Chapter 01

20.6K 590 81
                                    

"I'm sorry Eri pero wala ng bakanteng posisyon eh. Sorry talaga."

I sighed and faked a smile.

"Okay lang. Sige alis na ako ah, salamat nalang."

Nanlumo akong umalis sa lugar na yun. Kanina pa ako naghahanap ng trabaho pero wala talagang tumatanggap sa 'kin. Kasalanan talaga 'to ng Carla na yun eh. Wengya!

Naghanap ulit ako ng mapapasukang trabaho pero wala na talagang tumatanggap sakin. Halata naman na nangangailangan sila ng worker pero ayaw parin nila akong tanggapin. Bwesit! Matutusta ko na talaga 'yang Carla na 'yan. Alam kong kagagawan niya 'to. Kung hindi dahil sa kanya hindi dapat ako nawalan ng trabaho.

Well, part of it was my fault. Pinatulan ko kasi ang amasonang iyon eh. Kaasar! Kung kahapon ay sinunog ko ang dulo ng buhok niya, ngayon kapag nakita ko siya, sisiguraduhin kong kalbo na talaga siya. Makikita niya.

Padabog akong naglakad pauwi. Gabi na kasi. Nalibot ko na ang buong Fyrr kakahanap ng trabaho pero walang tumatanggap sa'kin. Perks of fighting against the mayor's daughter. Bawal pa naman pumunta sa kabilang distrito para maghanap ng trabaho.

Binubuo ng isang Capital at apat na distrito ang Hexen. Nasa gitna ang Capital, kung saan nandoon ang palasyo at Hexen Academy. Napapalibutan ito ng apat na distrito. Wintan sa North, kung saan nakatira ang air-related flairies. Wazzar sa East, kung saan nakatira ang water-related flairies. Sa South naman matatagpuan ang Erda. Mga earth-related flairies ang nakatira dun, and last ang Fyrr na nasa West, which is where I live. Mga Fire flairies kami.

Mahigpit na ipinagbabawal ang pagpunta sa ibang distrito ayon sa hari. For what reason? I don't know and I don't care. One thing I know is i'm stuck in this damn district with nothing to eat.

"Nandito ka lang pala Miss Eri. Sakto hindi na kami maghahanap sa 'yo."

Dahil sa pagmomonologue ko di ko namalayang may humarang na pala sa 'king mga asungot. I just show them my poker face.

"Padaanin nyo 'ko," sinubukan kong lagpasan sila pero mukhang 'di ata sila nakakaintindi. Wala atang utak 'to eh.

"Whoops! Wag ka munang umuwi, Miss Eri. Magsasaya pa tayo."

I raised my eyebrow as a stared at the ogre talking. No offense but he really looked like an ogre. They all do.

"Look. I'm not a very patient person so if you want to live longer kindly move out of my way before I lose my patience," I said through gritted teeth. Urgh! They made me talk longer.

"Aba! Ang tapang nito ah! Akin siya mga pre. Hahaha!!" Tawa-tawa pa 'to. Bungi naman.

"Langya pre. Dadalhin pa natin 'yan kay boss. Hahaha."

"Pwede naman tayong mag-enjoy muna bago sya dalhin kay boss diba? Sayang rin eh, maganda pa naman."

I didn't bother answering their stupid and pervert remarks and just get my foldable sword out of my sling bag.

I gently unfold my sword while glaring at them. "Told you i'm not a patient person. Now that i'm pissed off, you'll pay."

"Whoa! Nakakatakot pre. Hahaha!"

"Oo nga pre, tatakbo na ba tayo? Hahaha!!"

Bago pa ako makarinig ng isa pang nakakairitang tawa ay sinugod ko na ang huling nagsalita. Pinilipit ko ang kamay niya na siyang ikinasigaw niya at hinampas sa lupa. Napadaing naman siya.

The Mavens of Hexen AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon