Chapter 45

5.8K 244 15
                                    

S E BA S T I A N     J I M E N E Z

Ngumisi ako kina Lyndon nang umabot sa kanila ang nakalaban kong Shaitan. Nagsorry ako saka hinarap ang tatlo pang kalaban at pinagbabaril sila.

Tinarget ko ang mga viral parts nila para hindi na sila makakalaban pa. Fire bullet ang bala ng baril ko kaya napapaso ang katawan ng kalaban kapag natatamaan. Isa isa naman silang natumba habang bumabaril ako.

Napasapo ako sa braso ko nang maramdaman kong humapdi iyon. Tiningnan ko iyon at napabuntong hininga nang makitang daplis lang iyon.

Nilingon ko ang bumaril sa akin at napangiti nalang nang makitang bagsak na ito at wala ng malay.

"Salamat, Wil!" Sigaw ko. Si Wildred pala ang kumalaban do'n.

Tinanguan niya lang ako saka siya tumabi sa kambal niya at nagpatuloy sa pakikipaglaban. Itinuon ko naman ang atensyon ko sa paparating na kalaban.

Puro baril lang ako at minsan ay napapaaway kapag may nakalapit na kalaban. Napadaing ako nang may biglang sumaksak sa bandang likuran ko. Siniko ko iyon saka hinarap at pinagbabaril.

Napangiwi ako nang umagos ang dugo mula sa sugat ko. Huminga lang ako ng malalim at ininda ang sakit upang makipaglaban pa.

Ilang minuto ko ring ininda ang hapdi ng sugat ko habang nakipaglaban. Mabuti na lang ang parang puro Feebles lang ang nakalaban ko kaya hindi ako masyadong nahirapan.

Napatigil ako sa pagbaril nang maramdaman ang init mula sa isang linya ng malalaking apoy. Alam ko na agad na gawa iyon ni Eri. Pero nagulat ako nang sabihin ni Eri no.2 na may isang batalyon ng Shaitans sa likod ng naglalakihang apoy.

Inexplain sa'min ni Mehri ang dapat naming gawin sakaling mawala ang apoy. Niready ko naman ang twin guns ko habang napapangiwi parin. Sumasakit kasi ang sugat ko sa tuwing gagalaw ako.

Nakita ko ring ganoon rin si Lyndon. May nakapulupot na halaman sa tiyan niya na sa tingin ko ay gawa ni Lily. Napapansin ko ring namumutla na siya habang si Lily naman ay malalim ang paghinga at nalalapnos ang bandang leeg niya. Pareho silang maraming sugat sa katawan.

Nilingon ko ang kambal na Firanze na kasama na ngayon si Clara. Lahat sila ay pinapawisan na at may mga sugat sa katawan. Napahinga ako ng maluwag nang makitang wala silang malalalim na sugat. Parang mga gasgas lang ang natamo nila.

Nilingon ako ni Mildred. Nginitian ko siya nang mapansin ang nag-alala niyang tingin. Ngumiti naman siya pabalik bago siya humarap kina Eri no.2.

Ang mga Dean Lister's at Warriors ay kapwa may mga sugat rin pero kita sa mga mata nila ang pagiging determinado.

Nagready na ako nang biglang bumulusok ang tatlong nag-aapoy na pana, at nang naglanding na iyon ay sabay kaming lahat na tumakbo.

Patuloy ako sa pagbabaril at  pakikipaglaban. Ganoon rin ang ginawa ng mga kasamahan ko. Napansin ko ring nagpaulan ng nag-aapoy na pana si Eri na mas nagpapadali sa'min.

"Shit!" Napamura ako nang makita ang isang higante na kaharap nina Frost, Eri no.2 at Vance.

Ba't may higante sila? Ang hirap talunin niyan! Lalo na at may dala dala pa iyong isang malaking espada. Siguradong walang matitira sa katawan mo 'pag mahahagip ka ng espadang iyon.

Ibinaling ko muli sa mga Shaitans ang atensyon ko nang makitang kinalaban ng tatlo ang higante. Kaya na nila iyon!

Binaril ko ang papalapit na Shaitans. Itinigil ko ang pagbaril nang magkahalo na ang mga kalaban at mga kasamahan ko. Isinukbit ko sa bewang ang twin guns ko at nakipaghand to hand combat nalang ako sa mga nakakaharap kong kalaban.

The Mavens of Hexen AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon