BOSES

0 0 0
                                    

"Wow...."

Umawang ang labi ni Yvan nang pasadahan ng paningin ang paligid ng bahay namin. Kakatungo palang nila sa bahay kaya ay ganito ang kanilang reaksyon.

"Pasok na muna kayo," aya ko sa kaniya. Tatalikod na sana ako nang mahawak ni KL ang kamay ko, "Zy?" takang tanong ko. Lahat sila ay nakatingin sa akin.

"Is this your house?" tanong niya. Napalingon ako bahay at saka muli silang tiningnan. Bahagya kong hinawi ang kamay ko sa kaniya at saka natawa.

"Shunga. Syempre no! Alangan namang kaninong bahay 'to? Pumasok na nga kayo." sagot ko.

Sumunod naman sila sa akin papunta sa loob. Rinig na rinig ko ang bulong-bulongan nilang lahat nang makapasok.

"Ipagtitimpla ko muna kayo ng juice." sambit ko. "Umpisahan niyo na 'yung gagawin. Tawagin niyo ko kapag may mga kailangan kayo, ah. Kusina na muna ako." pagpapaalam ko.

Wala parin silang mga emosyon, gano'n pa din ang kanilang mga mukha, kunot ang mga noo, animo'y may mga namumuong katanungan sa kanilang mga isip na namumuo tuwing pinapasadahan nila ang bawat sulok ng bahay.

"Where's your Mom?" takang-taka si KL.

Lumaylay ang balikat ko, "She will be back maybe next week."

"Why? Where is she?"

"Uhm...s-sa...bahay ng Tita ko." sagot ko. Umiwas ako ng paningin.

Nasulyapan ko ang pag-upo nina Yvan at Sesa, samantalang si Aria at KL ay nagtataka ang mukha.

"Zy, mind if I ask you? Uhm.. Sinong kasama mo dito?" tanong ni Aria.

"Obviously, ako lang."

"Seriously, In this huge home?"

"It's not a big deal to be alone tho," napangisi ako at saka napahawak sa bewang ko. "I'll prepare foods for you guys. Just start the project. I'll be right back." sambit ko, iniiba ang usapan.

Nagsimula akong maghanda ng panghapunan namin. Gusto kong tumambay nalng sa kusina upang huwag na silang makasama upang makaiwas nalang sa kanila, pero dahil nga wala akong magagawa, bumalik nalang ako sa kanilang lahat at doon nakisali. Sinikap kong iniiba ang usapan pero palagi nalang talaga napupunta sa kuryusidad ang kanilang topiko.

Ginugupit ko ang mga print-out objects na ginawa ni Sesa, habang siya naman ang nagdidikit niyon sa tinapos na disenyo ni Yvan. Si KL naman ang sumusulat ng mga kung ano-ano sa scrapbook.

Marami silang dinalang disenyo kagaya nga ng abaca strips at mga dried designs from natural resources na maaaring mapang disenyo sa ginagawa naming scrapbook.

May kalakihan kasi itong scrapbook na ito bagaman walong pahina lang siya, punong-puno naman ng kakaibang content bawat pahina. Kakaibang disenyo at saka malaman ang kahulugan. Para siyang libro na ginawang kakaiba nang dahil sa mga disenyo. Magkakaroon ka talaga ng interes buksan ang scrapbook na ginawa namin dahil para din siyang journal na bukod sa mga aswang ang laman, may mga mensahe kaming nilagay kung paano namin bibigyang halaga at importansya ang pagpipreserba ng mitolohiya ng Pilipinas.

Panay ang pag-inom ng orange juice ni Sesa, "Ang tagal ni Dhrin.." aniya.

Natawa si Aria, "Paniguradong ubos na enerhiya 'niyon ngayon,"

Hinampas siya ni Sesa sa balikat at halos mabulunan siya sa sinabi ni Aria, "Ang baboy."

"Sus! Baka naman? Ipapaulit ko 'to sa inyo?" napatingin si Yvan sa scrapbook namin dahil na talsikan ni Sesa ng orange juice.

Sa Ikalawang PagkakataonWhere stories live. Discover now