PROLOGUE

40 3 4
                                    

D i s c l a i m e r : This is a work of fiction. Names, businesses, characters, places, events and incidents are either a product of author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead or actual events is purely COINCIDENTAl.

Do not reproduce, distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents in this story in any form or by any means.

Please obtain Author's permission.

Expect typographical and grammatical errors. Hindi po expert/propesyonal na manunulat si Author. Again, places, events, characters are purely fictional. Read at your own risk!

All rights reserved.

©abxtrack
2020

Sa Ikalawang Pagkakataon

"ZAVI?"

Boses ni Dhrin ang narinig ko nang masagot ko ang isang tawag sa aking cellphone.

"Oh, Dhrin. Napatawag ka? Kumusta ang kompetisyon?" tanong ko sa kaniya.

Narinig ko siyang magbuntong hininga. "H-Ha?"

Bahagyang nagkasalubong ang kilay ko. Subalit inulit ko nalang ang sinabi ko nang una. "Sabi ko, kumusta kayo diyan? Nanalo ba kayo sa kompetisyon?" natawa naman ako ng bahagya.

Napahawak ako ng mahigpit sa isang scrapbook at saka umayos sa pagkakatayo. "Ah...ano. O-Oo. Panalo kami. Ang saya nga namin kagabi." sambit nito.

Napakunot ang noo ko. Sa boses ay may kakaibang emosyon subalit hindi naman mararamdaman ang saya doon. "Okay ka lang, Dhrin?" takang tanong ko.

"Sabihin mo na sa kaniya, Zy..." rinig kong boses ni Sesa sa kabilang linya.

Maya-maya pa ay sunod-sunod akong nagbuntong hininga. Nangibabaw ang mabilis na katahimikan bago magsalita si Dhrin sa kabilang linya. "Zy," tawag niya.

Iyon ang tawagan naming magkakaibigan. "Oh? Ayos lang ba kayo diyan?" paulit-ulit ko nalang iyong tanong sapagkat hindi naman sinasagot.

"Ano....kasi,"

"Ano? A-Ano bang nangyayari sa inyo diyan?"

"Sabihin mo na nga, Dhrin! Litchi!!"

Bahagya pa akong natawa nang marinig ko ang boses ni Aria sa kabilang linya. "Anong sasabihin ninyo? M-May dapat ba kayong sasabihin?" sunod-sunod ko namang tanong.

Sa pagkabagot ay tumingala ako sa kalangitan at muli na namang bumuntong hininga.

Nagkaroon ng kompetisyon, ang ibang paaaralan ang aming makakalaban kung kaya ay kasali sina Dhrin, Sesa at Aria, mga kaibigan ko. Nasa Dumaguete silang lahat marahil ay doon ang venue ng kompetisyon.

Limang araw silang nandoon at ngayong araw naman ang katapusan ng camp. Bagkus, mamaya ang uwi nilang lahat.

"Oh? Nandiyan pa ba kayo?" tanong ko nang buntong hininga na lamang ni Dhrin ang naririnig ko.

"Zy....m-may sasabihin kami sa'yo." sambit nito. Mabilis na gumapang ang kutob sa kabuuan ko nang mahihimigan ang lungkot na pinaghalong takot at kirot sa boses nito.

"Ano nga ba 'yon? Kanina pa, eh." iritable kong tugon.

"N-Nawala kasi si Tello kagabi...." sambit niya. Hindi ko naman masyado na intindihan ang sinasabi niya dahil masyadong malapit ang bunganga niya sa ispeaker ng kaniyang cellphone.

Lumukot ang noo ko at saka napatingin sa cellphone ko. Nawawala ang signal kung kaya ay naglakad-lakad ako upang mas maintindihan ang sinasabi ni Dhrin.

"A-Ano 'yon?" tanong ko. Pinapaulit ang kaniyang sinabi.

"N-Naintindihan mo ba ako?"

"Choppy kasi...paki-ulit nga,"

"Nawala si Tello kagabi!" awtomatiko akong natahimik at natigil sa paglalakad nang mangibabaw ang boses ni Aria.

Napako ang paningin ko sa malayo nang sa huling pagkakataon pa rumihestro sa utak ko ang sinabi niya. "N-Nawala? Si...Tello?" nagkasalubong ang kilay ko. Kasabay niyon ay ang unti-unti kong paglunok. "H-Hanggang ngayon wala pa din ba siya diyan?" tanong ko na naman.

"'Yon nga 'yung sasabihin namin." sagot ni Dhrin. "Zy...." naiiyak niyang tawag.

Wala pa naman silang sinasabi sapagkat dumagundong ang kutob sa dibdib ko. "S-Sa'n siya nagpunta?" tanong ko.

"H-Huwag ka nang mag-alala. Natagpuan na namin siya." sambit niya.

Napahinga ako ng maluwag. Bahagya pang napapikit at saka napalunok. "Hay...pinag-alala ninyo ako." napahawak ako sa sentro ng mga mata ko. "Sa'n niyo siya natagpuan? Loko-loko kasi, eh." napangiwi ako.

Ilang sandaling nangibabaw ang katahamikan nang magsalita si Dhrin. "Sa lagoon....nakahubad." sambit nito.

Awtomatikong umawang ang labi ko. Kumabog sa kaba ang dibdib ko nang masambit niya ang pinakahuling salita. Wala akong mahanap na sasabihin subalit nang magkaroon ako nang maaaring dahilan ay napabuntong hininga ako. Bahagya akong natawa. "Gaga!" humagalpak na naman ako sa pagtawa. "Malamang! Naligo siya sa lagoon! Kaya nakahubad!" tatawa-tawa kong sambit. Panay ang pagbungisngis ko habang kapit na kapit sa scrapbook na mamaya ay ipapakita ko kay Tello.

Napahigpit ako sa pagkakahawak sa cellphone ko at pailing-iling na tumigil sa pagtatawa.

"Nakahubad si Tello, Zy." inulit pa ni Dhrin.

Nagpigil na ako ng tawa dahil mukha akong baliw na tumatawa sa napakalaking espasyo. "Oh? Anong big deal do'n? Malamang naligo ng--"

"May kasama siyang babae." Winakasan ni Sesa.

Hindi ako nakahanap ng kung ano pang salita. Awtomatiko na lang akong natahimik at naestatwa. Hindi na ako nakagalaw marahil ay pinaligiran ako ng napakatinding puot na unti-unting winawasak 'yong mundo ko at dinudurog 'yong puso ko.

Nahirapan akong maghanap ng maaaring sabihin dahil mukhang wala na akong iba pang masasabi.

"Nakahubad si Tello, Zy....may kasama siyang babae."

Nanumbalik muli ang napakagandang balita mula sa mga kaibigan ko tungkol kay Tello. Hindi ko nagawang kumurap nang unti-unting uminit ang gilid ng mga mata ko at ang mga butil ng luha ay mabilis na namuo.

Ang balitang dumurog sa puso ko, winasak ang buhay ko.

Di ba? Nakakatakot magmahal?

Sa una lang naman kasi magaling at masaya ang lahat. Ipaparanas nila sa 'yo na espesyal ka, ipaparamdam sa 'yong kakaiba ka sa lahat ng mga nakilala at nakasalamuha nila..

'Di ba?!

Tapos ending....iiwan ka.

Papabayaan ka.

Paiiyakin ka.

Wawasakin ka.

Dudurugin ka.

Pero dapat, tatandaan mong hindi iyon ang magiging hadlang para tuluyan kang madurog at habang-buhay ka lang masasaktan. Minsan, matuto kang tumanggap sa mga katotohanang sa una lang niya 'yon sa iyo ipinadama. Sa una ka lang niya pinangiti at pinasaya.

Pero paano kung sasampalin ka nang isa pang pinakamatinding katotohanan na....

Kung hindi lahat ng mga nangyari sa unang pagkakataon ay masaya,

Paano pa kaya sa ikalawang pagkakataon?







'Di ba?!

Sa Ikalawang PagkakataonWhere stories live. Discover now