Chapter 19

8K 378 17
                                    

"Water break!"

Pagkasabi ni Frost no'n ay dumiretso akong tumakbo palabas ng training room.

"Rodriguez, where are you going?!"

Hindi ko pinansin ang sigaw ni  kumag at dumiretso lang sa pagtakbo sa daan patungong cafeteria. Wala akong paki sa sinabi n'yang water break dahil gutom na ako.

Hindi ko na pinansin ang mga tinginan at bulungan ng mga estudyante nang pumasok ako sa loob ng cafeteria. Hanggang ngayon kasi, against parin ang mga estudyante sa pagiging Maven ko. Kesyo hindi daw ako deserving na maging myembro dahil masama ugali ko. Eh kalabanin ko kaya sila para malaman nila kung gaano kasama ang ugali ko. Pasalamat sila wala akong time para sa paratang nila sa'kin.

Umorder lang ako ng usual order ko saka namili ng mauupuan. I chose the empty table near the glass wall.  Tahimik akong kumakain at panay ako subo. Gusto kong matapos akong kumain agad dahil plano kong pumuntang library.

Simula ng tumuntong ako sa HA, hindi pa ako nakapunta ng library. Mahilig naman akong magbasa pero medyo nababaguhan pa lang ako noon saka hindi naman nag-aaya si Nithera na maglalibrary kami tuwing break. Isa rin ang pagiging busy ko sa bratinellang si Clara kaya hindi na ako nakapuntang library, idagdag pa ang pagiging Maven ko ngayon kaya wala na talaga akong time.

At dahil gusto ko ng pumunta doon, pupunta ako ngayon. Wala akong pakialam kung pagagalitan na naman ako ni Kumag dahil tumakas ako sa training. Bahala s'ya do'n, tutal puro paghihirap lang naman ang dinanas ko sa kanya.

"Look who's here? The self proclaimed Maven."

Poker face kong nilingon ang nagsalita. Sino pa ba edi walang iba kundi si Clara, the bratinella, na bitter pa rin hanggang ngayon. Walang akong planong patulan s'ya dahil una, gutom ako at gusto kong walang istorbo sa pagkain ko. Pangalawa, may pupuntahan pa ako. At pangatlo, tumakas lang ako kaya kailangan kong magmadali para hindi nila ako maabutan dito.

"Ang kapal mong pumunta ng mag-isa dito at maghari harian. Feeling mo naman malakas ka kasi naging member ka ng Maven!"

Napangisi ako. Kailan pa ako naghari harian dito? Mahilig rin palang magpakalat ng fake news itong si Clara, the bratinella.

"Hindi ako feeling. Sadyang mas malakas lang talaga ako kaya ako ang pinili at hindi ikaw." Panunuya ko at pinagpatuloy ang pagkain.

Ayaw ko s'yang pansinin. Hindi naman kasi s'ya ang ipinunta ko dito sa cafeteria. Pumunta ako dito para kumain dahil nagugutom ako, hindi dahil gusto kong makipag-away sa immature na bratinellang nagngangalang Clara.

"Why, you bitch!"

Bago pa dumapo ang kamay n'ya sa katawan ko ay nasipa ko na s'ya kaya napaatras s'ya. Ayaw ko ng gulo dahil pagod ako pero sadyang nakakainis lang talaga 'tong bratinella na 'to. Laging naghahanap ng gulo.

"Lapitan mo pa ako, kakaladkarin talaga kita palabas." Banta ko. Susugod pa sana s'ya pero agad s'yang napigilan ni Niana na kadarating lang.

"Stop it, Clara." Hinila n'ya si Clara the bratinella palayo sa akin saka ako nilingon. "Sorry for this."

Tumango lang ako at pinanood silang naglakad paalis. Tinaasan ko pa ang kilay si Clara,the bratinella, na sobrang sama ng tingin sa akin. Kala naman n'ya na matatakot n'ya ako. Asa s'ya 'no!

Nagpatuloy nalang ako sa pagkain. Muntik na akong mawalan ng gana.

Pagkatapos kong kumain ay isinauli ko na ang tray saka dumiretso sa library. Namangha pa ako nang makapasok ako sa loob. The library's so big! Maayos na nakalagay ang mga libro sa nakahilerang matataas na bookshelves.

The Mavens of Hexen AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon