Chapter 07

9.1K 425 50
                                    

Busy ang lahat sa bahay pagkababa ko pa lang ng hagdan. Seryoso sila sa ginagawa kaya hindi na nila napansing gising na ako.

Si Lily ang nagpapalit ng mga kurtina habang may hawak-hawak na chocolate sa kanang kamay. Si Lyndon naman ay nagva-vacuum at may hawak rin na chocolate. Habang si Vance, ayun busy sa pagsubo ng candy habang nakaupo sa high stool malapit sa counter. Papikit pikit pa siya habang nagha-hum ng kanta at tinatapik ang counter. Napairap tuloy ako pagkakita sa kanya. 'Tong lalaking 'to talaga, walang ambag.

I silently walk towards the kitchen and grab some cereals for breakfast. Hindi parin nila ako napapansin.

"May himala na ba?" Di ko napigilang magsalita. "Himala kasing naglinis kayo."

Sa isang linggo na magkasama kami, ngayon ko lang sila nakitang maglinis. It was always me who cleaned the whole house. Sa tingin ko nga pinapasok lang nila ako sa school na 'to para maging tagalinis at tagabantay ng mga kasama ko sa bahay eh. Malaking himala talaga na naglilinis sila ng hindi inuutusan.

"Ayaw kasi naming mapagalitan, Hyeri." Lyndon answered me, still vacuuming

"Oo nga, Hyeri. You know, he's coming back now and being the neat freak as he is, magagalit talaga 'yon pag magulo ang bahay. Scary pa naman siya kapag galit." Niyakap pa ni Lily ang sarili na parang takot talaga.

"Nakakatakot talaga. Mabuti nalang talaga hindi magulo ang room niya. Vacuum lang ang kailangan kaya madali akong natapos." Sabat ni Vance tumigil sa pagtapik ng counter.

Napataas tuloy ako ng kilay. Who are they talking about? Sinong sinasabi nilang babalik?

"Sinong babalik?" Tanong ko habang kumakain. Pero ang mga umag, hindi na ako sinagot. Napairap tuloy ako sa kawalan. Nice talking.

Niligpit ko ang pinagkainan ko matapos kong kumakain. Nagtooth brush na rin ako saka kinuha ang bag ko at ready ng lumabas ng bahay.

"I'll be going now. Tutal wala naman kayong kwenta kausap."

Nagsitanguan lang sila at pinagpatuloy ang ginagawa nila.
Nice talking talaga.

"Hindi pa ba kayo magre-ready? Malapit ng magbell, oh. Malelate kayo." Sabi ko sa kanila kahit hindi ko naman sila nakikita sa campus. Ewan ko nga kung pumapasok pa ba sila eh.

"No, Hyeri. We're not going to school today. We're going to fetch him kasi eh. Baka galit na 'yon. Scary pa naman siya. Tsaka baka madamay pa si Sebastian sa galit niya."

Here we go again with this mind game. I rolled my eyes. Kung wala silang sasabihin sa'kin eh 'di wag pilitin. Madali naman akong kausap, kahit hindi halata.

"Okay. I'll be going now. Bye!" I waved goodbye and headed to the campus.

"Gagi pre, totoo ba ang balita? Bumalik na daw siya."

"Oo pre, 'yon ang usapan ngayon eh."

"OMG! He's here na! He's back!

"Yes, he's back! Bumalik na ang boyfriend ko!"

"Gaga, wag kang assumera. Hindi mo siya boyfriend. Boyfriend ko siya!"

Napataas ang kilay ko sa naririnig na usapan. Kanina ko pa naririnig ang usapang iyan habang naglalakad ako dito sa campus. Everyone's talking about it. Even the boys. Sino ba kasi 'tong lalaking pinag-uusapan nila? At bakit wala pa si Nithera ngayong kailangan ko siya para may matanungan?

The Mavens of Hexen AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon