Chapter 13

8.6K 391 49
                                    

"17... 18... 19... Don't stop!"

Sinamaan ko ng tingin ang walanghiyang si Frost habang nagpupush up ako.

Nandito kami ngayon sa training room. Umaga pa lang pero pawisan na ako dahil sa mga pinapagawa n'ya. Ikaw ba naman ang tumakbo ng 20 laps paikot sa open field,magjumping jacks for 10 minutes at magpush up ng 50 times tingnan natin kung hindi ka papawisan.

Isang linggo na akong pinapahirapan ni Frost. Ewan ko nga kung talagang parte 'to ng training o pinagtitripan lang ako ng kumag. Tama nga s'ya, pinagsisihan ko ang pagtakas ko noon. Simula kasi ng mangyari 'yon ay pinapahirapan na n'ya ako ng husto. Tinotoo n'ya ang sinabi n'yang hellish training dahil ramdam ko talagang parang nasa impyerno ako at syempre, sino pa ba ang demonyo? Edi walang iba kun'di s'ya! Frost Jackson is a demon! Wala s'yang awa!

Ang nakakainis pa, kapag tumitigil ako ay nagagalit s'ya. At ang favorite line n'ya?..

"Don't stop! Kasalanan mo 'yan! Kung hindi ka naman kasi sumuway sa'kin at lumandi, hindi ka maghihirap. Now, continue! Don't stop or else you will suffer more!"

Sinamaan ko s'ya ng tingin at pinagpatuloy ang pagpush up ko.

'Yan. 'Yan lang naman ang famous line n'ya. 'Di na 'ko magtataka na binanggit n'ya 'yon ngayon-ngayon lang. Kung hindi lang ako pagod ay baka kanina ko pa s'ya tinusta. Walanghiya s'ya! Mas malupit pa ang naranasan ko sa kanya kaysa sa pinagsamang pambubully nina Clara, the bratinella at Carla, the stupid brat of Fyrr.

Hindi na ako nagsalita at tinapos nalang ang pagpush up ko. Napahiga ako sa sahig nang marinig ko s'yang nagsabi ng fifty. Atlast! Tapos na!

"Stand up. You still need to do planks for 5 minutes!"

"Pinagtitripan mo na ako ha!"

Feel na feel kong pinagtitripan na n'ya ako. Ano ba kasing kinalaman ng plank sa training ko? At 5 minutes pa ah!

"Just do it or i'll make it 10."

I groaned. Bwesit na talaga s'ya! Ang sarap sarap n'yang sakalin!

"Fine!"

Nagplank na ako. Nangangawit na ako sa posisyon ko pero tiniis ko nalang para matapos na. Hell, i'm exhausted AND hungry! Mag-aalas onse na kaya at oo tumitingin ako sa oras. Ayoko ng maulit 'yong last time na nakalimutan namin 'yong oras.

Nagtraining kaming dalawa no'n hanggang alas dos ng tanghali nang walang kain. Ayun pagkarating ko sa bahay sobrang dami kong kinain. Parang akong batang palaboy na hindi nakakain ng ilang buwan. Gano'n ako kagutom. At ayaw ko ng maulit 'yon kaya simula no'n, lagi na akong tumitingin sa oras.

"Okay, times up! Let's eat lunch."

Halos magbunyi ang buong pagkatao ko nang marinig ang salitang lunch. Finally, makakakain na rin ako!

Agad akong nagpalit ng damit saka tumakbo palabas ng training room. Nilagpasan ko si Frost na naghintay sa'kin sa labas. Nagpatuloy ako sa pagtakbo patungong cafeteria. Gutom na ako!

Agad akong pumila at nag-order. Marami ang inorder ko dahil gutom na talaga ako. Nahsimula akong kumain, hindi na hinintay si Frost. Bahala s'ya sa buhay n'ya.

"You didn't wait for me!" Padabog n'yang nilagay sa lamesa ang order n'ya saka umupo katapat ko. Nilingon ko lang s'ya at nagpatuloy sa pagkain. He just tsked and started eating.

Wala kaming imik habang kumakain. Hindi ko na nga pinansin ang mga estudyanteng sumusulyap sa'min.

Medyo nasanay na rin ako na pagtitinginan ng mga estudyante simula ng maging Maven ako. Siguro nagtataka sila kung bakit ang dami kong inorder. Hindi naman kasi ganito karami ang inoorder ko noon. Pero bahala sila sa buhay nila basta ako, magpapabusog dito dahil isang panibagong hellish training na naman ang sasalubungin ko mamaya.

The Mavens of Hexen AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon