Bilang 24 - Sa Bandang Huli

22 9 3
                                    

SA BANDANG HULI

Pinasok natin ang isang giyera,
Nang pag-iibigan na'ting dalawa,
Giyerang sabay na'ting pinaglalaban,
Giyerang sumubok sa ating pagmamahalan.

Masaya ang unang pakikidigma,
Pinagtanggol mo'ko at hindi pinakawala,
Sa mga kalabang sumusugod,
At patuloy na ako'y pinoprotektahang lugod.

Hindi mo hinayaang ako'y mahawakan,
At hindi mo hahayaang masaktan,
Makikidigma ka kung kinakailangan,
Dahil nangako 'kang hindi mo ako iiwan.

Hindi ka napagod,
Hindi nga ba napagod?
Dahil nang umabot tayo sa gitna,
Ako'y iniwang binabangga.

Ng mga kalabang nakikidigma,
Ng mga kalabang sumugod sa simula,
Sa labanang ating binuo,
Sa pagmamahalang akala ko totoo.

Wari ko'y isa nang pantasyang kwento,
Ngunit nahantong ito sa isang dilubyo,
Wala akong dalang kalasag,
Para panangga sa puso kong iyong binasag,

Wala akong dalang armas,
Na panlaban sa pag ibig 'kong wagas,
Wala akong dalang sibat,
Sa pagmamahal 'kong tapat.

Sayo, oo sayo!
Sayo ko ipinagkatiwala ang labanan,
Dahil akala ko tunay ang iyong nararamdaman,
Pero bakit parang ikaw pa ang kalaban.

At ako'y iyong sinaktan ng lubusan,
Hindi ako nakapaghanda sa pag-atake mo,
Hindi ako handa sa paglusob ng paglaho,
Hindi ako naging handa sa pagkabigo.

Bakit mo ako iniwan sa gitna?
Hindi ako nakapaghanda,
Na masugatan sa labanang ito,
Sa labang pinasok ko.

Hindi pa nga tayo nakakarating sa dulo ng tuluyan,
Bakit mag-isa mo na akong iniwan,
Iniwan mo ako sa giyerang may tayo,
At sa bandang huli, tuloy, ako ang natalo.


121520

Wondering Alone || A Poetry Anthology Where stories live. Discover now