PAGKAKATAON 1: DON SEVILLE

8 2 0
                                    

DON SEVILLE

"Oiii... Kinikilig din 'yan!!"  

Kanina pa ako naririndi sa boses ni Drhin dahil sa walang kupas niyang panunukso sa akin at sa kasama naming isa ring bokalista.

"Oii.. Si Zavi kunwari naririndi pero gustong-gusto din.." tinutusok-tusok ni Sesa ang tagiliran ko pero nagpapakamanhid ako. Nakayuko ako sa isang silya—nagpapahinga. Pero imbes na magpahinga, mas naistress ako sa kanila.

Humugot ako ng napakalalim na hininga at bumaling sa dalawang katabi ko. "Manahimik nga kayo.." iritableng tugon ko at salubong ang kilay ko.

Maya-maya ay lumapit ang blonde hair na si Aria. "Oh, magcold-water na muna kayo.. Mukhang mainit ang ulo ninyo eh," aniya habang nilalapag ang mga bottled mineral water.

"Aware ka bang pinagbabawal 'yan ni Miss Kaye?" walang emosyong tanong ko at mahihimigan sa boses ko ang pagkasarkastiko. Marahil ay bumalatay sa kabuuan ko ang pagkainis tuwing tinutukso na naman nila ako.

Marahan siyang umupo sa sahig at saka tumingala ng tingin sa akin. "Ano bang problema mo Laeishaza Yannicca Reivii Dimeadorr Don Seville?!" pasinghal na tanong niya, nanlaki ang kaniyang mga mata. Umiwas aki ng paningin sa kaniya nang masulyapan ki ang mukha niyang nakakunot ang noo, mukhang pinag-aaralan ang kinikilos ko. "Ba't mukhang wala ka na naman sa modo?" muli siyang tiningnan, bahagyang tumagilid ang ulo niya.

"'Di na naman kasi nakaiwas sa panunukso ni Drhin.." pagsumbong pa ni Sesa, nandito siya gilid ko. Umirap ako dahil alam kong pare-pareho lang naman sila ng trip.

"Bakit? Ano nanaman bang ginawa mong browelda ka?!" baling ni Aria kay Drhin na ngayon ay nagpa-inosente ang mukha.

"Syempre, sino pa ba ang tinutukso kay Zavi dito?!" ani Sesa at tumawa ng bahagya. Sinamaan ko siya ng tingin pero nagpatuloy siyang tumawa at nginunguso pa sa akin ang gawi ng isang lalaki.

"Ang sarap sabunutan niyang kulot mong buhok!" pinanlisika ko naman ng mata si Sesa. Sumiring pa ako bago pataray na isinandal ang likuran ko sa upuan.

Naramdaman ko ang pagtayo ni Aria. "Kung tatawagin kaya namin si Tello at paupuin diyan sa tabi mo.. Ano kayang gagawin mo sa'min?" unti-unti akong umangat ng paningin sa mukha niya. Isang mata niya lamang ang nakamulat habang nakataas naman ang kaliwang kilay niya na para bang iniisip niyang isa 'yong magandang ideya. "Ano sa tingin mo, Zavi?" nagtama ng paningin naming dalawa.

"Kahit subukan mo.. Wala akong pakialam.." wika ko. Muli ay siniring ko ang mga mata ko.

Sa pagkakataong 'yon ay ginawa nga niya ang walang kwentang ideya na namuo sa isipan niya. Nilapitan niya si Tello na noon ay tumatawa kasama ang mga kaibigan niyang mga mang-aawit din.

"Alam mo na ang gagawin mo Zavi, ah. Pag lumapit si Tello--"

"Aalis ako." napamaang si Drhin nang putulin ko ang nais niyang sabihin. "Wala talagang ka kwenta-kwenta 'yang pinanggagawa ninyo eh," hindi maipinta ang mukha ko na para bang ayaw ko talaga sa ginagawa nilang papalapitin kami ni Tello sa isa't isa.

"Yieeee...."

Napatingin ako sa boses ng mga lalaki. Hindi ko naman maipagkailang magagaling silang kumanta at magaganda ang mga boses nila kaya naman pati panunukso nila ay parang mala-acapella pa.. "This is nonsense.." bulong ko saka umirap nang masulyapan ang paglapit ni Tello sa akin. Umiwas ako ng tingin sa kaniya.

"H-Hi, Zavi.."

Dalawang salita ang nakapag-alis ng emosyon sa aking mukha. Imbes na mainis o magtaray ay hindi ko nagawa nang marinig ko ang bilog niyang boses. Ganiyan naman talaga ang boses niya, mabilog, medyo namamaos, malalim at hindi masakit pakinggan sa tenga.

Sa Ikalawang PagkakataonWhere stories live. Discover now