SC 01

7.7K 287 37
                                    

M E H R I    R O O S E V E L T

Umayos ako ng upo habang pasulyap-sulyap sa katabi ko. Ayokong magsalita kahit kating-kati na ang dila kong makipagchika. Pa'no ba naman kasi, katabi ko sa upuan si Frost. Nakakatakot talaga siya kahit wala naman siyang ginagawa kundi tinitingnan lang ang mga sketch ni Ate sa sketch book nito. Ewan ko nga kung bakit close sila ni Ate e kung makatingin 'tong lalaking katabi ko, para kang papatayin. Sobrang scary!

"Do you need anything?"

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang bigla siyang nagsalita. Dahan-dahan akong lumingon sa kanya habang may matamis na ngiti sa labi. Gagi, nagtatanong lang siya pero feeling ko iniinterogate na ako. Why so scary, kuya?

"What's with that smile? You're creeping me out."

"Wala lang, hehe," mas lalo akong ngumiti ng matamis saka tumayo. "Alis muna ako ha." Saka ako kumaripas ng takbo palabas ng bahay.

Napahinga ako ng malalim nang makalabas na ako ng bahay. Ayoko talagang maiwan kasama si Frost kahit isang minuto lang. Para kasi siyang flair niya. Malamig. Sobrang cold. Ice man ata ang lalaking iyon e.

"Oh? Anong klaseng mukha 'yan, bunso?"

I smiled at Hyeri when I saw her walking towards me. May hawak siyang plastic bag sa kamay habang may subo-subong lollipop sa bibig. Lumapit ako sa kanya sabay kuha sa dala niyang plastic bag at kinalaykay iyon. I took a pack of jelly ace out and smiled at her again.

"Hindi mo talaga nakalimutang bilhan ako, 'no?" I smiled sweetly. "Anyway, ikaw na ang maiwan sa bahay kasama si Ice Man. Nakakilabot siyang kasama e."

"Frost?" Kumunot ang noo niya habang nanatili namang malaki ang ngiti ko. "Anong ginawa niya? Tinakot ka na naman?"

I shrugged. "Kahit wala namang ginagawa ang lalaking 'yon, nakakatakot parin siya." Ani ko ng nakasimangot. "But he's looking at your sketches as of the mome—"

"Oh shit!"

Parang hanging nawala nalang bigla sa harapan ko ang kambal ko. I chuckled as I looked back at the house. I guess may ginuhit na naman si Ate na ayaw niyang ipakita kay Frost. Well Ate, you're too late!

Now, i'm humming as I walked. Syempre! Malayo na ako sa bahay at sa creepy na si Ice Man. Now, i'm walking happily, not minding the stares of the students. I've been publicly introduced a week after the war so alam na ng mga estudyante kung sino ako. Some of them can't still believe though, kahit halos isang taon na ako dito. Kaya lagi nila akong pinagtitinginan.

I smiled at the students who passed by as I ate my jellies. Nakasalubong ko pa nga sina Lyndon at insan na nag-aagawan pa ng chocolates napailing nalang ako habang tinitignan sila. They didn't even notice me even though i'm standing in front of them.

"Akin na 'to, Lyn please! Pretty please! Naubos na ang sa'kin e! Meron pa namang sa'yo diba? Akin na 'to. I promise i'll treat you more chocolates this coming... uhmmm... next next week! I'll treat you next next week!"

Sabay kaming napabuntong-hininga ni Lyndon. Lily really talks a lot and so stubborn. Si Lyndon at Frost lang ang nakakaya ng ugali niya. Ako kasi, naiingayan ako minsan. Pero cute naman ang pinsan ko kaya okay lang!

The Mavens of Hexen AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon