ED HIROME

1 2 0
                                    

"A-Ano bang sinasabi mo?" magkasalubong sa ngayon ang kaniyang kilay.

Akmang tatayo siya nang mahawakan ko ang kamay niya. Nasulyapan ko ang katawan niyang naestatwa, "Umupo ka. Nag-uusap tayo." sambit ko.

Marahan niyang inaalis ang kamay niya sa pagkakahawak ko subalit hinihigpitan ko naman ang pagkakahawak doon. "Tello," nawalan siya ng pag-asa. Bumalik siya sa tabi ko at saka iritableng humalukipkip. "'Yan ba ang sadya mo bakit mo 'ko hinatid dito?" tanong niya sabay siring.

Madiin akong napatingin sa kaniya. "Pwedi ba... bago mo 'ko tanungin, sagutin mo muna 'yung tanong ko? Mahilig kang mag-iba ng usapan eh." umayos na naman ako sa pagkakaupo. Naghahanap ako ng posisyon kung saan ako magiging komportable subalit sa palagay ko ay kahit anong ayos ko hindi ako magiging kumportable gayo'ng iniisip ko ang sinabi niya kanina. "Sagutin mo 'yung tanong ko." ulit ko.

Umiwas siya ng tingin at saka muling sumalin ng tubig sa baso. "Ano bang tanong mo?"

"Bingi ka ba? Hindi mo ba narinig 'yung tanong ko kanina?"

"Totoy ka ba? Pinapaulit na nga sa'yo, eh! Alam mo, ikaw...sobra pa sa babae 'yang ugali mo," lumukot na naman ang mukha niya bago lumaghok ng tubig.

"Kung uulitin ko ba 'yung tanong ko, sasagutin mo?" bahagya ko siyang pinanlakihan ng mata.

Nilapag niya muli sa mesa ang kaniyang baso. "Ulyanin ka ba? Kung inulit mo nalang sana 'yung tanong mo ay kanina ko pa sinagot 'yan."

"Tulad ba ng nararamdam ko ang dahilan ng takot mo?" hindi na ako nakipagtalo pa, tinodo ko na.

Tuloy ay natahimik siya. Sisingit pa sana ito nang tuluyan ko namang tapusin ng tanong ko. Alam kong may sarili siyang sagot pero pinipigilan niya ang sarili niya. Ewan ko kung ano ba itong problema niya bakit tuwing panliligaw ko ang pinag-uusapan ay naiinis siya.

"Anong klaseng tanong 'yan?" kaswal  pa nitong tanong sa akin.

Napalunok ako. "Pag inulit ko pa, hindi ako uuwi mamaya. Dito ako matutulog." banta ko. Nagpigil ako sa pagtawa nang masulyapan ang pagtiim ng bagan niya. "Sagutin mo 'yung tanong ko,"

"Na ano?!"

"Tulad ba nang nararamdaman ko ang dahilan ng takot mo?!!!!" pinanlakihan ko siya ng mata.

"Ano bang nararamdaman mo, Tello?!"

"Na mahal nga kita! Paulit-ulit ka, eh."

Mas lalo niyang pinagdiin ang paningin sa akin. "Oh, ngayon, anong inaasahan mong sasabihin ko sa'yo?"

"Na 'yon ang dahilan bakit natatakot ka," agad kong sabi.

"Natatakot na ano?!"

"Na mahalin ako!" mariin kong sagot. "Oh, di ba? Nagmukha na naman akong tanga na sumagot sa sariling tanong? Napakawa-is mo talaga, no?" muli ko siyang sinulyapan at tuluyang iniwas ang paningin ko sa kaniya. "Pero ayos lang 'yan, Zav. Ipagpatuloy mo lang 'yang mga sagot mong 'safe and secured.'" pagdidiin ko ng huling dalawang salita, napasinghap ako at umiwas ng paningin sa kaniya. "Alam kong mahal mo din ako. Deny-deny ka pa, eh." sambit ko.

NANG DUMATING ANG LUNES ay nagkasabay kami ni Hulianne. Maaga kaming tumungo sa unibersidad marahil ay mayro'n kaming proyektong gagawin.

4th year kaming pare-pareho, subalit magkaiba ang section namin kina Zavi. Ito 'yong pinakahuling taon namin sa high school kaya naman ay maaasahang marami-raming aktibidades ang paparating para sa amin. Kung isa kami sa mga estudyante pinapahalagahan ang larangan ng musika, mayro'n ding ibang estudyanteng mahal ang larangan ng pagsasayaw, pag-aarte at pagpipinta. Gayundin sa siyensya. Subalit may kaniya-kaniya kaming mga gusali dito kung kaya ay puro musikero lamang ang kasama naming palagi. Samantala ang topiko naman ng bawat klase ay pare-pareho.

Sa Ikalawang PagkakataonΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα