Bilang 25 - Sana Tayo Na Lang

14 6 0
                                    

SANA TAYO NA LANG

Sana tayo na lang dalawa,
Sana tayo na lang ang magkasama,
Sana tayo na lang ang maging masaya,
Sana tayo na lang talaga.

Paulit-ulit na sinisigaw ng aking puso,
Ngunit paulit-ulit 'ring dumurugo,
Dahil sa katotohanang hindi ikaw at ako,
Na masaya ka na sa piling ng ibang tao.

Oo, ako'y nasasaktan,
Ngunit wala akong magawa kasi siya ang iyong kaligayahan,
Tanging pagtanggap na lang ang magagawa ko,
Dahil ang kaligayahan mo ay kasiyahan sa puso ko.

Ngunit nais ko lang malaman mo,
Na heto nakatayo pa rin ako at nag-aantay sayo,
Sa tuwing ika'y masasaktan,
Nandirito lang ako nag-aantay at handa kang damayan.

Dahil ang katotohanang mahal kita,
Kahit may mahal ka nang iba,
Ay hindi pa rin nawawala dito,
Na ikaw pa rin ang tinitibok ng puso.

_

012419

Wondering Alone || A Poetry Anthology حيث تعيش القصص. اكتشف الآن