BOSES

0 0 0
                                    

Do...
Re...
Mi...
Fa...
So...
La...
Ti...
Do...

Nagsimula na naman ang vocalizations na paulit-ulit. Pero wala naman kaming magawa dahil para naman 'to sa karera namin.

Hindi si Miss Kaye ang aming guro sa Music ngayon, kundi si Sister Elizabeth, napaka terror.

Akalain mo nga namang ikalimang ulit na namin 'tong Do Re Mi na ito nang dahil lang sa akin. Paano kasi parang bigla ay nawalan ako ng ganang bukain ang bibig ko. Siguro nga ay marami lang talaga akong iniisip tulad nang pagsisisi ko bakit ngayon ay hindi ko makakayang aminin sa kanila ang tungkol sa magulang ko.

"Don Seville!" sigaw niya ulit. "I will not going to proceed to the next vocalization if you are not cooperating! Understand?!" madiin niyang sabi. Napakarami namin ngayon dahil may misa sa paparating na Myerkules kaya naman naghahanda kaming mga choirs ng paaralan. Halos lahat na siguro ng 1st year high school hanggang sa 4th year high school na nasa Music Department ay nandirito. Pero ako lang ng tanging nakikita niyang hindi binubuka ang bibig.

Palihim na kinurot ni Yvan ang siko ko upang bumalik sa ulirat. Pero ang ending ay tinapos nalang ni Sister Beth ang vocalization na iyon at saka pinagbigyan muna kami ng pahinga.

"Anong nangyari, Zy?" nag-aalalang tanong ni Yvan. "Naku! Mag-aalala na naman si Tello niyan..." aniya.

Napapikit na naman ako, oo nga! Mag-aalala na naman siya, syempre, bawat kilos ko binabantayan niya! "Wala, okay lang ako." pagdadahilan ko.

Napalapit si Aria, "Zy, galit si Sister. Ayos ka lang ba?"

"Ayos lang ako. Pasensya na kung dahil sa'kin, napagod mga boses ninyo." napatingin ako sa sahig. "Okay lang talaga ako." sambit ko pa.

"Sigurado ka ah," ani naman ni Yvan. Sina Sesa naman ay nakahawak sa balikat ko, niyuyogyog ako.

Lumapit na nga si Tello sa gawi namin, "Just tell me if may problema ka, ha? Kakausapin ko si Sister Beth." aniya.

Lumpit bigla ang presidente ng Music Club, "Zav, Sister Beth never tried to shout at you like that. What happened?"

Napabuntong hininga ako. "I'm okay. Ako na bahala kay Sister Beth. I would like to apologize guys."

"That's fine," pare-pareho nilang sambit.

Napapikit ako at saka napangiti naman kay Tello nang makamulat. Ngumiti sya at hinintay na umalis ang mga kasamahan namin upang yukuin ako at haliln sa noo pero tinakpan ko ang labi niya. Natawa siya, "Just one try..." bulong nya.

Pinanlakihan ko siya ng mata saka umiling. "All eyes on us."

Tumiim nalang ang bagang nya saka napapikit upang pigilan ang sarili. Sa huli ay ako na naman ang nanalo, nauna na ako at saka bumalil sa entablado nang bumalik na si Sister Beth. Somehow, nakisali na din ako sa kanila.

"Saan nga pala tayo gagawa ng group project?" biglang tanong ni Yvan nang makalabas kaming lahat ng studio.

Nilingon siya ni Sesa, "Mmm...." napatingin siya sa itaas animo'y nag-iisip. "Parang....trip ko kina Zav?"

Nanlaki ang mga mata ko, "Bakit sa'min?" pagmamaktol ko.

Huminto kami nang ilang saglit sa hallway upang makipagmaktol sa isa't isa. Panay ang pagtatanggi ko, "Ano ka ba, Zy? Gagraduate nalang ba tayong ni-hindi nga kami nakapunta ng bahay ninyo? Tsk." humalukipkip si Yvan.

Sa Ikalawang PagkakataonWhere stories live. Discover now