DON SEVILLE

6 2 0
                                    

Tumunog ang bell nang pumatak ang alas nuebe ng umaga. Break time namin iyon bilang 4th year high school sa paaralan ng Hilado Tomas University.

Hindi naman gaano ka laki para masabing ito na ang pinakamalaking unibersidad sa buong Pilipinas. Tama lang naman ang lawak nito para sa mga estudyanteng may-kaya na makakapag-aral dito.

Nagsitakbuhan 'yung iba papunta sa canteen samantalang kami nina Drhin, Aria at Sesa ay nanatiling nakaupo sa kaniya-kaniya naming mga silya.

Sa kadahilanang hindi kami nakapagdalo ng klase sa Matematika kahapon dahil nga mayroon kaming kompetisyon. Marahil ay walang excuse para sa guro namin sa matematika na si Misis Ramos.

Panay ang pagtitiim ng mga bagang ni Drhin habang nakatingin sa malayo. Alam ko ang dahilan ng kaniyang nararamdaman. Gutom lang naman kasi 'yan.

"Zy! Skip na tayo ng class!!" iritablebg sambit ni Sesa. "Nababagot ako dito! Ano bang klaseng parusa 'to?!" lumukot ang kaniyang mukha.

Nagpigil ako sa pagtatawa. "Ewan ko." nagkibit balikat ako.

Napatingin ako kay Aria na ngayon ay nakikinig na naman sa musika. Panay ang pagkakanta niya ng musikang may mabibilis na ritmo at napakaraming liriko.

Napabuntong hininga ako at umiwas nalang ng paningin sa kanila.

Wala naman kaming magagawa, pinarusahan lang naman kami para manahimik dahil ayon kay Misis Ramos, narindi daw siya kahapon sa pakikinig ng mga performances ng iba't ibang grupo kung kaya'y pinili niyang magklase sa iba naming mga kaklase na hindi nakapagdalo sa event kahapon.

Kami lang naman ang nagwagi. At halos magwala ang lahat ng 4th year students dahil do'n ay exempted ang lahat sa ibang subjects maliban sa matematika.

♪ ♬  ♬ ♪♪ ♬  ♬ ♪
Kapag tumibok ang puso
Wala ka nang magagawa kundi sundin ito.
♪ ♬  ♬ ♪♪ ♬  ♬ ♪

Nagsimula sa pagkanta ang grupo ng Ang Nota Club. Lahat ng mga mang-aawit ay pulos mga lalaki.

Sa inaasahang reaksyon ng mga kababaihan, hindi nawala ang pagtitili at pagsisigawan ng mga pangalan at persona na kilala nila.

Maging si Drhin ay napapatili ng ibang mga lalaki. Marahil bukod sa matatangkad ang mga ito, hindi maipagkailang malakas ang mga dating nito. Maski sa simpleng outfit na suot-suot nila, at ang iba ay may mga shades pa, dumagdag iyon sa lakas ng kanilang dating na siyang dahilan bakit nakuha nila ang presensya ng iba.

"Sabi na nga bang bet ko 'yung mga nota." tili ni Drhin.

Nanlaki ang mga mata naming tatlo. Subalit mabilis na bumaling si Aria sa kaniya, sa paraan lang naman ng pagkakahawak sa hibla ng kaniyang buhok at paghihila no'n. Sa madaling salita, isang simpleng sabunot lang naman iyon.

Hindi tinablan ng pananakit sa bungo si Drhin dahil nagpatuloy pa din siya sa pagtitili. Maging ang dalawang bakla naming mga kasama ay napapatili ng Ang Nota Club.

Hindi ko din maintindihan kung ano bang nakakatawa sa pangalan ng kanilang grupo.

Pero ang alam ko lang naman ay tuwing si Drhin ang mag babanggit ng mga salitang may kinalaman sa mga nota ay natatawa ang lahat sa kaniya.

At bakit nga ba sa dinamidami pa kasi ng pweding maipangalan bakit iyon pa ang naisipan nilang mga kalalakihan?

Nagtuloy-tuloy lang naman ang performances ng iba.

Sa Ikalawang PagkakataonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon