Chapter 41

6K 250 2
                                    

H Y E R I    R O O S E V E L T

Dahan dahan kong inimulat ang mata ko. I got drained right after I sent those visions to Mehri. Iyon ang unang beses na ginamit ko ang telepathy na ability ko.

At hindi ko akalain na nakakaubos pala iyon ng stamina. Hindi ko man lang alam kung nakita ba iyon ni Mehri o hindi. Pero sana nakita niya iyon.

Bumangon na ako at iginala ang tingin sa paligid. Where am I? Siguro nasa Shaite ako ngayon. That's what Nithera told me before I passed out. Nithera...

I still can't believe Nithera did this. I heard her mumbling something when she held my nape, causing me to pass out. May napansin na ako sa kanya no'ng Lunar Festival pero isinawalang bahala ko iyon dahil kaibigan ko siya.

I sighed as I looked at the thick metal bars in front of me. They imprisoned me. I tried to use my flair but it was no avail. I guess this cell is an anti-flair cell.

"Oh, looks like the stupid princess is finally awake. How was your sleep, Your Highness?"

I could hear the thick sarcasm in someone's voice when she said the word 'your highness'. Iginala ko ang mata ko sa paligid pero wala akong nakitang tao.

"Eyes up here, princess."

Bigla nalang may tumalon mula sa taas at naglanding sa harapan ko. Agad kumulo ang dugo ko nang makilala ang babaeng nasa harapan ko ngayon. Kung wala lang siguro ako sa loob ng kulungan, baka pugot na ang ulo ng babaeng iyan.

That woman! I wanna rip that smirk off her face and cut off her head. That woman was the one who killed Nana. And the one who almost killed me. And I wanna kill her. I wanna let her pay for what she did to Nana.

"By the look of your face, you remembered me." Tumawa lang siya nang sinamaan ko siya ng tingin. Mas lalo tuloy akong nairita. Gusto ko siyang bigwasan.

"I clearly remembered you, bitch. Wait 'til I get out of here. I will surely kill you!"

"Kung makakalabas ka. Kaya lang, hindi eh. At hindi mo ako kaya." She said, mocking. "Diba muntik na kitang mapatay? Kaya lang, ang Hari ang papatay sa'yo at hindi ako kahit na gusto na kitang patayin."

Sinamaan ko lang siya ng tingin habang nagsasalita siya sa harapan ko. Her voice was so irritating! Gusto ko siyang busalan. Wala namang kabuluhan ang pinagsasabi niya.

"Stay alive, princess. The King wanted to see you."

Hindi ako nagsalita at sinamaan lang siya ng tingin. Tumawa lang siya habang umaalis. I swear, I will definitely kill that woman. Wala akong paki kung isa siyang Senior ng Shaitan o kung sino man siya.

Umupo ako sa sulok at tinititigan lang ang metal bars sa harapan ko. I need to get out of here. Hindi ako pwedeng magtagal dito. This place is cold and I can't use my flairs.

I closed my eyes and tried to reach Mehri's mind but it was no use. Nang subukan ko ulit ay napasigaw ako sa sakit. Parang binibiyak ang ulo ko sa sobrang sakit. Ano bang meron sa seldang ito? Bakit wala akong magamit sa mga kakayahan ko?

Sinubukan ko ulit na gamitin ang telepathy ko pero lagi nalang itong nauuwi sa pagsigaw ko dahil sa sakit. It felt like my head was being ripped in half and sprinkled a salt on the wound after.

The Mavens of Hexen AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon