Chapter 24

7.5K 361 54
                                    

 V A N C E   I S H I K A W A

"Move people! We're going to Wintan!"

Sigaw ko sa mga kasama kong wala atang mga lakas. Bakit di nalang sila gumaya sa akin na gwapo na, macho at energetic pa! I also have a good stamina, oh diba? Swak na swak!

"Shut up, Vance!"

Tumawa ako ng irapan ako ni pretty girl. Kahit kailan talaga mainit ang ulo niya sa akin. Asus, if I know crush ako niyan kaya siya nagsusungit sa akin. Ang gwapo ko kasi. Kaya lang, taken na puso ko eh. Sorry.

Naglalakad na kami ngayon papuntang gate ng HA. May kotse na kasing niready ang Headmaster para sa amin do'n. Kapwa kami nakadala ng malalaking bag pero walang mga energy ang mga kasama ko.

Inakbayan ko si pretty girl at bahagyang nilaro ang hoodie na suot niya. Naka-blue hoodie jacket kasi siya, ripped jeans at sneakers. Naka-ponytail rin ang buhok niya. Ang ganda niyang tignan.

Ako naman, syempre pogi ako sa suot kong v-neck shirt na kulay purple, maong jeans at black rubber shoes. Siguro nga, kahit wala akong damit ang pogi ko parin. Maglalaway sa akin ang mga girls nito.

"Vance?" Nilingon ako ni pretty girl. Napangisi ako nang ngumiti siya ng matamis. Iyong tipong lalanggamin ka talaga. "Gusto mo bang mawala iyang braso mo, hmm?"

Agad napawi ang ngiti ko at binaba ang braso kong nakaakbay sa kanya. "Wag ka namang ganyan pretty girl! Ba't ang harsh mo sa'kin?!"

Inirapan niya lang ako saka naunang pumasok sa kotse. Do'n pa talaga siya dumiretso sa shotgun seat, inunahan ako.

Bumuntong-hininga naman ako sa pumasok na sa kotse. Do'n ako sa pinakadulo, katabi ang mga bag namin. Napasimangot ako. Ang saklap talaga ng walang partner eh. Wala kasing babaeng worth it para sa akin. Sobrang gwapo ko kasi.

Bumiyahe na kami. Si Frost ang nagdadrive at nakapikit naman si pretty girl na nakaupo sa shotgun. Gano'n rin sina Lyndon at Lily sa unahan ko, natutulog rin.

Napabuntong-hininga ako. Ipinikit ko nalang akong magagandang mga mata saka niyakap ang bag ko. Matutulog muna ako. Medyo malayo pa naman ang biyahe namin kasi nagkokotse kami. Ayaw kasi ni Frost na maglakad kami sa kagubatan. Napakaarte, hindi naman kagwapuhan.

Naalimpungatan ako nang may kumuha sa bag na inunan ko. "Wake up sleepy head. Nandito na tayo." Hinila ako ni pretty girl palabas ng kotse para makuha ng iba pang bag na nadaganan ko kanina.

Kinuha ko na rin ang akin saka tumabi kay pretty girl na nakatayo at nagmamasid sa malaking bahay sa harap namin.

Natalisod ako nang may biglang sumingit sa gitna namin ni pretty girl. "Aray naman. Pay respect naman sa mas pogi sa inyo!" Sinamaan ko ng tingin ang nakapoker face na si Frost.

"This is your house. Lead us the way."

"Opo. Halina po kayo kamahalan." Sarcastic kong saad.

Nauna ako sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa front door ng bahay namin. Bago ko pa buksan ang pinto ay agad na itong bumukas at sumalubong sa amin si Mommy.

"Welcome home anak!" Kinabig niya ako at niyakap saka hinalikan ang pisngi ko.

I groaned and wiped my cheek. "Mom naman!" Kadiri. Malaki na ako, tinatrato pa ring bata. Bumaling ako sa mga kasama ko. Tahimik lang sila sa likod ko. "Guys, pasok na kayo!"

The Mavens of Hexen AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon