PAGKAKATAON 5: TIMBRE

1 0 0
                                    

"Ibang tinginan na talaga ang nagaganap between TelZav ah," gulat akong napalingon sa pinagmulan ng boses. Iyon ay sa likuran namin kung saan kami nakaupo ngayon sa canteen.

Napatingin ang isa sa mga kasama niya, "Hala girl, baka naririnig ka ni Ate Zav." sambit ng isa habang naiilang na napatingin sa gawi namin.

"Hindi 'yan, girl. Nagbubulungan naman tayo." sambit ng babae. "May namamagitan na ba sa kanila ni Kuya Tello?" napataas ang kaliwang kilay ko dahil do'n.

"Wala daw...pero feeling ko mero'n na." singit ng katabi ng isang babaeng nagsimula ng topiko tungkol sa amin ni Tello.

Napaawang ang labi ng isang babae nang mapansing nakatingin kaming magkakaibigan sa kanila, "Hala girl! Hinaan niyo nga mga boses niyo." suway niya sa mga kaibigan niya. Lima silang nandoon, mga tsismosa.

"Nagbubulungan na nga tayo ano ka ba?!" sambit 'yon ng babaeng pulang-pula ang labi dahil sa liptint.

Naramdaman ko ang pag-ayos ng upo ni Yvan upang makabaling sa kanila, "In fairness ah, bulong pa ba 'yon?" usyoso niya sa tabi ko. Isa-isa naman silang umiwas ng paningin sa gawi namin at 'yon nalang ang naging paraan ko upang makapag-iwas din ng paningin.

Napasulyap ako kina Dhrin at Sesa na nakataas ang kilay, "See? Can you stop teasing us in public, Zies? Nakakailang talaga, eh. Feeling ko hindi ako sanay," pagmamakaawa ko. Napatawa lang sila sa naging reaksyon ko. "Zies naman, oh. If you want to support, I'm still accepting private-support naman. Grabe naman kasi kapag umabot 'yon sa buong campus." napanguso ako.

Hinampas ni Yvan ng bahagya ang balikat ko, "Ambisyosa ka masyado. Huwag kang mag-alala hanggang dito lang 'yon. Iba kasi mundo natin sa kanila,"

"Aking sinta, ikaw na ang tahanan at mundo...." napalingon ako sa bigla-biglang pagkanta nina Chino at Alce.

Sinamaan ko sila ng paningin bilang simbolo ng pagpapatahimik sa kanila. Wala silang ibang ginawa kundi ang tawanan lang ang ekspresyon ko. Nagsi-hanap sila ng puwesto sa gawi namin, at sa inaasahan ay nagkatabi ang dalawang tanga na si Dhrin at Hulianne samantala si Tello ay tumabi sa akin. Napapagitnaan nila ako ngayon ni Yvan.

"Take good care of Zavi, Tello ah. You already know her past, don't repeat the same mistake." matapang na sambit ni KL habang napatingin sa mesa.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Tello dahil doon. Magsasalita na sana siya nang magatungan ni Sesa ang sinabi ni KL, "Hindi niya deserve masaktan at maiwan. She deserves to be loved. And since alam nating lahat kung gaano mo kagusto'ng masagot ka ni Zavi, we hope you'll show, and give her what she deserve." napalabi ako at saka umiwas ng tingin kay Tello dahil sa sinabi ni Sesa. "Sorry for being mean, but we're also Zavi's friend. We also have the right to guard her heart, to protect her from-"

"From something that may hurt her." napasulyap ako kay Yvan nang mangibabaw ang boses niya at saka makalingon sa amin ni Tello, taas-kilay niyang pinasadahan ng paningin si Tello.

"B-Bakit niyo inaaway si Tello?" pagmamaktol ni Chino.

Tumayo si Alce at saka itinukod ang parehong kamao sa mesa, "Oo nga?! Bakit niyo inaaway boss namin?"

"'Di ba tatay ni Zavi 'yung may kasalanan dito? Bakit pati si Tello dinadamay niyo?" asik ni Chino. Mariin akong napalabi at saka naiilang na tumingin kay Tello.

"H-Hayaan na muna natin sila.." bulong ko sa kaniya.

Nagkasalubong ang kilay niya, "Oo nga eh. Ano't nagdedebate sila?" bulong niya din sa akin. Natawa ako ng bahagya at saka hindi na pinansin ang pagmamaktol ng mga kaibigan ko at kaibigan ni Tello. "Anyway, I'll just order food for us."

Sa Ikalawang PagkakataonWhere stories live. Discover now