Chapter 42

5.9K 250 8
                                    

"Kumain ka."

Tahimik kong tinanggap ang food tray na binigay ni Niana. Hindi ko na alam ko ilang araw na akong nakukulong. Ayaw ko ring kainin ang binibigay nilang pagkain, kaya lang ay wala akong magagawa. I will starve to death if I don't eat, and I don't want to die yet. Tatakas pa ako.

Sinundan ko ng tingin si Niana na naglalakad paalis. May ibinilin pa siya sa mga gwardiyang nakabantay bago tuluyang lumabas.

I sighed and continued eating as I think of my plan. I already made a plan. Ang kailangan ko lang ay maghintay kung kailan nila ako ihaharap sa Shaitan King. Sa oras na iyon ko isasagawa ang plano ko. I just hope I will succeed.

Tulala lang ako matapos kong kumain. I wondered why Nithera stopped visiting me. Siya ang tagadala ng pagkain ko pero pinalitan siya ni Niana. Iyong bruhildang si Veronica naman ay hindi na rin bumalik. Mabuti rin iyon, hindi na ako mag-aksaya ng panahon para patulan ang pang-aasar niya.

I spent my time staring blankly at the metal bars before deciding to rest. Natulog ako ng ilang oras at nagising lang noong bigyan ulit ako ng pagkain ni Niana.

"When will I see your stupid King?"

I stilled when Niana looked at me with her cold stare.

"Respect the King."

I rolled my eyes. Respect kamo? Kahit mag-end of the world pa hindi niya makukuha ang respeto mula sa'kin. I will never call that ugly man a king. The only king I respect is my dad.

"Eat. The king will see you in near time."

Hindi na ako nakatanong ulit nang umalis na si Niana. In near time she said. Kailan iyang in near time na iyan?

Dapat ay matakot ako but I haven't feel the slightest fear in facing that self proclaimed king because that means I need to execute my plan. Finally. I just hope I can do this escape plan of mine.

Tahimik ko lang na kinain ang mga pagkaing nasa food tray saka ako pumunta sa gilid para sana magpahinga ulit.

"Oh, malakas ka parin pala."

Inangat ko ang tingin ko at sinalubong ang ngisi ni Veronica. Ano na naman kaya ang gusto ng babaeng 'to? Ngayon lang ulit siya bumalik dito sa selda ko eh.

"Hindi ako kagaya mo."

Nanatiling blangko ang expression ko habang kinalausap siya. At dahil pikunin naman ang bruhildang 'to, nakatanggap na naman ako ng sugat mula sa kanya.

Agad akong napadaing ng maramdaman ang hapdi mula sa braso kong unti-unting napapaso. Napahiyaw ako sa sakit nang pakiramdam ko ay parang tinutusok ang napapaso kong mga balat.

"Kung pwede lang na ako ang pumatay sa'yo, matagal ka ng patay." Tinigil na niya ang pagpaso sa'kin at tinignan ako gamit ang nanaliksik niyang mga mata. "Sa kasamaang palad, gusto ng Hari na siya mismo ang tatapos sa'yo. I would be grateful to watch you suffer. At nalalapit na ang araw na iyon."

Hindi ako nagsalita at sinundan lang siya ng tingin habang papalabas ng kulungan. Nang mawala na siya sa paningin ko ay saka ako muling humiyaw sa sakit.

Tangina!

Napadaing ako habang sinasapo ang nalalapnos kong balat. Ang hapdi! Pakiramdam ko ay binarbecue ako!

Pumikit ako at sinubukang gamitin ang healing ability ko. Tiniis ko ang sakit hanggang sa unti-unti kong naramdaman ang init na mula sa katawan ko. Ilamg minuto lang ang lumipas ay hindi ko na naramdaman ang hapdi ng balat ko.

The wounds were still there and still fresh, but my healing ability helped. Hindi na masakit ang mga sugat ko. My whole body was numb to the pain. Mas mabuti 'to kaysa mamilipit ako sa hapdi ng katawan ko.

The Mavens of Hexen AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon