Bilang 36 - Biglaang Pagbabalik

12 2 0
                                    

BIGLANG PAGBABALIK

’Nong una hindi kita kayang bitawan,
Ngunit ng maglaon ay nakaya na kitang talikuran,
Kaya ko nang ihakbang ang aking mga paa,
Papalayo sa mapanakit 'mong mga salita.

Natuto na akong labanan ang nararamdaman,
Na hindi ko kayang gawin noon kaya palagi kitang pinagbibigyan,
Palagi kitang iniintindi,
Ni hindi manlang kita kayang isisi.

Sa mga pagkakamali 'mong ginawa,
Pero pinilit kong magbulag-bulagan dahil hindi ko mapigilang maawa.
Sa iyo, mahal kita kaya ganito,
Ganito na lang kita ituring ngunit nakuha mo'pang manloko.

Siguro noon yun pero ngayon hindi na,
Hindi ka na makakapasok pa,
Sinara mo ang pinto ng aking puso,
Iniwan mo lang naman itong nagdurugo.

Ang pinto nito ay iyong sinira,
At ang susi nito ay iyong winala,
Masaya ka na nasaktan mo ako hindi ba?
Masaya kang kahawak ang kamay ng iba.

Anong babalik ka muli para sa akin?
Anong iniwan mo para ako'y biglang kunin.
Wala, wala kang iniwan ni pagmamahal,
Lahat itinapon mo kahit ang relasyon natin ay sobrang tagal.

Sinayang mo ang lahat,
Hindi ka naging tapat,
Hindi mo alam ang salitang kuntento!
Dahil kung oo meron pa sanang tayo!

Wondering Alone || A Poetry Anthology Where stories live. Discover now