TINIG

0 0 0
                                    

"Hay! Salamat at nandito kana, Ma." pabuntong hininga kong sambit nang makita si Mama'ng nakaupo sa sofa. Mabuti naman at walang mababasang lungkot sa kaniyang mukha nang mapatingin sa akin. Napangiwi ako nang ngumiti siya. "Sarap naman ng ngiti'ng 'yan, Mama." suyo ko. Marahan akong umupo sa tabi niya at saka niyakap siya ng mahigpit.

Nang kumalas sa pagkakayakap ay natawa siya ng bahagya. "Ano ka ba naman, anak, Zavi. Sinahudan kasi ako ng Tita mo. 6,000 thousand ang binigay niya sa apat na araw kong pagbabantay ng pinsan mo." mukhang magandang balita naman iyon.

"Talaga ba, Ma? 6k? Makulit naman ba ang batang binabantayan mo?"

"Iyon nga ang nakakatuwa sa Tita mo. Kahit hindi man lang ako napawisan, kahit hindi man lang nasayang ang boses ko sa kaniyang anak——sa kakasuway, binigyan parin niya ako nang gano'n ka halaga." mayroong tamis sa mga ngiti ni Mama. Parang napakasaya nang kaniyang puso na nagkaroon siya ng kapatid na gano'n ka mapagbigay.

Napabuntong hininga ako habang nakangiti. "Kaya natin 'to, Ma." bigla kong sambit. Mayro'ng kaunting hugot iyon sa kalooban ko. Tiyak na nakuha ni Mama 'yon.

"Kaya natin 'to, Anak. Kahit isa sa atin atin ang susuko, pipilitin parin nating lumaban." ngayon ay mas lalo akong napangiti. Marahil ay masaya akong nakikita si Mama'ng nagpapakatatag. Sa gano'ng linya, hindi man lang niya nagawang maluha, ramdam na ramdam ko kung gaano siya ka tatag at katapang sa lahat ng pagsubok na dumadating sa aming buhay.

Mahigpit ko namang siyang niyakap. "I love you, Ma." bulong ko.

"I love you, Anak, Zavi." sambit din niya.

Medyo nakahinga naman ako ng maluwag nang maramdamang mayroon pang pag-asang makabangon ulit kami ni Mama sa kabila ng puot dulot ng pang-iiwan ni Papa.

Bilang nag-iisa niyang anak, kakayanin kong ibigay ang lahat kay Mama. Mapasaya lang siya araw-araw, makalimutan lang niya ang aking ama. Kaya naman, pursigido akong maging isang sikat na mang-aawit. Dahil naniniwala naman akong 'yon ang magiging hakbang ko para maabot ang tagumpay na inaasam ni Mama sa akin mula noon.

Sa lahat ng kompetsiyon bawat buwan, taon o ano mang kaganapan sa unibersidad namin, nandoon siya. Natutuwang minamasdan ang gawi ko tuwing kumakanta. Nandoon siya sa isang sulok, nanonuod habang papikit-pikit akong nagbibigkas ng masasakit na liriko. At nandoon siya sa isang sulok, nakatayo't patalon-talon habang pumapalakpak tuwing bibirit ako oh 'di kaya ay tapos na ang performance ko. Gano'n ka proud ang Mama ko sa akin. Na kahit hindi ko hinininging papalakpakan ako ng karamihan, nandiyaan siya, nakasuporta.

At 'yon ang hiling niya sa akin, na naging dahilan bakit nagpapatuloy akong kumakanta. Naaalala ko ang mga bagay na sinabi niya sa akin noon, magpapatuloy ako sa pagkanta tuwing nandiyan siya sa tabi ko. Magpapatuloy ako sa pagkanta tuwing nakikita kong pumapalakpak siya sa akin. At dahil nga do'n, nagpapatuloy ako. Nagpapasalamat na din dahil mayro'ng akong siya.

Tuloy ay hindi ko mapigilan ang maluha habang nagliligpit ako ng mga notebook ko sa aking bag.

Paano, tuwing pinaparamdam ni Mama sa akin ang mga bagay na kinakailangan ko sa isang magulang ay nalulungkot ako. Marahil bukod sa napapangiti ako tuwing sinasabi ko sa sarili kong nandiyan siya para sa akin, hindi ko maitatanggi'ng hinahanap ng sarili ko ang suporta mula kay Papa. Na kahit minsan, hindi ko nasaksihan ang mga palakpak niya tuwing nakikita niya akong kumakanta. Ang mga ngiti niya tuwing naririnig akong bumibirit ng kanta, ang mga pagsisigaw niya ng pangalan ko...hindi ko nakita sa kaniya kahit kailan nang sinubukan kong pasukin ang larangan ng MUSIKA.

Pabuntong hininga akong umupo sa kama. Napapikit ako nang bahagya upang pigilan na naman ang pagiging emosyonal.

Mabuti nga'ng kahapon ay niligpit ko ang kwarto ko kung kaya ay tinago ko ang lahat ng mga familiy pictures namin...na mula nang mabinyagan lang ako hanggang sa umapak lang ang edad ko sa nuwebe. Marahil matapos no'n ay...kaming dalawa nalang ni Mama ang nagkukusang magpapicture sa harap ng camera.

Sa Ikalawang PagkakataonWhere stories live. Discover now