TINIG

0 0 0
                                    

"Hoy, Feeler! Kausapin mo nga ako?! May pa ignore-ignore ka pang nalalaman ngayon ah?" parang nanghahamon kong pagsisimula nang makita si Tello'ng naglalakad patungo sa kaniyang sasakyan.

Dahil nga wala ng pasok ngayong hapon, nagpasya kaming lahat na umuwi. At dahil nga mga loko 'tong mga kaibigan namin, pareho nila kaming iniwan.

Gano'n nalang din ang pagkatahimik ko nang lingunin ako ni Tello nng wala man lang sa modo. Blangko lamang ang mukha nito, animo'y walang interes kausapin ako.

Subalit ang dating niyon sa akin ay normal lang, marahil ay may mga pagkakataong gano'n si Tello, at naiintindihan ko 'yon kasi nga pagod siya dahil sa dinami dami ng mga homeworks at saka ensayo sa pagkakanta. Kasi kahit wala man lang paparating na mga kompetisyon, todo ensayo kaming mga mang-aawit, vocals lang naman. Hindi naman napapagod ang katawan namin subalit napapagod ang mga boses at lalamunan namin. Pero dahil mahal naman namin ang pagkakanta, isang beses lang sa isang buwan kami napapagod. Madalang lang talaga.

Napalabi ako bago magsalita nang sa wakas ay huminto ako sa harap ni Tello. "Pagod ka ba? Ano bang nangyayari sa'yo?" pinasadahan ko ang kaniyang mukha, hindi iyon diretsong nakatangin sa akin. Nag-aalinlangan siya. "Hoy, Feeler! Hindi ko nagustuhan 'yang akto mo, ah?! Akala mo ok lang sa'kin na iniignore mo ako?" napanguso ako saka umiwas ng tingin.

Naramdaman ko ang mabigat na pagbuntong hininga niya at akmang bubuksan ang pinto ng kotse niya. "Pagod ako, Zav. Kung gusto mong ihatid kita ngayon, sumakay kana. Gusto ko nang magpahinga." hindi man lang ako nagkaroon ng pagkakataong sumingit dahil nang mawakasan niya ang sinabi niya ay agad niyang binuksan ang pinto saka pumasok.

Bahagyang napaawang ang labi ko dahil sa kaniyang kinikilos kung kaya ay natulala pa ako ng ilang sandali. Ito nga siguro ang pinakaunang beses na ginagano'n ako ni Tello.

Muli akong napasulyap sa kaniya na kanina pa pala nakatingin sa akin. Naghihintay. Ngunit ako, nakaramdam naman ng matinding hiya at pagkailang.

"A-Ah.. Mauna kana. Magtataxi kasi ako ngayon." sambit ko.

Hindi ko alam kung ano itong problema ni Tello bakit kakaiba siya kung kumilos. Kung normal lang niya ito hindi na dapat ako nakakaramdam ng hiya sa kaniya. Akala ko kasi ay okay naman kaming dalawa, at wala naman talaga akong naaalalang ginawang mali sa kaniya.

"Get inside my car, Zav." maawtoridad niyang sabi.

Palihim akong humugot ng hininga. "M-Mauna ka na nga. Maraming taxi sa labas. Kaya ko namang mag-isa, tsaka...may baon ako, may purpose 'yung pagbibigay ng baon ni Mama sa'kin." pagdadahilan ko.

Humugot siya ng malalim na hininga at saka umiwas ng paningin. "Ayaw mo talagang sumakay?" agad akong umiling. "Mauna na ako. Mag-ingat ka diyan." ang kaninang awang ng labi ko ay mabilis na tumikom nang paharurutin niya ang kaniyang sasakyan. Ngumitngit ang mga ngipin ko sa loob nang maghalo ang lungkot sa damdamin ko.

Anyare sa'yo, Feeler?

Magkakunot naman ang mga noo ko habang napako ang paningin doon sa lupa. Unti-unti akong lumingon at sinundan ng paningin ang kotse niyang ngayon ay papalabas ng unibersidad.

Medyo nakaramdam ako ng kaunting kirot marahil ay hindi ko do'n matanggap na hindi niya ako pinilit pasakayin sa kaniyang sasakyan. Hindi ko din maintindihan ang modo niya.

Mahihimigang walang gana pero kahit papaano ay may pakialam.

'Mauna na ako. Mag-ingat ka diyan."

Ilang beses akong pumikit at magbuntong hininga kakaisip kung ano nga ba ang problema niya.

NANG makatungo sa bahay ay agad akong nagbihis upang kumain. Kasabay ko namang kumain si Mama at tulad ng nakasanayan ay may mga pinag-usapan kami tungkol sa eskwela ko, sa trabaho niya doon sa kapatid niya, at saka tungkol sa pagkanta ko.

Sa Ikalawang PagkakataonWhere stories live. Discover now