Bilang 10 - Bumalik Ka Na

87 35 36
                                    

BUMALIK KA NA

Halos umagos na ang luha sa aking mga mata,
Habang aking naalala ang ating pangako sa isa't-isa,
Mga pangakong akala ko hanggang dulo,
Na akala ko hindi magbabago.

Ngunit ang pangako ay hanggang akala lang pala,
Dahil ito'y nawala ng bigla karing nawala na parang bula,
Hindi nagpaalam kahit isang saglit manlang,
At ako'y iniwan na umiiyak at duguan.

Bakit, ang pangako ay napako?
Bakit, ang pag-ibig ay naglaho?
Bakit, ang puso ko ay nagdurugo?
Bakit, bakit, bakit, ako'y iyong binigo?

Mahal, nasaan ka na?
May pangako kapang tutuparin 'di ba?
May pangarap pa tayong aabutin,
Mga pangarap na hanggang bituin.

Hanggang ala-ala nalang ba?
Ang ating pag-iibigang dalawa,
Dahil hindi ako sanay na hindi ka kasama,
Sa bawat oras na lumilipas ay namimiss kita.

Mahal bumalik kana,
Ako'y nangungulila na sayo ng sobra,
Dahil ang buhay kong ito'y tila wala na,
Wala nang halaga kapag hindi kita kasama.

_

Wondering Alone || A Poetry Anthology Where stories live. Discover now