Bilang 63 - Paalam Na

7 1 0
                                    

PAALAM NA

Ika'y aking tinalikuran,
Ngunit kamay ko'y di mo binibitawan,
Niyakap mo ’ko ng mahigpit,
Ngunit hindi ko na mapipilit.

'Pang mahalin kita muli,
Hindi na kita kayang ipili!
May mahal na akong iba,
Oo, bago, kaya pinapalaya na kita.

Malaya ka na sa sakit na idinudulot ko,
Hindi ka na masasaktan sa taong ito,
Sa taong hindi nakuntento sa isa,
Sa taong imbis na piliin ka ay naghanap pa ng iba.

Minahal naman kita ngunit hindi ako sigurado,
Kung minahal nga ba kita ng totoo?
Inaamin ko, mabilis kitang pinagsawaan!
Dahil inibig lang naman kita 'nong ika'y aking pinagnanasaan.

Nasasaktan ka?
Alam mo namang ganito ako pero pinili mo pa!
Iiyak ka?
Pinasok mo ang mundo ko nang hindi ka handa.

Sa posibleng mangyari sa iyo,
Sa kahahantungan ng mahina 'mong puso.
Magalit ka kung gusto mo!
Wala na akong pakialam sa'yo.

Kaya sana bitawan mo na ang mga kamay ko,
Ipagpatuloy mo lang 'yang pag-iyak mo,
Dahil sa paghakbang nitong mga paa,
Mahal ko, mahal ko nga ba talaga?

Paalam na.

Wondering Alone || A Poetry Anthology Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon