Chapter 23

7.7K 344 73
                                    

Napatulala ako sa narinig. Headmaster? Anong ginagawa niya dito? I had a bad feeling about this. I feel like... it's time. It's time for our mission.

Napabalik lang ako sa kasalukuyan nang may humawak sa balikat ko. Agad kong nilingon kung sino iyon. He just glanced at me before facing Lily.

"Let's go."

Sumabay ako sa kanya sa paglalakad. Napagitnaan nila ako. My hands grew cold when I saw the headmaster. He's with Vance and Lyndon now.

I really had a bad feeling about this. Natatakot na ako.

"Here you are."

"Good morning, Headmaster." Nagsiyukuan kaming tatlo bilang paggalang saka ako umupo katabi ni Vance. Inakbayan niya ako at hinawakan ang kamay ko.

He gasped. "Kinakabahan ka. Magrelax ka lang pretty girl." He whispered.

I breathe deeply and made myself calm. Right. I need to be calm. Ba't ba ako natatakot? Ang kilala kong Hyeri Rodriguez ay hindi matatakutin kaya dapat hindi ako matatakot.

Binitawan na ni Vance ang kamay ko nang mapansing nare-relax na ako, pero hindi niya inalis ang pagkakaakbay sa akin.

Itinuon ko ang atensyon ko kay Headmaster Albert na nagsasalita na sa harapan naming lahat.

"So, narito ako dahil may sasabihin ako sa inyo." Isa-isa niya kaming tinitignan. "And I'm sure that you already knew why i'm here."

Napayuko ako. I guess I'm right. Now is the time. Nagsitanguan na rin kasi ang mga kasama ko. They all seemed calm but I can sense that they're tense and somewhat scared... but determined.

"There's only less than a month left before the princess's 18th birthday. Nagsimula na ring kumilos ang mga Shaitans so we need to hurry. Kailangan n'yong mahanap ang prinsesa bago sumapit ang kaarawan n'ya dahil mas malalagay sa panganib ang buhay n'ya kapag sumapit ang kaarawan n'ya at hindi pa siya nahahanap."

"B-bakit po, Headmaster?" I can't help but to ask despite my stuttering voice.

Hindi ko kasi nabasa sa anumang libro ang tungkol doon. Gusto kong malaman.

"Shaitans can smell the scent of the princess' abilities. Isa iyan sa mga na-develop nilang skills noong nagtraydor si Damon na mas lalong nahasa ngayong si Devin na ang naghahari sa mga Shaitans. And when the princess turns eighteen, mas lalong lalabas ang iba pang natatago nyang kakayahan which the Shaitans can smell. Mapapahamak ang prinsesa."

Tumango ako. Mas lalong mapanganib nga kung hindi pa namin siya mahahanap.

"By the way. I'm giving each of you these," inangat niya ang hawak na parang digital watch. "Its a tracker watch. It can detect some of the  princess' abilities. Magbe-beep iyan kapag nasa malapit ang prinsesa o kapag ginamit ng prinsesa ang flair niya. It's also a communication watch, sakaling magkakalayo kayo."

Binigyan n'ya kami isa isa na agad naman naming tinanggap. It was just a simple watch. Parang screen nga lang ang naroon at walang hour and minute hands.

"Press the button on the right part of the watch to activate the tracker." Tinignan ako ng headmaster. "Pag magbe-beep iyan, meaning nasa malapit ang prinsesa. At kapag nagstop siya sa pagbeep at steady ang pag-iilaw ng green, meaning nahanap niyo na ang prinsesa. It's still a risk, though. The tracker wasn't tested dahil wala ang prinsesa. It may never beep so good luck on looking for Gabrielle."

Sabay sabay naming pinindot ang button na nasa right part ng relo. But what made me shocked was... The sudden beep of the watch i'm wearing.

"W-what's happening?.."

The Mavens of Hexen AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon