Den's POV
3am nagising na ko, nagalarm talaga ako para maasikaso si Aly. Kahit naman masama yung loob ko sa kanya, di ko naman siya kayang pabayaan. Kaya naghilamos na ko and toothbrush tsaka ako bumaba. Kumuha ako ng basin, towel and alcohol, dun na ko sa cr kukuha ng hot water pamunas kay Ly. For sure mataas pa din lagnat niya, baka nga tumaas pa e.
After kong maayos yung mga gagamitin ko, pinuntahan ko na agad siya. Kumuha na rin ako ng pamalit niyang damit tapos umupo na ko sa kama para mapunasan siya. Naramdaman kong nagchi-chill siya kaya I checked her temperature, 41°. Shit! Sobrang taas ng lagnat niya. Kaya tinanggal ko agad yung damit niya para mapunasan ko at makapag palit na agad siya. Bawat dampi ko ng basang towel sa kanya, umuungol siya. Dun ko naalala na mahapdi pala yung balat niya pag may sakit siya.
"Mi--missy?" nagulat naman ako nung nagsalita siya
"Ly? Wake up, you need to drink your med"
"Mmm" nanginginig pa rin siya. Tulog pa ata to e. Kaya tinapik tapik ko siya
"Ly, baby."
"Mmm, Mi--missy, d--don't leave me, pl--please. Mmm" umiiyak siya habang sinasabi niya yun pero tulog pa din siya e.
"Hey, Aly! Wake up. You're dreaming." di pa din siya tumitigil sa pagiyak
"Missy! P--please!! I love you! Wag mo ko iwan, please!" niyakap ko na siya
"Shh, Ly. Di kita iiwan, I love you baby. Please, wake up." tumigil naman siya sa pagiyak but I can still feel her sobs. "Baby? Gising ka na please?" pero di pa rin siya gumigising, pano ba to?
Tinuloy ko nalang yung pagpupunas ko sa kanya tsaka ko siya pinalitan ng damit. Grabe, di man lang siya nagising. Di tuloy siya nakainom ng gamot. Tinabihan ko pa siya for extra source of heat. Around 5am nung medyo bumaba na yung lagnat niya, nagstop na rin siya sa pagchi-chill. Kaya niligpit ko na yung mga ginamit ko kanina, nilagay ko na din sa laundry yung pinagpalitan ni Ly. Tapos bumaba na ko para sana magluto ng breakfast ni Aly pero naunahan na ko ni Manang. Inaayos niya na yung tray ng food ni Ly.
"Gising ka na pala, galing ka ba sa kwarto niya?" tanong Manang sakin pero di niya man lang ako tiningnan
"Opo, pinunasan ko ho siya para mabawasan yung init niya" dinala ko na sa sink yung mga ginamit ko kanina
"Nagaway kayo hindi ba?" hindi ko alam kung galit o pagaalala yung tono ng boses niya kaya di ko alam kung pano ko sasagutin yung tanong niya "Rinig na rinig ang sigawan niyo kagabi. Ang akala ko nga e, pababayaan mo ang alaga ko kaya ako na ang magluto ng makakain niya"
"Kahit anong mangyari po, hindi ko pababayaan si Aly. Mahal ko po ang alaga niyo. Aaminin ko po, sobra akong nasaktan sa mga nangyari pero I just can't let her in that situation. Marami na siyang nagawa para sakin, maliit na bagay lang po ang pagaalaga ko sa kanya ngayon kumapara sa mga yun" mahabang paliwanag ko kay Manang. Totoo naman, walang wala tong ginagawa ko kumpara sa mga efforts niya.
" Mabuti kung ganun. Maraming salamat hija. Gusto mo bang ikaw na ang magpakain sa kya nitong lugaw?" nakangiting tanong niya
"Hindi na po siguro, hindi ko pa ata siya kayang harapin nang gising siya. Baka magaway lang ulit kami. Pakipainom nalang din ho sa kanya ng gamot niya, nasa bedside table po. Salamat po"
"Kumain ka na rin, namumutla ka na. Dahil sa puyat siguro, maupo ka na. Ipaghahanda kita." sumunod nalang ako, actually nahihilo na rin ako. Di din kasi ako nakatulog ng maayos.
"Pakisamahan nalang din po ng gamot. Medyo sumasakit na po kasi yung ulo ko e." sabi ko habang minamasahe ko yung ulo ko
Pagkaabot ni Manang ng lugaw ko, kinain ko na agad para makainom ng gamot. Naabutan pa nga ako ni Tatay Jerry kaya pinaakyat niya na ko sa kwarto ni Ly para makapag-pahinga. Binilin ko nalang sa kanila si Aly na wag pabayaan.
Aly's POV
Kahit masama yung pakiramdam ko, ang ganda pa rin ng gising ko. Yung panaginip ko kasi, inaalagaan daw ako ni Missy. Tapos tinabihan niya pa ko kaya nayakap ko siya. Parang totoo nga e, kasi feeling ko naamoy ko pa yung pabango niya. How I wish it was true, but because of what happened between the two of us, mukhang malayo sa katotohanan. Masyado ko siyang nasaktan sa mga sinabi ko.
Kasama ko si Manang ngayon dito sa kwarto, hinatiran niya ako ng lugaw tsaka gamot. Siya rin siguro yung nagpalit ng damit ko. Grabe, nakakahiya. Ang tanda ko na para alagaan ng ganito ni Manang Cupcake.
"Manang Cupcake, thank you po pala sa pagaalaga sakin. Napuyat pa ho ata kayo."
"Maayos na ba ang pakiramdam mo, Aly?" tanong sakin ni Manang sabay hawak sa noo ko
"Okay na po ako. Konting pahinga nalang po, mawawala na din to. Kamusta na nga po pala si Missy? Tulog pa po ba?" siguro tulog pa yun. Try ko kayang puntahan ngayon?
"Maayos naman ang lagay niya. Napuyat nga sa kakabantay sayo e." ngiting sabi ni Manang "Masakit lang daw ang ulo, yun ang sabi niya sakin bago ko dalhin ang pagkain mo" sabi niya habang nagaayos ng pinagkainan ko
"Po?" takang tanong ko. Gising na si Missy? Ang aga pa kaya, tsaka napuyat daw sa kakaalaga sakin? Does that mean, hindi panaginip yung kagabi? Napangiti tuloy ako ng wala sa oras
"Para kang tanga jan Aly! Magtigil ka nga! Para mo akong papatayin sa ngisi mo e. Si Dennise ang nagalaga sayo magdamag at hindi ako." sabay pitik sa noo ko. Walang awa sa may sakit! Mahapdi kaya! Tss
"Manang naman e! Mahapdi kaya. Pero bakit po hindi siya yung nagdala ng pagkain ko?"
"Hindi ka pa raw kayang harapin nang gising ka. Baka magaway lang daw ulit kayo. Hay nakung bata ka! Ano bang ginawa mo dun? Magang-maga ang mata at mukhang umiyak." yan na nga ba sinasabi ko e. Tanga naman kasi
"Hay. Wag niyo na hong isipin yun, ako na pong bahalang kumausap sa kanya mamaya. Nasa baba pa ho ba siya?" kumunot naman yung noo ni Manang sa sinabi ko
"Wag isipin? Loko-loko kang bata ka! Naaawa ako kay Dennise, Aly. Halata sa mga mata niyang nasaktan siya. Siguraduhin mong aayusin mo ito bago kayo bumalik ng Manila, kung hindi ay isusumbong kita sa Lolo mo."
"Manang Cupcake! Wag naman, malalagot ako niyan kay Chief eh. Ako na pong bahala. Promise!" tinaas ko pa yung kanang kamay ko habang nakangiti.
"Hay naku kayong mga kabataan! Basta hija, magtatanong kasi muna bago magisip ng kung ano-ano ha? Wag kang padalos-dalos sa mga desisyon mo nang hindi kayo magkasakitan." tumayo na si Manang para dalhin yung pinagkainan ko sa baba
"Yes Manang! Thank you po. Pakibantayan nalang din po si Missy, baka po nahawa na sakin." nginitian lang ako ni Manang tapos umalis na siya
Humiga nalang ulit ako para makapag-isip ng pwede kong gawin para makabawi ako kay Missy. Pareho kaming may kasalanan sa nangyari pero alam kong sumobra yung naging reaction ko. Di dapat talaga ako nagpapadalos-dalos e. Hay! Ano kayang pwede kong gawin?
"Anong so? Lapitan mo na! Kausapin mo! Let your heart speak. Tell her everything. Na mahal mo na siya and you can't take the fact that you're losing her dahil sa kagagahan mo!"
Tama! Yan yung sinabi sakin ni ate Gretch nung hindi ko alam kung paano ako magtatapat kay Missy! Kakausapin ko siya, same way I did when I proposed to her, walang halong kaartehan.
It's already 7am nung napagdesisyunan kong lumabas to check on Missy. Dumiretso na ko sa room ko, dun ko siya nakitang natutulog. Namamaga pa rin yung mata niya. Lumapit na ko sa kanya at umupo sa sahig. I cupped her face and gently stoke her hair. Kasalanan ko kung bakit ganito, masyado lang talaga akong natakot na mawala siya sakin.
"Ly?" nagulat ako nung nagsalita siya habang dahan-dahan niyang dinidilat yung mata niya
"Missy" sabi ko tapos mas lumapit pa ako sa pwesto niya. I held her hand and "Im sorry about last night. Tama ka, masyado na akong kinakain ng insecurities ko. Thinking that you already found real happiness with someone else, with a man. That you'll leave me eventually because I can't give you a normal relationship that you wanted, a normal life. I'm really sorry, Missy." umiiyak na ko habang sinasabi ko yun, pero pinipilit ko pa ring magsalita "Sorry if I judged you and Myco. I just can't accept the fact that there's this someone that can make you smile and laugh the way I do. Please Missy, I'm really, really sorry. Please forgive me, and I promise to be better. Please, don't get tired of my mood swings." without saying anything, she hugged me. Hindi ko alam kung napatawad niya na ako o naawa lang siya sakin kasi iyak ako ng iyak.
"Mi--missy?" tawag ko sa kanya, pinipigilan ko naman yung iyak ko pero di ko kaya
"Sshh. It's okay now, naiintindihan ko naman kung bakit ka nagagalit. I was wrong, I should've told you na aalis ako and I'm sorry, sorry about that. Sorry rin kung napagtaasan kita ng boses last night, masyado lang akong nasaktan." kumalas na ko sa yakap and showed her my pinky finger. "What was that for?" takang tanong niya
"Let's make a promise to each other. Okay lang?" she just nodded her head "Okay, I'll go first" ehem "I pro--" she cut me off
"Wait up, are you okay?" then she touched my forehead
"I'm perfectly fine now, thanks to you! Ikaw po? Manang Cupcake told me na ikaw daw po nagalaga sakin last night. Napuyat ka pa tuloy and your head aches daw po." then I pouted my lips
"Okay na. Nahilo lang ako, sa puyat siguro. Pero nakainom na naman ako ng medicine."
"That's good. So, uhm? Bati na tayo?" I flashed my killer smile
"Stop smiling! Oo na, bati na tayo. Oh magpromise ka na! Promise me na hindi ka na magpapaulan para di ka nagkakasakit. Hahaha" good thing she's laughing now, nagpout naman ako
"I'll think about it. You'll take good care of me naman diba?" nagpacute pa ko sa kanya "Aray! Joke lang po! Bitaw na!" piningot niya kasi yung tenga ko
"Pasaway ka kasi! Seryoso na po" she told me with a serious face
"Okay, from this day forward, I promise to love you, trust you, and ask you first before making decisions. I promise po na hindi na ko magpapadalos-dalos and not to get affected with my insecurities. AND! Hindi na po ako magpapaulan! Hahahaha" pinalo niya naman ako "Aw! Okay, just like what I kept on telling you, I promise to take care of you and to stay by your side at all times. I love you Missy and I promise to love you, longer than forever" I kissed her head after that
"Aaaaw. Hehe, okay my turn now. Hmm, I don't know what to say! Hahaha" kita mo to, seryoso daw tapos siya naman tong tawa ng tawa
"Hahaha. Okay na, nakakunot na agad yung noo mo! Haha" tapos inayos niya yung kilay ko "Uhm, I wanted you to know that from now on, I promise to be honest, to tell you everything especially if it has something to do with you. I promise to ask for your opinion first, before making any decision that might affect our relationship" nanlaki naman yung mata ko "I mean what we have now, kala mo naman tayo na? Hahaha joke! Okay, seryoso na ulit. Uhm, I promise to trust you and take care of you lalo na pag nagkakasakit ka! Pasaway kasi! Hehe, and uhm, ano pa ba?" hinawakan niya naman yung chin niya as if shes thinking of something
"Promise me na hindi mo na ko kukurutin at papaluin, please? Hahaha" aambahan niya na sana ako ng palo pero pinigilan ko siya "Haha, oops! Please? Hahahaha!"
"Hahaha, kulit mo! Sige na, I can't promise you that--"
"Ang duga naman!!" I cut her off
"Haha. Di pa kasi tapos, I can't promise but I'll try to stop myself. Pasaway ka kasi kaya ganun! Haha. Okay, I promise din to stay beside you and love you forever and always" she then flashed her sweetest smile
"Okay, let's seal our promises with a kiss" nagpout naman ako pero pinitik niya lang yung lips ko. Brutal talaga
"Haha! Asa ka naman! Tumayo ka na jan, labas na tayo. 9am na oh?"
Psh! This lady never failed to make me smile. Kaya mas lalo akong naiinlove e. Haha
Tumayo na nga ako and helped her to get up, naligo na din siya kaya lumabas na rin ako para makaligo. I just told her na sabay kaming bumaba.
----------
Hi everyone! I haven't watched the LS vs NU game yet. Pero someone told me na natalo yung La Salle. :(
Sigh! Sobrang nakakapagod 'tong araw ko. After my physics class, had my thesis consultation and am still here, somewhere. Haha
Singing for someone's proposal. Wouldn't it be sweeter kung siya kakanta? Psh!
*Bitter*
Happy reading po! Thanks!
R. V. C. S. And keep smiling!!