TIMBRE

2 0 0
                                    

"Zav, may gigs pa kasi ako, eh. Mauna na kami sa inyo, ah." ani KL nang tumayo. "Tel, send her home, ah." baling niya kay Tello.

"Ah...sige, uuwi na rin kami, eh." sambit ko akmang tatayo pero iniharap ni KL ang palad niya sa akin animong pinatitigil ako. Napaawang ang labi ko at nagtataka siyang tiningnan.

Napasinghap si Yvan, "Zy, spend your time with him. Huwag ka namang feeling taken diyan, eto naman." bulong niya sabay kunot-noo.

"My god, ha." asik ko. "Ayaw mo ba akong pauuwiin? Walang tao sa bahay, no?!"

Napaayos siya ng tayo. Napasulyap ako kay Tello na ngayon ay nakataas lang ang kilay habang nakikinig sa amin. "Sige na nga. Kung anong desisyon mo," napanguso siya.

"Tsk. Sige na." sambit ko. Napangisi sila bilang panunukso. Umirap nalang din ako saka napabuntong hininga nang sa wakas ay kumaway na sila at saka lumabas.

Sa kasalukuyan ay mukhang hindi ako makatingin kay Tello. Hindi ako sanay na nagkakaroon kami ng ganitong klaseng date marahil ay nasanay akong kapag lumalabas kami ay palagi naming kasama ang mga kaibigan namin. Panay ang paglunok ko habang nakatingin lang sa kristal na lamesa at saka sa kape kong lumamig na. Ayokong magpatuloy kakasimsim doon dahil hindi na masarap ang lasa no'n.

"Malapit na pala birthday ni Alce," siya ang nagkusang bumasag ng katahimikan sa pagitan naming dalawa. Marami pa namang mga taong pumapasok sa coffee shop na ito. Hindi lang naman kape ang kanilang binebenta kaya maaari ring makakapagdinner dito. Narinig ko ang pagsinghap niya at saka naramdaman ko ang pagbaon ng couch, nangangahulugang umayos siya sa pagkakaupo. "Ayaw mo ba 'kong pansinin? Nananadya ka ba o gumaganti?" aniya na naging dahilan ng paglingon ko.

Kumunot ang mga noo ko habang nakatingin sa kaniya. "Nananadya? Gumaganti? Do I look like mahilig akong gumanti at nananadya?"

Napaangat ang gilid ng labi niya at saka umirap. Pansin ko ang suot niya, nakaplain T-shirt siyang branded at saka naka jersey'ng kulay itim. Suot-suot niya ang kulay puti niyang pang basketball na sapatos pati nadin ang medyas niyang medyo mahaba na kulay puti din. Napapansin ko din ang medyo malaki niyang mga binti at ang maninipis na mga balahibo doon. Maputi nga talaga ang balat ni Tello na para bang kapag mahawakan mo ang balat niya ay magbabayad ka.

Napalunok nalang ako nang bumalik ang paningin ko sa mukha niya. Kanina pa siya nakatingin sa akin pero pilit kong inaalis ang presensya niya sa akin. Ang masasabi ko lang sa bawat parte ng mukha niya ay ang kaniyang mga labi ay parang mga inukit, tipong kahit bawat linya sa ilalim ng mapupulang labi niya ay perpektong inukit. Ang mga mata niyang nakabaon at may medyo mahabang pilik-mata ay mas lalong dumadagdag sa lakas ng dating niya. Dagdag pa ng kaniyang ilong na hindi naman gaano kataas ang buto malaput sa kaniyang mga mata pero matangos at nanunusok, talaga namang perpektong tingnan 'yon sa kaniya. Ang kaniyang mga kilay na hindi naman gaano ka kapal pero may mga buhok na kumakalat malapit sa kaniyang mga mata.

"Why the hell are you staring at me for so long?" doon ako bumalik sa ulirat.

Napalingon ako sa backpak ko at saka naghanap ng kung ano-ano. "Uwi na tayo?" tanong ko ngunit hindi makatingin sa kaniya.

"Sarap mong kasama," aniya saka nagbigay ng kanmunting tawa. "Dinedileryo ka ba?" tanong niya.

"Hindi. Uwi na tayo,"

"Hay, Zav. Napagdaanan ko na 'yan sa'yo noon."

"Umuwi na nga tayo." sambit ko nang sa wakas ay makalingon sa kaniya. "Tumayo ka na diyan. Tsaka..." pinasadahan ko muli siya ng paningin. Napalunok nalang ako nang mahagilap ng mga mata ko ang buhok niyang nakaayos pero may mga natitirang buhok sa kaniyang noo. "Huwag mong masyadong kapalan mukha mo," sumiring ako sabay talikod at iniwan siyang nakangisi.

Sa Ikalawang PagkakataonWhere stories live. Discover now