Chapter 10

9.2K 409 31
                                    

Isang matalim na tingin ang agad kong ipinukol kay Frost. Pababa na ako ng hagdan ng makita ko siyang komportableng nakaupo sa sofa habang may subo-subong lollipop sa bibig.

Tinaasan niya ako ng kilay nang makita niya akong masama ang tingin sa kanya.

"What?" He asked.

Inirapan ko siya at hindi pinansin. bago ako pumasok sa kusina para mag-almusal. I took two cup noodles in the cupboard for my breakfast.

Ayaw ko pang magluto dahil nabu-bwesit pa ako sa kanila. Ay mali! Sa lider lang pala nila. Bahala silang kumain ng puro ordered foods.

I brushed my teeth after eating and headed out. Wala akong planong manatili sa bahay kasama 'yong isang 'yon.

"Bad mood, Hyeri?" Nithera asked as I sat on my chair.

"You have no idea." I placed my bag on the table and leaned towards it.

Someone tapped my shoulder so I raised my head and scowled at Seji. Siya pala ang tumapik sa akin. Epal!

"Hi, Eri!" He beamed, not minding my glare. "Sayang hindi ako makakatabi sa'yo."

"Paki ko naman." I crossed my arm and sighed exasperatedly.

"Ang harsh mo ah! Pero hindi ko muna papansinin yun. Anyway, bawal daw kasing lumipat ng upuan kaya ipinabalik ako sa original seat ko." Tinapik niya ulit ang balikat ko kasabay ng pagring ng school bell, indicating the start of classes. "Mamaya nalang ah!"

Tumango lang ako at umayos ng upo, patiently waiting for our adviser.

My patience started to fade as another minute passed by. Kasi naman! Kalahating oras na pero wala pa rin ang guro namin. Hindi na siguro yun papasok. Boring na naman!

To entertain myself, I took my sketch book out of my bag and started sketching, or should I say doodling. I just let my hand go with the flow.

I was engrossed to sketching that even Nithera chose to stay silent the whole time. She was just reading a book and glancing at my drawing time to time.

"U-uhm...Hyeri, si Frost ba 'yang inisketch mo?"

Napatitig ako sa inisketch ko dahil sa sinabi ni Nithera. My eyes widened when I realized whose face I sketched.

What the fudge!

The sketch isn't finished yet. Kalahati pa lang ng mukha ang naguguhit ko kaso halata na kung kaninong mukha ang naguhit ko. Makikilala mo na kung sino.

Padabog kong binitawan ang lapis ko as I heaved a deep sigh.

Why did I even sketched his face?! Am I thinking of him?

Hindi naman ata! That guy is not worthy to think of, FYI! Tsk! Must be because he's the one who pisses me off since last night.

Padabog kong sinarado ang sketch book ko at isinauli sa bag ko saka ako dumukmo sa mesa. Mas mabuti pang itulog ko nalang 'to.

"Gisingin mo ako 'pag may papasok na guro ah." Utos ko kay Nithera. "Matutulog lang muna ako."

Tumango siya and by that I dozed off to sleep. Nagising ako sa mahinang pagyugyog sa balikat ko. Inangat ko ang ulo ko sabay kusot ng mga mata ko saka humikab.

"I'm sorry for waking you up, Hyeri." I heard Nithera's voice on my side while i'm yawning. "Recess time na kasi. Gutom na ako, tara na!"

She grabbed my arm and dragged me but I didn't budge. She asked at me curiously and dragged me again but I still didn't budge.

"Ayokong magrecess." I hit her hands, trying her to let go of me. "Wala akong gana."

The Mavens of Hexen AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon