TIMBRE

0 0 0
                                    

"Anak...Zavi, gising na."

Napamulat ang mata ko nang marinig ang boses ni Mama. Napalingon ako sa kaniya habang siya naman ay nakahawak sa braso ko, niyuyugyog ako upang gisingin. Nakaupo siya sa tabi ko at napangiti nang masulyapan niya ang pagmulat ng mata ko. "Akala ko ba next week ka pa babalik?" tanong ko nang sa wakas ay makabangon ako at makaupo.

Napabuntong hininga siya. "Dito na muna titira si Shane sa atin. Isang buwang wala ang Tita Lizette mo, pupunta sa Cebu upang mag tetraining para sa trabahong papasukan niya samantala ang asawa niya ay babalik nang Dubai." aniya.

Napalingon ako sa paligid, hinanap ang pinsan ko. "Saan na ang bata?"

"Nasa ilalim. Sa crib niya. Kanina pa kami nandito ng Tita mo. Ginigising ka niya kanina pa upang magpaalam sana pero mukhang pagod ka kaya umalis na siya kasama 'yung asawa niya." tumayo siya at saka niligpit ang mga libro kong nakakalat sa study table ko. "Kumusta ka naman dito habang wala ako?" tanong niya habang abala sa pag-aayos ng gamit sa ibabaw ng lamesa ko.

Humikab ako bago magsalita. "Ayos naman ako. Nang nakaraan nga pala ay napadito sina KL at Aria. Pati sina....Tello." sambit ko. Napatingin ako sa kaniya nang matigilan siya pero maya-maya ay nagpatuloy sa ginagawa. Bumabagabag ngayon sa akin na baka papagalitan niya ako.

Lumingon siya sa akin hawak ang pampunas ng dumi. "Mabuti dahil nagkaroon ka nang lakas ng loob na magpapunta sa mga kaibigan mo dito. Batid kong pinaparamdam naman nila sa iyo na kailangan mo din ng makakasama sa bahay.." umiwas ako ng paningin sa kaniya. "Pasensya ka na, Anak ha. Kailangan ko lang din magtrabaho para matustusan ko din 'yung mga pangangailangan mo. Magkokolehiyo kana sa susunod na taon kaya ngayon palang ay pinag-iipunan ko na 'yung pang tuwisyon mo." pagpatuloy niya.

"Ma, huwag mo namang pagudin 'yung sarili mo, Okay? Para ka namang nag-aalaga ng sampung anak niyan."

Natawa siya sa sinabi ko. "Hay nako, Zavi. Nag-iipon lang talaga ako para lang maging preparado sa kinabukasan mo."

Napabuntong hininga ako saka nagpasyang tumayo. Naligpit ko ang kama ko at saka bumaling sa kaniya. "Basta, Ma. Huwag mong pababayaan ang kalusugan mo, ah. Makikita mo pa ako sa malaking entablado kaharap ang milyong-milyong tao." sambit ko. Lumapit ako sa kaniya at binigyan siya ng napakahigpit na yakap. "Iniwan mo si Shane sa ilalim?" tanong ko.

"Oo. Tumatawa nga siya kasi may pusa'ng nakaupo sa harapan ng crib niya."

Napalayo ako sa kaniya. "Si Mokong." gulanta ko. Kumunot ang noo niya. "Wait, Ma. Hintayin mo 'ko sa baba maliligo lang ako, ah. Ipapakilala ko 'yung pusa sa'yo." gano'n nalang din ang pagmamadali ko. Iniwan ko na si Mama sa kwarto at dumiretso na ako sa loob ng banyo.

Mabilis tumakbo ang oras kaya matapos ang ilang minuto ay nakalabas ako ng banyo at saka nagbihis. Pambahay lang ang suot ko, nakasando'ng kulay dilaw at saka naka sweat pants na kulay puti. May mga nilagay pa ako sa pisngi ko tulad ng cleanser at iba pa bago ako bumaba. Narinig ko ang hagikhik ni Shane sa baba nang mabuksan ko ang pinto ng kwarto ko. Mayro'n pang tuwalyang naka balot sa buhok ko pero nagpasiya na akong bumaba.

"Mingmingming...." nilalaro ni Mama si Mokong. Habang si Shane ay nananood lang sa crib niya at saka doon humagalpak sa pagtatawa.

Napakaliit ng kuting kaya maliit din ang boses niya, hinahawakan ni Mama ang kaniyang mga kamay at isinasayaw-sayaw. "Mokong..." tawag ko nang sa wakas ay lapitan ko sila. Napalingon sila sa akin lalo na si Mokong. Mabilis siyang umalis sa kamay ni Mama at saka naglakad papunta sa paa ko. Umupo ako sa may paanan ko at saka niyuko siya at hinaplos ang kaniyang pisngi. Napatingin ako kay Mama na ngayon ay nakangiti habang pinagmamasdan ako, "Mokong 'yung pangalan niya, Ma. Nakita namin siya ni Tello diyan sa kanto." kuwento ko.

Sa Ikalawang PagkakataonWhere stories live. Discover now