Prove Me Wrong

By aril_daine

3.9M 67.3K 9.5K

[NO SOFTCOPIES] Hindi ko alam kung paano makibagay. Ang pangyayaring iyon ang nag-udyok saakin na maging gani... More

Prove Me Wrong
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50

Chapter 31

61.7K 1K 228
By aril_daine

sorry sa update T^T


Chapter 31

 

 

Tinitignan ko ulit ang picture na nakita ko sa bahay. Masaya sila. Mukha silang isang masayang pamilya.

“Andrea” tinago ko yung picture nang pumasok si Zydn sa kwarto. “ano, dinalhan kita ng pamalit mo” inabot niya saakin ang puting T-shirt at saka skirt.

“sa kapatid ko” linaw niya kaya naman tumango nalang ako.

“sa labas lang ako” parehong scene, magkaibang bahay, magkaibang tao.

Bakit siya pa? Bakit hindi yung isa?

Lumabas ako ng kwarto matapos kong magbihis. Wala ang mga magulang ni Zydn at wala din ang sinasabi niyang kapatid. Maid lang ang nandito at wala ng iba.

“nasaan sila?” tanong ko sakanya habang hawak-hawak ang isang picture frame ng pamilya niya.

“U.S, dun silang lahat. Mas pinili ko lang talagang bumalik dito”

“dahil sa nangyari saakin?”

“oo dahil sa nangyari sayo”

“bakit? Hindi mo naman ako kilala. Hindi naman kita ganun kakilala” inilapag ko ulit ang frame kung saan ko siya kinuha.  Hindi niya ako sinagot, ngumiti lang siya at saka humiga sa sofa.

Mayaman sila, malaki ang bahay pero hindi halata kay Zydn. Mas pinipili niyang makibagay sa mga tao sa paligid niya.

“si Henessey, mahal mo pa?” naglakad ako hanggang makarating sa carpet at saka doon umupo.

“hindi ko alam. Siguro, ewan.”

Kumuha ako ng magazine at saka ko ito binuklat. Tinignan ko din muna ang direksyon kung nasaan si Zydn. Nakapikit siya at halatang pagod.

“bakit lagi kang nandyan para saluhin ako?” tanong ko sakanya habang binabasa ang mga nasa magazine.

“ewan siguro kasi gusto ko lang” inirapan ko nalang siya at nagpatuloy sa pagbabasa.

Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa tumunog ang cellphone niya.

“paano kung ayoko?” napatingin ako sakanya, nakaupo na siya ngayon at parang inaasar ang kausap niya sa kabilang linya.

“may kasama ako, okay lang ba?”

“hahaha hindi! Kaibigan ko lang” tumayo ako saka tumabi sakanya. Nagulat naman siya nang nilapit ko ang tenga ko sa cellphone niya.

“Andrea” suway niya

[Girlfriend mo ba yan?] lumayo ako at saka muling nagbasa.

“hindi nga kasi” tinignan ko si Zydn na ngayon ay namumula na. “kaibigan ko” paliwanag pa niya sa kausap niya. Hindi ko alam kung dapat ba akong matawa sa nagiging reaction niya ngayon.

“sabihin mo nalang girlfriend mo para matapos na”

“Andrea!” suway ulit niya saakin saka bumalik sa kausap niya sa kabilang linya “Hindi nga, ang kulit. Sige bukas nalang” inilapag niya ang cellphone sa coffee table.

“Akala ng pinsan ko girlfriend talaga kita” napakamot siya sa ulo at saka tumayo. “kain muna tayo” yaya niya saakin habang nakangiti.

Nakaupo pa din ako at tinititigan lamang ang nakalahad niyang kamay.

“halika” hinawakan niya ang kamay ko at saka ako hinila patayo at patakbong lumabas.

“Zydn!” bumalik nanaman siya sa pagiging makulit niya. Gusto ko man o hindi, gagawin niya. And that’s Zydn. I think. Or maybe I am thinking too much.

Huminto lang kami sa kakatakbo nang marating namin ang isang karinderya. Hindi ko akalain na ang isang mayamang tulad niya ay mas gusto pang kumain dito.

“Manang! Yung dati nga, dalawang order” nakangiti niyang sabi sa ale.

“aba, akala ko hindi ka na kakain ngayong araw. At may kasama ka pa ngayon. Girlfriend mo ba?”

“hahaha si manang naman umi-issue din! Kaibigan ko lang ito” inakbayan niya ako at saka kami umupo. Wala din masyadong tao ngayon dahil siguro gabi na.

“alam mo ba, masarap ang luto ni manang”

“ikaw naman hijo, nambola ka pa. osya sige hintayin niyo ang order niyo”

Maliit lang ang lugar at halatang hindi naman madami ang pumupunta dito para kumain.

“yang si manang parang nanay ko na yan. Pareho kasi ng lasa yung hinahain nila. Kaya parati ako dito. Saka isa pa may lahi yang si manang! Pwede ka nga mag-order ng ramen dito e! DIBA MANANG?” sigaw ni Zydn at sumagot naman si manang ng oo. Special order daw.

“bakit ayaw mong makita si Andie?” napakagat ako ng labi dahil sa bigla niyang tanong saakin.

Hindi naman sa ayaw kong makita si Andie. “Hindi naman ako pupunta sa bahay niya kung talagang ayaw ko siyang makita” sagot ko.

“bakit hindi mo siya tinawagan?”

“bakit hindi mo ako kinakausap nitong nakaraan?” tanong ko naman sakanya.

“busy kasi. Saka isa pa hwag mo ngang binabago yung topic”

“magaling ako sa pagpapalit ng topic, Zydn”

Dumating na si manang dala-dala ang order ni Zydn, ramen?

“yun! Namiss ko ang ramen mo manang!”

“alam mo namang sayo ko lang hinahanda yan”

Umupo din si manang sa harapan namin.

Kumain na din ako habang mainit pa. Katulad nga ng sabi ni Zydn, masarap nga ito.

“alam mo bang ako ang nag-aalaga kay Zydn noong bata pa siya?” napatingin ako kay manang na natutuwa pa habang nagkukwento.

“kaso nung umalis sila, hindi na ako pwedeng sumama. Kaya nagtayo nalang ako ng negosyo ko” sa hitsura nga ni manang halata naman ng matanda na siya. May mga puti siyang buhok at medyo kulubot na ang balat.

“ang lakas lakas talaga niyang kumain. Saka isa pa masaya ako na kasama ka niya ngayon, alam mo bang yung picture---“

“Yaya este manang! Kung anu-anong sinasabi mo. Pahingi pa akong ramen” inabot niya yung bowl niya at saka ako nginitian. “hwag mong pansinin si manang, mapagbiro talaga yun hahaha” awkward ang tawa niya pero nakakatuwa pa din siyang mataranta.

Nilabas ko ang panyo ko at saka ko pinunasan ang pawis niya. “hwag kang matataranta masyado, pinagpapawisan ka” pang-aasar ko.

“ha-ha-ha! Dahil yun sa Ramen. Tama sa ramen yun”

Tumayo ako at saka ko sinundan si manang. At least kahit ngayon nakakalimot ako dahil sakanya. At least nakangiti ako ngayon at hindi nahihirapan katulad kanina.

“Manang anong picture yung sinasabi mo kanina?”

“ah yun ba?” nakangiti lang si manang habang nagsasalin pa ng ramen sa bowl ni Zydn

“manang naman! Kung anu-anong sinasabi mo kay Andrea” nasa likuran ko na din si Zydn na bakas pa din sa mukha ang pagkataranta.

Hindi nasabi saakin kung anong picture iyon pero alam ko naman sa sarili ko ang sinasabi nila. Nasabi na saakin dati ni Celine iyon. Na lagi akong pinagmamasdan ng lalaking kasama ko ngayon. I ignored him dahil alam kong wala naman patutunguhan. Ang pagkakatanda ko pa, iba siya noon sa ngayon. O dahil ngayon ko lang siya nakilala.

“pupunta akong kasal bukas. Sama ka” kumuha ako ng librong nakadisplay para basahin.

“kasal nino?”

“pinsan ko. wala kang kasama dito kung maiiwan ka”

“okay”

“ahm, gamitin mo muna damit ng kapatid ko” ang totoo niyan nandito ako ngayon sa kwarto ng kapatid niya.

“hwag kang mag-alala pinagpaalam ko naman na sakanya at pumayag naman siya”

“okay”

Masyadong pambabae ang kwarto ng kapatid niya. feeling ko nga close silang magkapatid. Ng pamilya nila.

Naiinggit ako.

“hindi ko pa din maintindihan kung bakit ayaw mong pumunta sa lola mo”

Pumikit ako at saka ko sinara ang librong binabasa ko.

Sasagutin ko ba o mananahimik nalang?

“kung ayaw mong sabihin---“

“malupit ang lola ko. ang tingin niya saakin ay isang pagkakamali. Nasira ang buhay ni mama nung pinagbubuntis niya ako. Lumayas si mama, nasira ang buhay niya. at ako ang may kasalanan.” Ngumiti ako at saka humiga sa kama.

“isa akong malaking pagkakamali Zydn. Malaking pagkakamali. Ayon nga sakanya, isa akong bunga ng dalawang taong tanga. Sinubukan ko naman ang lahat para matanggap niya ako. Pero nasira ito nung mangyari iyon, hindi lang isang pagkakamali ang tingin niya saakin ngayon kundi isang maduming tao din. Isa pa, gusto niyang i-control ang buhay ko. gusto din niya akong ipakasal sa taong hindi ko naman kilala. Para mawala ang kahihiyang inabot niya ng dahil saakin.”

“Ayokong sumunod sa mga gusto niya, dahil alam ko kapag sinunod ko siya, magagaya lang ang—ang-“ hindi ko na naiutuloy ang sasabihin ko sakanya. Napaiyak nalang ako basta dahil ngayon ko lang nasabi ang mga ito sa isang tao.

“ssshhh” naramdaman ko ang kamay niya sa likuran ko “hindi mo naman kailangan sabihin lahat. Kung hindi mo kaya ayos lang naman. Hwag mong pilitin”

“No! Zydn no. “ napaupo ako dahil sa frustration. Kailangan kong sabihin ito.  “ayokong matulad ang anak ko sakin. Ayoko. Ayoko siyang matulad saakin dahil lang sa hindi ko siya matanggap.”

“Zydn” hindi ko alam kung bakit ko ba ito sinasabi sakanya. At hindi ko din alam kung bakit gusto kong sabihin ang kasunod pa.

“kailangan kong gumanti sa mga taong nanakit saakin Zydn. Bago ko siya matanggap ng lubusan”

Huminto muna ako at pinag-aralan ang kanyang naging reaksyon.

Hindi siya makapaniwala sa mga narinig niya saakin ngayon.

Huminga ako ng malalim at saka bumulong pa.  “lahat ng ito, ay ayon sa laro ko”

 ****

may WB kasi ako. ahm sorry sa UD. cote and comment. madmai akong reader sa PMW pero di sila pala comment XD

Continue Reading

You'll Also Like

207K 6.5K 36
Yuri Kim is an 18 year old girl who is an orphan and she left her relatives because they treat her as an eyesore. She has no where to go but she fou...
191K 5.5K 36
Minsan may mga bagay talaga na nasa iyo na mawawala pa. Kahit anong pilit nating pagaalaga kung hindi talaga para sa atin wag ng pilitin, masasaktan...
959K 22.8K 29
I have an unknown caller and singer for a month now. And I guess, it's about time to know who she is.
10.1M 132K 52
“You chose the hard life, I chose to love you.”  Ara Loraine “Rayne” Yen-Sia has everything. Luke JoPierre Zamora Cariño has her heart. And he c...