet na iyon. I was about to open it but I saw it was locked. 

Damn it.

Tumayo ako at aalis na sana dahil wala akong magagawa at hindi ko naman p'wedeng pwersahin iyon dahil paniguradong makakagawa ng ingay. I just have to locate for that cabinet's key first but I could do it some other day.

Naglakad ako ng tahimik patungo sa may pintuan kaso halos atikihin ako sa puso nang biglang bumukas ang pintuan. Pagkalingon ko ay ang itim at tila ba bangin na mata na iyon ang bumungad sa akin.

I fixed my composure and tried acting normally.

"Good morning," I greeted like usual with a smile.

Hindi siya sumagot na tulad ng dati pero nanatili lamang ang tingin niya sa'kin. I know it was dumb to hope that he won't think of something else as to why I'm here but I know it is indeed stupid.

Alas tres ng umaga, nakatayo ako sa gitna ng opisina niya. Walang dalang kahit na anong panlinis. Sinong tangang hindi maghihinala do'n?

Humakbang siya papalapit sa'kin at nanatili ang tingin niya sa mata ko. I was panicking inside, thinking of reasons for me to be here at this hour.

"Gigisingin sana kita para sa magjogging." pagdadahilan ko.

Hindi siya nagsalita. Humakbang siya hanggang sa isang dipa na lang ang layo namin sa isa't isa. His face was blank as ever so I have no idea what the hell is he thinking.

"Mas ayos na mapaaga para wala talagang maabutan na empleyado." tumawa pa ako ng bahagya. "Ayaw mo ng atensyon 'di ba?"

And again, no response.

Huminga ako ng malalim habang kagat kagat ang pang-ibabang labi ko. At this point, I know I have no excuse. But I still took my shot and God knows if this would be a better reason or not.

Tumingin ako sa kanya ng buong tapang. 

"May gusto ako sa'yo," 

Continue Reading

You'll Also Like

942K 24.6K 42
The past made him regret everything he did to her. And now, he's ready to choose her over everything. | BOOK #2 OF WHEN TRILOGY
1.2M 44.6K 92
[π™Άπš‡π™Ά] [π™Ώπšπ™Ύπ™΅πš‡πš‚πšƒπš„π™³π™΄π™½πšƒ] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...
3M 187K 61
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
4.2M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...