ED HIROME

1 2 0
                                    

Halos umabot sa sampung minuto ang paghihintay ko kay Zavi matapos niyang magbihis bago muling bumaba sa hagdan. Napatingin ako sa kaniya at nagpigil ng pamumula. Suot-suot niya iyong pajama na kulay rosas, walang disenyo pero mahaba at tanging pamumula din ng kaniyang mga paa ang makikita lalo na't kulay puti ang tiles ng sahig. Lalong nagpapacute ng dating sa kaniya. Samantala, ang damit naman niya ay kulay puti, wala ding disenyo, talagang nakapambahay lang siya.

"Uuwi kana ba??" tanong niya nang makalapit.

Bumalik ako sa ulirat at nagklaro ng boses. "H-Ha..." nasamid pa ako. Muli na naman akong nagklaro ng boses. "B-Bakit? Ano...Tambay na lang muna ako dito." sambit ko.

"Ungas ka! 'Yung sasakyan mo nandun sa labas ng village 'di ka ba nag-aalala? Uunahin mo pa ang makipaglandian kesa sa sasakyan mo, ha?"

"Anong pinagsasabi mong pakikipaglandian? Ano? Nakikipaglandian ba ako sa'yo? Assuming ka din, eh."

"Eh, bakit mamaya kapa nga uuwi?" pinanlakihan niya ako ng mata.

Napabuntong hininga ako. "Eh, hihintayin ko 'yung mga magulang mo. Liligawan ko muna sila bago kita opisyal na ligawan. May purpose 'yung guards sa village ninyo. Hindi mawawala ang sasakyan ko do'n." sambit ko saka umirap.

Napangiwi bago ko pa naiwas ang paningin ko sa kaniya. "Lakas talaga ng tama mo," bubulong-bulong niya. "Oh,siya. Kumain ka nalang muna. Masasayang lang 'yang paghihintay mo." sambit niya nang makalayo sa gawi ko at pumunta sa lamesa nila.

Napatingin ako sa kaniya na noon ay hila-hila ang upuan. Kumunot ang noo kung ano ang mga ginagawa niya. Tumuntong siya doon sa ibabaw ng upuan at saka binuksan 'yung mga cabinet sa ibabaw ng sink.

"Magluluto ako ng pancit canton, Tello. Ipagluluto nalang kita bilang pasasalamat sa paghatid mo sa'kin. Anong flavor gusto mo?" sambit niya habang nakakapit sa pinto ng cabinet at nakatinfin sa akin.

Tuloy ay namula ako. Talaga lang na ipagluluto niya ako. Hindi ko na yata kayang tumanggi pa. "'Yung....sweet." naloloko kong sabi.

"Anong sweet? Kumpletuhin mo at baka palayasin kita dito 'di ora."

Natawa ako. "Yung sweet nga." ulit ko pa.

"Bahala ka nga sa buhay mo. Wala akong panahon makipaglandian sa'yo, Tello. Tigilan mo nga 'yan." asik pa nito bagaman nagsisimula na sa ginagawa. Malapit lang naman ang living area at saka dining nila kung kaya ay maririnig at maririnig ang kaniyang pinagsasabi. At isa pa ay napakatahimik ng loob ng kanilang bahay at wala masyadong gamit kaya ay mas klaro pakinggan ang mga sinasabi niya. "Diyan ka lang...'wag kang lalapit " mariin niyang sabi.

Tumayo ako at nagpasyang pumunta sa gawi niya. Pero naramdaman niya ang paglapit ko kung kaya ay lumingon siya sa akin at saka pinanlisikan ako ng mata.

Napangisi ako sa kaniyang mukha. "Anong ginagawa mo diyan?"

"Tigilan mo nga ako, Tello. Ang kulit mo, eh! Diyan ka nga lang... Huwag mo 'kong lapitan." madiin niyang sabi at saka inayos sa pagkakapatong ang kutsilyo sa kaniyang tabi. Muli siyang tumalikod sa akin.

Ako nama'y napako ang paningin sa kutsilyo. Tuloy ay napagtanto kong nangangamba ito gayo'ng kaming dalawa lang ang tao sa loob ng kanilang bahay. "Wala akong gagawin sa'yo, Zavi! Nasobrahan ka yata sa self-defense." sambit ko habang nakatingin sa kaniyang likuran. "Akala mo may gagawin ako sa'yo? Kapal ng pisngi mo." dagdag ko. Hinila ko ang upuan at saka inis na umupo.

Narinig ko siyang bumungisngis. "Sabi kasi ni Mama...huwag kong alisin 'yung kutsilyo sa tabi ko 'pag ako lang mag-isa dito," sambit niya nang lingunin ako. Nagpatuloy siya sa ginagawa.

Sa Ikalawang PagkakataonOù les histoires vivent. Découvrez maintenant