Bilang 13 - Para Kang Ulan

28 17 0
                                    

PARA KANG ULAN

Umupo ako sa tabi ng pintuan,
Ng biglang bumuhos ang malakas na ulan,
Napatingin ako sa mga patak,
At hindi na napigilan ang pag-iyak.

Naalala ko ang mga sandali,
Sandaling ikaw ang pinili,
Ikaw ang unang minahal,
Ikaw, lamang mahal.

Naalala mo pa ba?
Kung paano tayo nagkakilala,
Kung paano nagtagpo ang ating mga mata,
At kung paano nilapitan kita.

Hindi ko mapigilang mapangiti,
Dahil hindi ako makatimpi,
Hindi ko mapigilan,
Na kiligin at mahulog sayo ng tuluyan.

Sobrang saya ng nadarama,
Sa tuwing nakakasama at nakikita kita,
Parang ang lahat ay gumagaan,
Kapag ako'y iyong nahahagkan.

Umihip ang malamig na hangin,
Kasing lamig ng pakikitungo mo na sa'kin,
Wala ka nang oras ipadama,
Kung ako ba sa iyo ay mahalaga.

Nagtataka ako kung mahal mo ba ako,
Dahil kung oo, bakit mo'ko binigo?
Bakit bigla kang nag-iba?
Bakit, may bagong mahal ka na ba?

Hindi ako tumigil na mahalin ka,
Hindi ako nagsawang pagmamahal ko sayo ay ipadama,
Dahil alam ko sa sarili ko,
Na ikaw at ikaw lang ang laman nitong puso.

Bakit biglaan ka na lang nagbago?
Para kang ulan na mabilis bumugso,
Pagkatapos maubos ang binuhos nito,
Wala na, titila na at lalayo.

Wondering Alone || A Poetry Anthology Where stories live. Discover now