PAGKAKATAON 4: BOSES

0 0 0
                                    

"Isang oras na tayong nakatunganga dito ah." napangiwi si Dhrin habang hawak-hawak ang lobo.

Napabuntong hininga ako, "Sobra ka naman! Kaunting hintay na nga, eh.. Tingnan lang natin kung hindi ako mapapatawad ng kumag na 'yon!" sambit ko pa. Gano'n man ako ka kampante subalit ang bigat na sa pakiramdam ko na hindi man lang 'yon natuloy..

"May....bukas pa....sa iyong buhay..." pang-aasar ni Yvan. Natawa siya at saka siniko naman ako nang masulyapan niya ang paglukot ng mukha ko, "Choss. Ano ba! Kairita naman kasing kumag na 'yan! Hindi man lang sumipot! Pabayaran mo nalang kaya sa kaniya 'tong mga tyokolate?" anito sa harap ko.

"Ewan ko sa'yo." umirap ako.

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makatungo kami sa parking area. Alas singko y medya na nag hapon kung kaya ay uuwi na kami. Pare-pareho kaming dismayado dahil hindi man lang dumating ang taong susurpresahin namin.

Gayunpaman ay hindi ako nawawalan ng pag-asa marahil ay alam kong absent lang naman si Tello ay hindi naman siya lumipat ng paaralan o aalis ng bansa.

"Ihahatid na kita," pag-alok ni Sesa.

"Naku! Huwag na, Zavi! Sa'kin ka na sumama! Baka kung saan-saan ka pa ililibot niyang Sesanita na 'yan," singit ni Yvan.

Lumukot ang mukha ni Sesa, "Sesani--what?!!"

Natawa ako ng bahagya. "Sesanita, senorita come with me," pang-aasar ni Yvan.

"Loko ka talaga!" hinampas ko ang balikat ni Yvan. "Oh, sinong gustong humatid sa'kin?" sambit ko.

"Kaming lahat nalang kaya?" singit naman ni KL, "Ang tagal niyo namang magdesisyon sa buhay. Are you not guys ready for taking risks?" ani pa nito.

Tumaas ang kilas ni Yvan, "In fairness sa'yo, Zy ah?! Makapagsalita ka diyan parang ang bilis mo namang sumugal?"

"Ano ba? May mas tatagal pa ba diyan?! Aalis ba kayo o hindi? Para kayong pinako sa lupa." maangas na reklamo ni Aria.

Napabuntong hininga kaming lahat at saka nagsipasukan na sa kaniya-kaniyang mga kotse.

Samantalang ako naman ay nakisakay na lang kay KL, sa kadahilanang si Aria ay nakisakay kay Yvan, at si Dhrin ay nakisakay kay Sesa.

See? Pareho nila akong inalok and I end up riding with KL. "What really happened, Zy? Can you tell me?" binasag ni KL ang katahimikan.

Rush hour. And as expected, traffic sa EDSA. "About???"

"You and Tello."

Napabuntong hininga ako, "You know what, Zy. I can sense him, if nasaktan ko siya, nakikita at nararamdaman ko 'yon. And, yes. I do hurt him."

"You love him na?"

Napatingin ako sa kaniya, napangiti bago tumango at muling umiwas ng tingin. "I can't deny that fact. Maybe the last time you guys are asking me about us, I denied, I mean...We. Pero ngayon, parang gusto ko nang sabihin sa kaniya. Pero parang...natatakot pa ako."

He moved a bit of his car, "For what? Baduy mo," natawa naman siya.

"Of commitments."

"Of commitments? what about it? Hindi ba bago pa man kayo naging malapit sa isa't isa, dapat sinabi mo na 'yan sa self mo? Bakit kapa natatakot eh, sa kaytagal ninyong nagkasama nahulog kana nga sa kaniya? Takot ka pa ba niyan?"

"At some point, ayoko lang masaktan in the end. That's why...I never give him the answer in the first place." umiwas ako ng tingin sa kaniya. Ayokong pag-usapan pa ang bagay na kinatatakutan ko, at ang dahilan. Marahil ay ayokong makita nila sa akin kung gaano ako ka emosyonal.

Sa Ikalawang PagkakataonWhere stories live. Discover now