DON SEVILLE

9 3 0
                                    

Gusto kong magpalamon sa pader at sahig kung saan ako nakatayo ngayon habang nakapako ang paningin kay Tello.

Hindi ako nakapagprotesta, malamang ay natigilan ako at awtomatikong naestatwa!

Bwisit!

"Inaasar ka lang nila kasi pangit ang boses mo.."

Mabilis na gumapang ang inis mula sa paa ko hanggang sa kabuuan ko nang marinig ang linyang iyon kay Tello.

Napangisi pa siya nang makita ang awtomatikong pagkawala ng emosyon sa aking mukha.

"May pa birit kapa kasing nalalaman.. 'Pag tayo talaga natalo, sisisihin ka talaga ng grupo.."

Hindi ko na naman nagawang magsalita dahil sa mga komento niya. Awtomatiko nalang tumiim ang aking bagang habang mariin siyang pinapasadahan ng paningin. "I'll quit the group then," iyon lang ang sinambit ko tsaka siya tinalikurang tamime.

"Salamat nga't naging pangit ako.. Walang naghahabol sa'kin."

Maya-maya ay hindi ko inasahan ang pagsalita ni Sesa sa likuran ko habang nakasunod sa akin. Napasiring ko ang mata ko habang naglalakad-takbo upang makalayo sa mga haliparot na manganganta! Si Aria at Drhin naman ay tatawa-tawang pinapantayan ang gawi ko dahil masyado kong binibilisan ang paglalakad.

"Tama si Sesa!" gano'n nalang din ang pagtaas ng boses ni Drhin nang sa wakas ay mapantayan ko, sapagkat ang tinutukoy niya ay naroon sa likuran namin. Nang mapansin niya ang pag-iiwas ko ng paningin sa kanila ay humagalpak siya ng tawa. Malapit naman na kami sa aming silid-aralan kung kaya mas binilisan ko na ang paglalakad. "Ang hirap maging maganda, Zavi no? Maraming naghahabol sa 'yo.."

Ngumitngit ng bahagya ang mga ngipin ko. Paano, napatanong ako sa sarili ko kung hanggang kailan ba ako tatantanan ng nga palakabg 'to? Muli ay napabuntong hininga ako. "Walang mahirap sa pagiging maganda kung wala kang loko-lokong kasama." sagot ko nang nakatalikod sa kaniya. Nang makahinto sa paglalakad, doon na ako bumaling sa kaniya. "Hindi mahirap ang maging maganda, ang problema, ang isang tulad ni Tello--Walang kwenta! Maghahabol na nga lang sa'kin tapos aasarin pa ako?! Walang kuwenta!" tumuloy na ako sa silid-aralan at saka padabog na umupo.

Umirap naman si Aria nang makaupo sa tabi ng silya ko. "Kasi naman, matagal nang umamin sa'yo, binabalewala mo! Yan tuloy.." baling niya sa akin habang nakahalukipkip. "At tsaka, a-ano 'ka mo? Maghahabol na nga lang, mang-aasar pa?" pinanlisikan niya ko ng mata. "Tama ba ang narinig ko?" bahagya niyang hinarap ang kaniyang hintuturo sa sarili niya.. "T-tama ba ang narinig niyo? So...Ayos lang na hinahabol ka niya basta huwag kalang asarin? Gano'n ba 'yon? Tama ba pagkakaintindi ko?" baling niya sa dalawa.

Humugot nanaman ako ng napakalalim na hininga upang doon ibuhos ang panggigigil ko sa kanila. "Pwedi ba.. Ilayo niyo ako sa kaniya?! Ilayo ninyo ako sa love-life, letboys, crush-crush, walang kwenta na yan?!" pinagdiinan ko talaga ang apat na huling salita. "Allergic ako, eh." dugtong ko. Nagpigil sila ng tawa nang mapasadahan ko sila ng paningin. Nagkasalubong ng bahagya ang mga kilay ko. "May Buwan ng Wika pa tayong paghahandaan. Iyon muna ang ating patuonan ng pansin hindi 'yong...haliparot na 'yan!" hindi na naman maipinta ang mukha ko.

Ngumuso si Sesa-kahit hindi naman niya 'yon gawin ay natural na 'yon sa kaniya. "Ang sabihin mo, bitter ka lang!" ngumuso ang kaniyang labi habang mariing napatingin sa akin.

Umangat na naman ang kilay ko. "Wala akong pake! At least, aminadong bitter. Pero ano naman'g tawag sa inyo? Hindi nga mga bitter pero wala namang mga jowa--"

"HOOOOOOY!!" napasigaw silang tatlo sa sinabi ko. Inaasahan ko na ng kanilang maging reaksyon. Kahit kailan, talaga. Nagpigil ako ng tawa dahil sa nakalukot at hindi maipintang pagmumukha nila.

Sa Ikalawang PagkakataonWhere stories live. Discover now