Bilang 62 - Sa Iyo Lang Ako Kailanman

8 3 0
                                    

SA IYO LANG AKO KAILANMAN

Unti-unti nang ibinababa,
Ang nakahigang kahoy na mahaba.
Laman-laman nito ang isang bangkay,
Isang bangkay na minahal ako ng walang humpay.

Nakangiti at mahimbing na natutulog,
Habang ako’y unti-unting nadudurog,
Sa mabilis nitong paglisan,
Na hinding-hindi ko inaasahan.

Pinipigilan ko ang pag-iyak,
Hanggang sa huling pagtapon ng puting bulaklak.
Pipiliton ko’t aking titiisin,
Ngunit parang hindi ko mapigilan ang aking damdamin.

Nang marinig ko ang ’yong magiliw na boses,
Nagulat ako at biglang nainis.
Isang video greet mo lang naman pala,
Hindi— mensahe ’mong naiwan na gusto mo sa aking ipakita.

Sa bawat salita na binibigkas mo,
Mas lalong bumibigat ang kalungkutang nararamdaman ko.
At hindi ko na napigilan ang aking pag-iyak,
’Nong marinig ko ang sinabi ng pinakamamahal ’kong kabiyak.

“Mawala man ako sa mundong ito,
Hindi parin mababagong ikaw ang nilalaman ng aking puso.
Siguro ngayon pinapanuod mo akong dinadala na sa kawalan,
Ngunit tatandaan mo, sa iyo lang ako magpakailanman.”

“Sa iyo lang ako kailanman”


Note :

Prequel ito ng “Mahal, gabayan mo ako sa ating pangarap'' na tula din BAHHHAHAHAH.. Tula ginagawan ng prequel.

Wondering Alone || A Poetry Anthology Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon