PAGKAKATAON 6: RITMO

1 0 0
                                    

Asztelle Freain Ed Hirome:
Are you home na?

Zavi DS:
Mmm. Ikaw?

Asztelle Freain Ed Hirome:
Same. Kamusta ka?

Napabuntong hininga ako. Tulala akong napatingin sa kisame inaalala ang mga nangyari kagabi. Inilagay ko muna ang cellphone ko sa aking dibdib bago nagpasyang magreply kay Tello.

Zavi DS:
Lungkot parin. Just can't get over about last night.

Asztelle Freain Ed Hirome set your nickname to DonSevilleZ

Napakunot ang noo ko kung bakit naman niya ako ginawan ng nickname. Sa lahat ng conversations namin nina KL, Yvan at ng mga babae kong kaibigan ay 'yon ang mga pinalit nilang nickname sa akin sa messenger. Ngunit napagtanto kong si Tello nga pala siya, kailangan alam bawat detalye ng buhay ko.

You changed Asztelle Freain Ed Hirome's nickname for JustTello.

JustTello:
Typing...

Natawa ako. Alam kong magrereklamo 'tong mokong na 'to.

JustTello:
Palitan mo nga nickname ko, hindi ako natutuwa diyan.

DonSevilleZ:
Anong gusto mong ipapalit ko? Pinaikli ko lang buong pangalan mo eh,

JustTello:
Kung pinalitan mo sana ng Mahal eh di, matutuwa pa ako.

Nanlaki ang mga mata ko. Napabalikwas ako at napangiwi.

DonSevilleZ:
Nagbibiro ka ba? Abnoy ka ata.

JustTello:
Sige na. Palitan mo na nang Mahal. Hindi ako nakikipagbiruan dito, Zav ah.

DonSevilleZ:
Asa ka. Magpahinga ka na nga diyan. May pasok pa tayo bukas. Pero... sayang no? hindi na matutuloy 'yung bar party ni Alce mamaya.

JustTello:
Kung bakit naman kasi mahilig magtampo ng mga kaibigan natin.

DonSevilleZ:
Yaan mo na. Kailangan lang nilang magpalamig.

JustTello:
Tapos, hihingi na naman ng advice, tulong at saka comfort. Tapos magkakabalikan at magkakasakitan ulit?

DonSevilleZ:
Ano pa ba ang maaasahan mo? Gano'n talaga siguro kapag mahal mo ang isang tao. Kita mo, sa sobrang rupok ni Dhrin, tuwing walang-wala si Hulianne, sa kaniya parin ang bagsak.

JustTello:
Alam mo, kung makapagsalita ka, parang daig mo pa ang taong nagmahal ng todo no? Nagmahal ka na ba?

DonSevilleZ:
Just sayin'. Huwag mo ngang isipin ang mga sinasabi ko dahil tungkol lang 'to sa kanila. We're out of them na.

JustTello:
Let's rest. See you. I love you.

Napalabi ako. Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko habang binabasa ang conversation naming dalawa. Gayunpaman ay hindi ako mapakali sa hinihigaan ko. Naaalala ko parin ang mga hinihugot na salita ni Dhrin kahapon, ang eksenang hindi namin inaasahang masasaksihan namin harap-harapan.

Kaninang umaga lang kami nakauwi, ni-hindi na nga namin na-enjoy ang halos buong magdamag kagabi dahil hindi kami nakatulog ng maayos lalo na't sinamahan namin nina KL, Yvan, Sesa at Aria si Dhrin. Si Tello naman ay nakitulog sa tent nina Chino kagabi.

Panay ang hikbi ni Dhrin kagabi, lahat ng mura ay ipinalabas niya samantalang nasa tabi niya kaming lahat. Nasa gitna siya namin kagabi, magkakayakapan. Katabi ko si Yvan at Sesa, si Aria at KL naman sa kabila.

Sa Ikalawang PagkakataonWhere stories live. Discover now