TIMBRE

0 0 0
                                    

"Oh, bakit gabi na ang uwi ninyo?" bungad ni Mama nang buksan niya kami ng pinto.

Napatingin siya sa gawi namin at isa-isang pinasadahan ng paningin. Napangiti siya nang matigil ang paningin kay Tello, "Tita-Mother, nice to meet you po." Pangunguna ni Yvan. Lalong napangisi si Mama.

Napalabi akong nakatingin sa sahig. "Ikinagagalak ko ding makilala kayo. Pumasok na muna kayo at dito na kumain." aya niya at saka inakay kami papasok.

Habang naglalakad sa loob ay panay ang pagtitili ni Yvan at Sesa sa likuran samantalang kami ni Tello ay naiilang na gumawa ng boses. Nang makapasok ay nasulyapan namin si Shane na nakahiga sa kaniyang crib at doon paikot-ikot na dumidede.

"Hala! May bata pala dito, Zy!" tiling sambit ni Sesa saka mabikis na lumapit sa crib ng bata.

"Pinsan ko. Kailangan kasing maghanap ng trabaho ng Tita ko kaya dito na muna siya titira. 'Yung papa din niya ay kinailangan ding lumuwas ng bansa upang magtrabaho." sambit ko nang makalapit sa sofa. "Umupo na muna kayo dito. Tutulungan ko lang si Mama na humain." dagdag ko pa.

Napasulyap si Tello sa akin. "Tutulong ako." kapagkuway aniya.

Napangiti ako. "Huwag na. Magpahinga muna kayo dito. Kung gusto niyong manuod ng telebisyon, manuod na muna kayo." sambit ko.

Nagkasalubong ang kilay niya. Nakita ko si Mama na muling pumasok sa bahay at dumiretso na sa kusina. Suot pa niya ang kulay pink niyang apron. "Anak, hali na kayo't kumain na tayo." nangibabaw ang kaniyang boses sa loob ng bahay.

Napatingin ako kay Tello at napalingon naman kina Yvan at Sesa na ngayon ay kinakausap ang pinsan ko. "Dinner na tayo guys." aya ko sa kanila.

"Dito ka lang baby, ah." ani Sesa saka naman niya kinurot ang pisngi ni Shane.

"Tara na," baling ko kay Tello. Tumango naman siya at saka na kami magkasabay na tumungo sa hapagkainan.

Magkatabi kami ni Tello samantalang si Yvan naman at si Sesa, si Mama naman ay nasa dulo ng mesa. "Bakit may pa handa ka po, Tita-Mother?" tanong ni Yvan.

Natawa si Mama. "Alam ko kasing may kasama si Zavi pag-uwi. Kanina pa kasi ako naghihintay sa kaniya dito, eh, pumasok na din sa isip ko na gagabihin siya at alam kong ihahatid siya ng mga kaibigan niya. At hindi na din ako nagkamali." aniya.

"Sanaol like you Tita-Mother. Super caring. Strict din ba kayo?"

Napatingin si Tello kay Mama, syempre ako din. Hindi ko inaasahang uusisain ni Yvan si Mama ngayon. Napabuntong hininga nalang ako saka nagpatuloy sa pagkain. "I'm not strict. Alam ko lang talaga paano disiplinahin ang nag-iisa kong anak. Bakit ikaw? Strict ba 'yung parents mo?" tanong ni Mama pabalik sa kaniya.

Natahimik siya, napatingin sa kaniyang plato at saka dahan-dahang napasimsim ng tubig. Napatingin ako kay Mama at pinagkunutan siya ng noo.

"Uh, sorry, nak. Hindi sinasadyang itanong 'yon sa'yo," pagpapaumanhin ni Mama.

"Tita-Mother, it's fine. I can't hide naman the fact regarding how my parents treated me. But, Tita-Mother, bakit po ba matagal magpatawad ng magulang?" tanong ni Yvan.

Sabay-sabay kaming napatingin sa kaniya. Napaawang ng kaunti ang labi namin ni Sesa habang si Tello ay seryoso siyang tinapunan ng paningin. Nasulyapan ko din ang paglunok ni Tello at ang paghugot niya ng mabigat na hininga. Siguro nga alam nila kung anong mga pinagdadaanan ni Yvan.

"A-Ayos lang ba sa inyong pinag-uusapan natin ang mga bagay na ito sa harap ng grasya?" naiilang na tanong ni Mama. Napaiwas ako ng paningin.

Sa Ikalawang PagkakataonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon