"Yeah.. I care about you kaya nagmadali akong pumunta dito. You know why? Simple lang. Dahil hindi ako katulad mo. Dahil ako, I don't look at people as mere toys....I know how to care for others.... Kahit sa isang katulad mo. For a shit bastard like you..... I have a conscience you know, which I'm not sure you know of, Kaya kahit na naiinis ako sa'yo. Kahit na napakasama ng ugali mo. At higit sa lahat kahit na pinaglalaruan mo lang ako.... ay nagawa ko pa ring mag-aalala sa'yo... Pero huwag ka naman sanang sosobra Nathaniel..... Because I do have limitations... Higit sa lahat nasasaktan din naman ako... I'm not a toy.... I'm still human after all.... I just hope.... I just hope you realize that...."
Napabalikawas na lang ako ng bangon sa kama ko. Hinawakan ko ang pisngi ko. The one she slapped. Pakiramdam ko nakadikit pa rin ang kamay niya dun. At masakit ang sampal niya ah. Second time ko pang masampal, at siya pa talaga ang gumawa. Take note siya din ang una. Bakit ba lahat ng first time ko ay siya? I wonder kung ano naman ang susunod nito.
Tssk. Pero hindi naman talaga iyong sampal niya ang dahilan kung bakit ako nabobother ng ganito. Dahil mas masakit pa yata sa sampal niya iyong mga sinabi niya. Nagflash na nga sa utak ko lahat ng mga sinabi niya. Damn, it was bulls eye. Daig ko pa ang dart board na tinadtad na ng darts.
And her reaction. It was fierce.
Hindi ako masyadong nakatulog kakaisip ng nangyari kagabi. I didn't expect it to be like that. Well, I know she would be mad but not like that. She really is mad. Seriously mad.
Galit na galit siya dahil sinira ko ang date niya. Galit siya dahil sinayang ko ang oras niya. Na instead na kasama niya iyong lintik niyang boyfriend, she had to rush to me.
Huh. She can get mad all she want. I don't care. She dare to paly games with me, then it's all her fault. Bahala siya sa buhay niya.
It was almost twelve o'clock at wala na akong balak pumasok. Ano namang pupuntahan ko sa school? Malamang hindi na pupunta sa recreation room ang babaeng yun para maging utusan ko. She would used what happened last night para magkadahilan siya para hindi na bumalik. Fine. Eh di huwag na siyang pumunta. As if naman pipilitin ko siya. Hindi pa ako nasisiraan ng bait para isiksik ang sarili ko sa kanya.
Matutulog na sana ulit ako ng mag ring ang phone ko. It's Annika. Tsssk.
"What???"
"Ohhhhs. Mainit ulo natin ah."
"I'm gonna end the call."
"Oo na. Wait lang, masyado ka namang atat eh."
"Ano ba kasi kailangan mo?"
"Well, ipinapatanong lang naman ni Diana if...."
"Si Diana??? What about her?" Yeah. What does she want? She was mad at me right? Baka sasabihin na niya na tinatapos na niya ang usapan namin.
"Hindi mo kasi ako pinatapos eh...."
"Damn it Annika. Just spit it out okay...." Naiinis kong sabi. Napakadami niyang reklamo. Hindi na lang niya agad sabihin.
"She came to ask me kung papasok ka ba? Dahil kung hindi, she would attend to her classes..."
"What???"
"Sabi ko ipinapatanong ni Diana kung papasok ka ba? Ano? Papasok ka o hindi?"
"Papasok ako"
Pinutol ko na agad ang tawag. Tapos nagmadali na ako sa pagpunta sa school. Habang papaunta ako sa school ay iniisip ko kung totoo iyong sinabi ni Annika. Hinahanap ba talaga ako ng babaeng yun? Akala ko hindi na yun magpapakita eh.
Baka naman gusto lang niya itigil officially iyong kasunduan namin. Hayyyyy. Bahala na nga.
Pagdating sa school ay dumiretso na agad ako sa recreation room. Nagulat ako dahil pagpasok ko ay nandoon din ang mga kaibigan ko. They were all on the dining.
Tumingin ako sa paligid. And then nakita ko siya. She was talking with Dominic. And she's smiling?? What the... okay na siya. She doesn't look mad anymore.
"Wooh James. Akala ko nagbibiro lang si Annika ng sinabi niya papasok ka. Tanghali na kaya."
"At kailan naman ako nagsinungaling ha Albert?"
Napabuntunghininga na lang ako. Kahit kelan ang iingay nila. Tatabi sana ako kay Stephen kaya lang kakaiba ang tingin at ngiti niya. Kaya kay Albert na lang ako tumabi. At presto, magkaharap kaming dalawa. Nagtama ang mga mata namin, pero nagbawi agad siya ng tingin. Bumalik sa pakikipag-usap kay Dominic.
At si Dominic naman mukhang tuwang-tuwa. At nagpapacute pa talaga siya. Tssssk. He's trying to hit her. Ang lalaking to, wala talaga siyang palalagpasin eh no.
"Bakit ba kayo nandito? Wala ba kayong mga klase."
"Siyempre meron. Kaya lang tinatamad kami eh. Tsaka, hindi na ba kami pwede tumambay dito?" - si Albert.
"May sinabi ba akong hindi?"
"Grabe James ang sungit natin ngayon ah. Tapos iyang mga mata mo, parang naglalabas ng laser beam sa sobrang talim ah. Hahahahaha"
Tinitigan ko siya ng masama. Laser beam pala ah. Natahimik naman siya. Tinamaan ng laser beam. Tssssk. Itong dalawang to naman parang may sariling mundo. Tssk. Ang babaeng ito, nasira lang ang date kagabi may nahanap na agad na kapalit.
"Diana, kumusta nga pala ang birthday ng Papa mo?"
Napatingin ako kay Annika. Tapos kay Diana naman. Birthday ng Papa niya kagabi?
"Paano mo nalaman tungkol dun?"
"Sinabi sa akin ng mga friends mo. Yayayain sana kita lumabas kahapon eh pero wala ka na."
Tumango lang siya. Ako naman naguguluhan. Kung birthday ng papa niya, ano iyong narinig ko kahapon sa phone? Oh Shit..... Nagkamali ba ako ng dinig? Or much worst nagkamali ako ng akala?
"Okay lang naman Annika......." sabi niya tapos tinitigan ako..... "Masaya naman...." makahulugang sabi niya. Tapos ibinalik na ulit ang tingin kay Annika sabay ngiti.
What was that???? Did I just get hit by her own version of a laser beam????
"Bakit hindi mo naman sinabi na birthday ng papa mo, hindi tuloy kami nakapagbigay ng regalo."
Tsssk. At bakit mo naman bibigyan ng regalo ang papa niya Dominic? Close ba kayo?
"Pero kagabi ba kamo yun?Eh bakit parang nakita kita sa bar kagabi Diana. Akala ko nga pinuntahan mo si James eh."
"Ah yun ba Stephen... Ano kasi.... tapos tinitigan na naman niya ako. Emergency daw kasi, kaya pinapunta niya ako."
"Emergency? Ano namang emergency yun James? Bakit wala kang sinabi, magkasama lang kaya tayo kagabi?" - Dominic
Oh Shit. They're all staring at me now, except for her. Tssssk. Nang-uusig lahat ang tingin nila.
"Okay na naman... Hindi naman talaga siya gaanong emergency. Nag over react lang masyado ang kaibigan niyo."
Hindi naman ako makapaniwala sa sinabi niya. Pinagtatakpan ba niya ako? If she is, then she is impossible.
After ng halos isang oras ay umalis na silang lahat. Kami na lang dalawa ang naiwan. At kung napakaingay kanina, ngayon naman ay parang mabibingi na ako sa sobrang katahimikan.
Shit. Naiinis na talaga ako. This woman, she's killing me with her stares. I think were onto a cold war. She's giving me cold stares. Wala siyang imik. Kahit konti wala siyang sinasabi. Pero iyong mga tingin niya, napakaraming sinasabi. Everytime na matatama ang mga mata namin ay para niya akong sinasampal.
"Ahhhhhh. I can't take this anymore... Will you stop staring at me like that."
Hindi siya umimik. Tinaasan lang niya ako ng kilay. Cold pa rin ang tingin niya sa akin.
"Why are you even here in the first place? Akala ko ba galit ka sa akin? Then why don't you just leave? Hindi itong ganito. If your mad then why not tell me how mad you are.... Not like this... Nangongonsensiya ka ba ha?"
She gave me a sarcastic smile.
"Konsensiya? So you know of that word huh??? Fine, para sa ikakatahimik mo.... Nabubuwisit na talaga ako sa'yo... Ayoko kitang makita, ni marinig ang boses mo..."
"EH BAKIT KA PA NGA ANDITO????? WALA NAMANG PUMIPILIT SA'YO PARA ALAGAAN PA AKO."
"Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na huwag mo kong sisigawan.... Ganyan ba talaga kababa ang tingin mo sa'kin ha? Do you think gagamitin ko ang nangyari kagabi para lang hindi tuparin ang pangako ko? Hindi ko pa rin naman nakakalimutan na ako ang may kasalanan kaya nagkaganyan ang braso mo... Kaya nagtitiis ako. I just hope gumaling na agad iyang braso mo... Para hindi ko na kailangang pumunta dito..."
"Why didn't you tell me?"
"Tell you what?"
"Bakit hindi mo sinabi sa akin na birthday pala ng papa mo kagabi? Kung sinabi mo sana eh hindi sana nangyari iyong kagabi."
"Sinisisi mo ba ako sa nangyari kagabi?"
"Alangan namang kasalanan ko. If you had told me na birthday ng papa...."
"You pathetic BASTARD....
Nagulat ako sa pagsigaw niya.
"Now it's my fault? Huh... Ang galing mo din talaga ah. WHY WOULD I EVEN TELL YOU ABOUT IT????? ISN'T IT ENOUGH NA SINABI KONG IMPORTANTE YUN???? WHY DO YOU HAVE TO KNOW... THE FACT NA HINDI KA NGA NAKINIG SA UNA KONG SINABI... TINGIN MO MAGBABAGO YUN... HINDI.... HINDING.. HINDI... DAHIL KAHIT SINABI KO PA HINDI KA RIN NAMAN MANINIWALA... DAHIL WALA KA NAMANG PINANINIWALAAN KUNDI ANG SARILI MO... BU-------NU--BWISI----T KA... TA--- LA---- GA.
She burst into tears. Hindi ko naman alam ang gagawin ko. Oh shit...
"YOU.... YOU DON'T HAVE ANY IDEA KUNG ANONG GINAWA MO... DAHIL SA PAGIGING SELFISH MO.... DAHIL SA GINAWA MO HINDI AKO NAKARATING SA BIRTHDAY NG PAPA KO.... THAT WAS SUPPOSED TO BE THE FRIST TIME NA MAGKAKASAMA KAMI SA BIRTHDAY NIYA.... BUT YOU.... YOU RUINED EVERYTHING....... I H---ATTTE Y---OU- S--O MU---CHHHH.