RITMO

1 0 0
                                    

Habang nakaupo sa batibot ay matunog parin sa mga kapwa namin estudyante ang preskong balita na may kaugnayan sa paglalakbay naming mga mang-aawit patungong Dumaguete.

"Nagkamali yata ako ng pinasukang department, Teh. Grabe, nabalitaan niyo ba 'yung Arts Department na pupunta sa Dumaguete para sa paparating na malaking gantimpalak?" nagsitinginan kami nina Zavi at mga kaibiga namin nang marinig 'yon sa kabilang batibot.

Napaawang ang labi ng kasama nila animo'y gulat sa ibinalita nito sa kanila. "Weh? Totoo? Akala ko mga piling paaralan lang?"

"All private colleges, public high schools and universities nga, eh." napapangusong sabi ng isa.

"Grabe, sa dinami-dami ng paaralan sa Pilipinas mapapanalo kaya ng HTU 'yon?" tanong pa ng isa.

"Syempre! HTU lang kaya ang unibersidad na may pinakamaraming panalo sa pagkakanta. At saka ano ba kayo? Mayro'n lang talaga silang talento na hobby lang natin. Tawag sa kanila no'n, passion-ista. Kagaya ng  mga ballerina sa paaralan natin? Alam niyo bang abot iba't-ibang lungsod din ang panalo nila!" napatingin ako sa mga school ID ng mga nagkukumpulan, at mukhang Science Department students sila. Nakakataba naman ng puso marinig sa kanila na sobra silang humahanga sa mga talentong mero'n kami.

Napabuntong hininga ako at saka napatingin kay Zavi. "Isang karangalan talaga para sa'tin ang makasali sa gano'ng gantimpalak." sambit ko.

Napabaling si Yvan sa akin imbes na magsasalita na sana si Zavi. "Hindi nga tayo nagkakaiba ng iniisip Mr. Ed Hirome! Pero alam niyo ba, hindi pa man tayo nag-eensayo ay kinakabahan na ako."

Napasinghap si Zavi. "Sa dating mong 'yan, kinakabahan ka?" anito  napangiwi naman si Yvan.

"Makakaya nga kaya ng ating University 'yung ibang unibersidad sa Pilipinas? Dati-rati, mga taga Manila lang 'yung naglalaban-laban...ngayon buong bansa na?" nangibabaw ang boses ng ibang regular students na nagkukumpulan sa kabilang bahagi ng batibot.

"Ano ka ba?! Kaya nila 'yon. Kilala niyo si Zavi? 'Yung nanalo nang nakaraang buwan ng wika? Panigurado akong tapos ang laban!" pagmamalaki pa ng isang babae.

Napangiti kaming magkakaibigan habang nakikinog at pinagmamasdan ang tahimik na reaksyon ni Zavi. Bahagyang kinurot ni KL ang tagiliran ni Zavi, "Oi. Famous, yarn?" aniya at tatawa-tawa.

Napabusangot si Zavi. "Bakit?"

"Sus. Pa-humble." sambit ni Chino.

"Naku! Ugali..." sambit ko, nasa gilid ko si Zavi. Bahagya niyang sinipa ang binti ko. Napatingin ako sa kaniya at saka napangiti. "Pero totoo 'yon, Zav. Puwersahan natin 'to dahil nandiyan ka." sambit ko sabay kindat.

"Anyway, nakapili na ba kayo ng mga sasali sa iba't-ibang kategorya?" maya-maya'y paninimula ni Sesa ng topiko ukol sa kompetisyon.

Napanguso si KL. "According to Gab, the President, tayong grupo na ang magrirepresenta sa group category, si Yenzan na ang bahala para sa duet."

"Si Yenzan? Sa duet isasabak?" gano'n nalang din ang reaksyon ni Sesa. "Teka! Why not Zavi?!" tanong pa nito, hindi maipinta ang mukha.

Rinig namin ang malalim na pagbuntong hininga ni Zavi kaya napatingin kami sa kaniya. "Sinabihan ko si Miss Kaye na isama ako sa inyo. My Mama's not in good condition. May dinadala siyang malubhang sakit, at paano naman 'yon nakaapekto sa kompetisyong 'to?", siguro nga ay pare-pareho kaming natamime sa sinabi niya. Bagaman gulat, sinikap kong manahimik at hintayin ang susunod niyang sabihin. Mabigat ang paghinga ni Zavi nang muli niyang salubungin ang mga paningin namin. "Kung ako ang makakasama ni Yenzan sa duet ay kailangan ko pa ng maraming oras sa pag-eensayo dahil dalawang boses lang ang maririnig. Kung sasama ako sa kategoryang may maraming myembro, syempre marami nang boses at dahil do'n, magkakaroon ng pag-asang maiikli lang ang oras ko sa pag-eensayo, at makakauwi ako ng maaga. Maaalagaan ko si Mama at si Shane." sabay-sabay kaming napabuntong hininga at gumawa ng kaniya-kaniyang reaksyon na para bang nilalagay naming lahat ang aming sarili sa kaniyang sitwasyon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 15, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sa Ikalawang PagkakataonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon