Bilang 48 - Okay Lang Na Maging Mahina

4 0 0
                                    

OKAY LANG MAGING MAHINA

Lahat tayo'y mahina
Kaya wag kang matakot na masaktan
Huwag kang matakot na lumuha
Huwag kang matakot na maiwan

Hindi sa lahat ng bagay
Ay dapat maging malakas ka
Wala namang problema kung maging mahina
Hindi nakakahiya ang maging kawawa

Kailangan mo lang na tanggapin
At ilabas ang sakit ng damdamin
Lahat ay magiging maayos sa pagtanggap
Huwag kang matakot na iharap

Ayos lang kung magtago
Isigaw ang nararamdaman ng puso
Dahil okay lang ang lumuha
Okay lang na maging mahina

Wondering Alone || A Poetry Anthology Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin