Chapter 09

9.1K 378 34
                                    

"What the hell?!"

"Oh my god! Bakit niya sinuntok?!"

"Napaka attention seeker talaga ng babaeng 'yan!"

"Basagulera!"

"What is wrong with her?!"

"Ba't siya nanununtok?!"

I ignored the students side comments and just focus my gaze at the guy with a bleeding nose.

Despite with a bleeding nose, he smiled widely at me, grabbed my hands and locked me in a tight hug. I could hear the gasps of the students watching.

"I missed you too, Eri!" Sabi niya pagkabitiw ko sa yakapan namin. "Grabe, isang taon rin tayong hindi nagkita!"

"Sino bang nang-iwan sa'tin, ha?" Singhal ko. "Diba ikaw?!"

"To naman!" He pouted. "Alam mo naman ang rason kung bakit ako umalis diba?"

Yes, I know the reason but still, nang-iwan pa rin siya. Inirapan ko siya na ikinasimangot niya.

"Whatever, Idiot!"

Tumalikod na ako para umalis ng cafeteria at bumalik ng room. Malapit na kasing magbell. Sumunod sa'kin si Nithera na medyo tulala pa rin at naguguluhan dahil sa nasaksihan.

"Hintay, Eri!" Idiot shouted and followed us. "Hi Nithera!"

"U-uh hello Sebastian..." She awkwardly greeted back.

You read it right! Ang taong sinuntok ko ay walang iba kundi si Sebastian ng A-Listers. Siya 'yong sinabi kong nag-iisang kaibigan ko na iniwan ako isang taon na ang nakararaan. He was my only friend but he left me to study here in HA. Kaya familiar ako sa pangalan na Sebastian. Akala ko kapangalan niya lang pero siya pala talaga. Mataas pala ang ranggo ng ugok na 'to dito. Leader pa talaga ah.

"Wag mo kaming sundan, ugok!" I glared at him. "Hindi pa tayo bati."

Siniko ako ni Nithera kaya kinunutan ko siya ng kilay.

"Ano?!"

"Leader siya ng A-Listers, Hyeri." She whispered. "Respetuhin mo."

"Hindi kagalang galang ang ugok na 'to." I shot back, still glaring at Idiot.

"Grabe ka naman, Eri! Di mo ba ako na-miss?" He pouted. "Ayy, na-miss mo pala ako. Lakas ng suntok mo e."

"E-ehh?" Nagtatakang saad ni Nithera. Nginitian lang siya ng ugok na 'to.

"Gano'n kami magbatian, Nithera. sweet 'no." He smirked. "Kaya lang, galit pa ata 'tong si Eri sa'kin. Tinatawag niya akong Idiot. Hindi 'yan ang tawag niya sa'kin e."

"Bakit ka ba sumusunod sa'min ha?!" Singhal ko sa kanya.

Wala ba siyang magagawa at sinusundan niya kami?! Kabwesit talaga 'tong ugok na 'to. Di na nagbago.

"Grabe ka naman Eri." He pouted. Parang bata. "Magkaklase tayo! Nabigla nga ako ng nakita kitang pumasok. Hindi lang kita nilapitan kanina kasi late ka dumating. May klase na!"

My brows furrowed as I looked at Nithera, asking. "Totoo ba ang sinasabi ng ugok na 'to?"

"Oo, Hyeri. Winelcome nga siya ng section natin eh."

The Mavens of Hexen AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon