PAGKAKATAON 2: ED HIROME

3 2 0
                                    

ED HIROME

"Oh, Zavi," napangisi ako nang makasalubong siya. "Lunch time niyo ba?" tanong ko sa kaniya.

Tila isang napakagandang hiwaga ang makasalubong si Zavi na nakangiti, hindi nakataas ang kilay, 'yung tipong wala kang mababasang ugali ng isang maldita sa mukha niya. Marahil ay wala ang mga kaibigan naming dalawa kaya naman walang tumutukso sa amin upang maging dahilan ng kaniyang pagkaamazona.

Lingid sa kaalaman ko na gano'n ang mga dahilan ng kaniyang pagkairita, iniintindi ko na lamang ang kaniyang modo. Iyon marahil ang ginagawa ko tuwing tinutukso kaming dalawa mula nang kami ay magkakilala.

Papasok sa coffee shop ang mga magagandang mang-aawit ng aming unibersidad kasama ang dalawang pagewang-gewang na mga lalaki.

Ang isa ay baguhan, na siyang naging dahilan ng pag-aabang ko sa kaniya kanina pa.

Umiwas ako ng paningin sa kanila at saka sumimsim ng espresso sa tasa. "Who's that girl?" mahinang tanong ko kay Hulianne.

Napakibit balikat siya sabay ng pag-arko ng labi niya paibaba. "Dunno," sambit pa nito.

Iniwas namin ang aming mga atensyon sa kanila marahil ay hindi naman sila ang aming agenda. Abala sa paggamit ng mga cellphone ang mga kaibigan ko, samantalang ako ay sumisimsim ng kape kada segundo animo'y desididong magising ang diwa ko marahil ay dinadalaw na ako ng antok lalo na nang last subject namin kaninang umaga.

"Hoi! Ed Hirome! Nagcutting na naman kayo!"

Natinag ang lahat nang biglaang mangibabaw ang bilog na boses ni Seven Eight o mas kilala sa tawag na Yvan. Bilog man ang boses nito, malambot naman kung magsalita. Isa-isa niya kaming pinasadahan ng paningin at saka marahang sinuklay ng kaniyang hintuturo ang hibla ng kaniyang buhok papunta sa kabilang bahagi ng kaniyang ulo.

"Ang galing...Ang akala ng lahat ay nasa klase pa kayo. Isusumbong ko kayo mamaya kay Miss Kaye! Ang daya ninyo!" maya-maya ay singhal ni Dhrin. Ex girlfriend ni Hulianne na kamakailan lang din siya napalitan. Bagaman kaming apat ang kaniyang pinapagalitan, na 'kay Hulianne naman ang kaniyang matalim na paningin animo'y mayro'n pang atraso ang ex-boyfriend nito sa kaniya.

Napabuntong hininga ako. Inalis ko ang presensya nila dahil lalo akong inaantok lalong-lalo 'pag puro babae ang nakaupo sa tabi ng aming mesa. Muli akong sumimsim at saka marahang napasandal sa upuan at tumingala.

Napikit ako nang sandali dahil inaantok pa ako at paniguradong mawawala ang gana ko mamaya kung mag-uumpisa na ang klase para sa larangan ng musika.

"Truth or dare!!!!!"

Nangibabaw ang mala-armalite na bunganga ni Aria. Bahagya akong napabalikwas dahil do'n. Para bang sinakup niya ang buong cafeteria ng kaniyang boses, mabuti nalang at kami lamang ang nakatambay bukod sa mga waitress at waiter. 'Pag ganitong oras, alas tres y medya, break time namin kaya naman dito kami nagpapahinga.

"Boys, gusto niyo bang sumali?" maya-maya ay napabaling sa amin si Sesa.

Napatingin ako sa kanila. Subalit nagtama na naman ang paningin ko sa kanilang kasama na ngayon ay nakatingin lang sa harap ng kaniyang mesa.

Naramdaman ko ang pagbungisngis ni Miracle nang marinig din niya ang sinabi ni Sesa, sapagkat gano'n man ang kaniyang reaksyon, halatang sadya 'yon marahil ay target nilang pagsalitain si Hulianne dahil sa ginawang paglalaro ng puso kay Dhrin.

Hindi naman ako sigurado subalit iyon ang pagkakaintindi ko.

Bahagya akong tumayo subalit hindi ko inaasahan na makuha ko ang atensyon nilang lahat. Natigilan ako nang masulyapan ang pagtingin ng babae nilang kasama. Bigla ay nahiya ako. Hindi ko man alam bakit ako tumayo. Ngayon, nangangapa ako ng maidadahilan. "Uhm... b-balik na kami." sambit ko.

Sa Ikalawang PagkakataonWhere stories live. Discover now